Chapter: Chapter 182 [Wakas] Nasasabik niyang binuksan ang pintuan ng kwarto. Naroroon na si Francesca, ngunit tulog pa rin ito. Naupo siya sa bedside chair. Hindi niya napigilan ang hawakan at halikan si Francesca sa kamay nito. “I love you..” anas niya na nagpagising kay Francesca. Maya-maya pa’y may nurse na pumasok. Karga na nito ang kanilang baby. Nakangiti siyang napatingin kay Francesca. Muli niyang hinalikan ang kamay ng asawa. Kaagad namang tinangggap ng kaniyang mother-in-law ang sanggol mula sa nurse. Maliwanag ang mukha nitong lumapit sa kanila.“Look at this cute baby..” malumanay ngunit nasasabik na wika ni Natasha. Dahan-dahan nitong ipinasa sa kaniya ang sanggol. Kabado pa siya nitong una, natatakot na baka mabalian ng buto. Hanggang sa naihiga nito ng maayos ang sanggol sa kaniyang mga bisig. Hindi na naalis ang maluwang niyang ngiti habang pinagmamasdan ang munting anghel. Marahan niyang hinaplos ang malambot na balat ng anak. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ito sa maliit nitong k
Huling Na-update: 2025-09-30
Chapter: Chapter 181 [Labor] Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan hanggang sa malapit na siyang manganak. Hindi siya natatakot dahil marami naman ang sumusuporta at tumutulong sa kaniya. Kung noon malakas ang loob niya kahit pa hindi madali ang magsilang ng sanggol. Ngayon mas lalong dumoble ang kaniyang tapang dahil sa tulong ng mga mahal niya sa buhay. Hindi lamang kasi siya ang mag-isang lumalaban, sapagkat marami sila.Isang umaga sa may veranda..“Hon, kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nahihirapan?” Huminga siya nang malalim at bahagyang napangiwi nang umayos ng upo sa rattan chair. “Okay naman ako. Sadyang medyo malikot lang itong bunso mo..” pagbibiro niya. Napangiti si Javier. “Kanino pa ba magmamana iyan?” pagsakay nito sa kaniyang biro.“Kanino pa, e ‘di sa ‘yo..” paikot ang mata niyang tugon. Lumuwang ang ngiti nito. Bahagya siya nitong pinasandal sa katawan at maingat na hinaplos ang braso. “Anong ipapangalan natin diyan sa baby girl natin?” maya-maya'y muli nitong tanong. Napasinghap si
Huling Na-update: 2025-09-29
Chapter: Chapter 180 [Masayang Pagsalubong]Masayang sinalubong ni Francesca sa main door ang kaniyang asawang si Javier. Mahigit dalawang linggo rin itong nawala. Maiksi lamang iyon, pero sa kaniya ay tila isa na iyung taon. Labis niyang ikinaligaya ang muli nitong pagbabalik. “Hon..” usal niya nang makalapit. Mainit na yakap ang kaniyang isinalubong rito. “Do you miss me?” Kaagad naman siyang hinalikan ni Javier sa mga labi at saka niyakap nang mahigpit. “I missed you so much,” malambing niyang tugon. Kaagad na kinarga ni Javier si Lewis nang patakbo itong sumampa sa ama. Maluwang ang ngiti ni Javier habang hinahalik-halikan sa ulo ang anak. “Daddy, why did you take so long? I really missed you..” Pakiramdam niya ay nabiyak ang puso niya nang marinig ang pagsusumamo ng anak. “Don’t worry, daddy won't leave you again..” “Promise?” Itinaas pa ni Lewis ang palad. “Yeah, promise..” Muling naglabasan ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ng anak matapos ngumiti. “Kumain ka na, ipinagluto kita ng paborito
Huling Na-update: 2025-09-28
Chapter: Chapter 179 [Sentensya]Nang kukunin na ni Rod ang bagay na iyon sa kaniyang kamay kaagad siyang umatras at umiwas. Ngunit ang malakas na suntok nito ay hindi niya napigilan at tumama sa kaniyang mukha. Kaagad niya itong naitulak nang muli siya nitong pagtangkaan. Tumama ang likod nito sa kanto ng mesa, dahilan para mamilipit ito sa sakit. Dumilim ang mukha ni Rod at mas lalong uminit ang dugo sa kaniya nang muli itong humarap. Sa pagkakataong iyon, tumakbo ito sa drawer at nagmamadaling kinuha ang baril. Kinabahan siya dahil wala pa naman siyang dalang baril nang mga oras na iyon. Naiwan niya iyon sa kotse. Tanging recorder lamang ang kaniyang nadala. Bago pa man maitutok sa kaniya ni Rod ang baril. Napalingon silang pareho sa kumalabog na pintuan. Iniluwa nito ang mga FBI. Nanlaki ang mga mata ni Rod. Hindi siya nakapaghanda nang hatakin siya ng lalaki at tutukan ng baril sa kaniyang ulo. Naitaas niyang bigla ang kaniyang mga kamay. “Put your gun down!” sigaw ng isa sa mga ito. Napaatras siya kasaba
Huling Na-update: 2025-09-27
Chapter: Chapter 178 [Pagbubunyag ng Katotohanan]“Aminin mo man o hindi, Uncle Rod. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa ‘yo, maging sa anak mo. At hindi mo ako masisindak kahit anong gawin mong pananakot,” matapang niyang saad. Napasinghap ito. “Talagang matalino ka, Ricardo. Pero hindi sapat ang katalinuhan mo, dahil hindi lahat ng bagay tungkol sa ‘kin ay alam mo.” Nagsalubong ang kaniyang kilay sa mga hindi mawaring salita na patuloy na ipinahihiwatig nito.“Ngayong wala ka na sa gobyerno, mas mapapadali ko na ang lahat ng binabalak ko sa ‘yo at sa pamilya mo. Sayang lang, at palaging pumapalpak noon si Dionisio sa mga utos ko.” Napakunot ang kaniyang noo. Iniintindi ang bawat salitang namutawi sa bibig nito. “Kilala mo si Dionisio?” Tumawa si Rod at naiiling na napatakla. “Ricardo, Ricardo. Mahina ka ring kagaya niya. Bakit hindi kayo nangangalahati sa kakayahan ko?” Nagsimula nang manginig ang kaniyang kamao na tila ba gustong magpakawala ng suntok. “Sa tingin mo, ang lahat ng kamalasan na nangyayari sa buhay n'yo, kaninon
Huling Na-update: 2025-09-25
Chapter: Chapter 177 [Muling Paghaharap] Sinuyod niya ang buong CCTV footage ng lahat ng departamento mula nang araw na tumuntong ng kompanya ang kaniyang tiyuhin. Pinagtiyagaan niya iyon sa loob ng halos tatlong araw upang mapatunayan niya ang lahat ng kaniyang paghihinala. At sa huli, nang gabi ring iyon, sa loob mismo ng kompanya. Nasagot ang katanungan, matapos ang pasikretong pagmamasid. Sa sumunod na araw, natanggap niya ang mensahe mula kay Laviña. Napag-alaman niyang hindi pa nakababalik ng Pinas si Rod. Isang linggo na raw’ng nananatili sa Las Vegas ang kaniyang tiyuhin. Halos araw-araw raw ito roon sa casino para maglustay ng pera. Pinasundan niya si Rod at pinaimbestigahan. Hanggang sa nalaman niyang may mga galamay pala ang kaniyang tiyuhin na nagtatrabaho sa loob mismo ng kompanya. Ang mga spy, thief at hacker na nakapasok bago pa man makarating ng States si Rod. Ang mga tauhan nito, na naging daan sa ginawang pagnanakaw ng lalaki sa perang pinaghirapan ng mga tao sa kompanya. Planado ang lahat at malinis a
Huling Na-update: 2025-09-24
Chapter: Kabanata 36 [Sa Batis] Alas singko pa lamang nang umaga, nagyaya na si William na mag-jogging sa malawak na parte ng Hacienda. Mas maganda raw roon dahil presko ang hangin at walang masyadong tao kapag ganitong oras kumpara sa sports center na dayuhin ng mga runners. Pumayag na lang din ako para may makasama siya kesa magkape at humarap lamang sa laptop. Nagbaon kami ng face towel at mineral bottle. Halatang nakasanayan niya ang ganitong ehersisyo sa umaga dahil hindi siya mabilis mapagod hindi gaya ko na pawis na pawis na kaagad. Pero in fairness, gusto ko ang pakiramdam na ito. Feel ko kasi gumaan ang pakiramdam ko. Halos mangalahating oras din kami sa pagdya-jogging hanggang sa marating namin ang malinis na batis. Naupo ako sa malapad at malaking bato sa gilid niyon.“May ganito pala rito?” tanong ko agad sa kaniya na namamangha.Ngumiti siya at napakamot sa kilay. “Oo naman, malawak kasi ang Hacienda, maybe humigit kumulang nasa hundred hectares.” “Talaga? Bakit hindi ko alam iyon,” bulong ko.“Hind
Huling Na-update: 2025-10-27
Chapter: Kabanata 35 [Pakiusap]“We're here..” Matapos tanggalin ni William ang seatbelt niya, sa akin naman ang inabot niya. Sinalubong agad kami ng magsasaka nang makababa.“Magandang hapon, señorito–madam,” Tinanggal ng lalaking nasa edad kwarenta ang sumbrero niya at yumuko sa amin bilang pagbibigay galang.“Magandang hapon, Mang Bernard. Kumusta kayo rito at ang mga tanim?” Dumako ang paningin niya sa malawak na taniman.“Ayos naman po, senorito.” Inilagay nito sa dibdib ang sumbrero at dahan-dahang naglakad. Sumunod naman kami. “Ang totoo po niyan, malakas ang ani ngayon kumpara noong nakaraang buwan,” dagdag pa nito.“Magandang balita kung gayon. Kasama ko nga pala ang aking sekretaryang so Trisha.” Ngumiti ako at pagkatapos ay nakipagkamay. Gayundin ang lalaki. Yumuko si William nang pumasok kami sa isang nipa hut. Naupo kaming pareho. Lumapit ang isang may edad na babae at nag-alok sa amin ng mga kakanin na luto pa nila mula sa mga tanim. Umuusok pa iyon na halatang kakahain pa lamang mula sa kaldero.“
Huling Na-update: 2025-10-26
Chapter: Kabanata 34 [Lihim na Relasyon]Muli ay naulit pa ang masarap na pag-angkin namin sa isa't isa. Sa ikalawang pagkakataon, nawala na nang tuluyan ang aking pag-alinlangan. Buong puso ko nang inalay ang aking sarili sa kaniya. Kahit ilang beses man niyang gustuhing ako’y angkinin, hindi ako tututol. Ang mga salitang ‘mahal kita’ ay hindi sapat para ipadama namin sa isa't isa ang pag-ibig na nabuo sa pagitan naming dalawa. Mahal ko na siya, mahal na mahal. Hindi ko na maitatanggi pa dahil iyon ang katotohanan na aking nadarama. Simula nang maranasan ko ang buhay sa piling niya at ibigay niya sa ‘kin ang mga bagay na minsang hindi ko hiniling. Ipinapangako ko na kailanman ay hindi ako ang magiging dahilan ng pagbuwag ng aming lihim na relasyon. Ang mga ginawa niya at ang mga binitiwang salita ang patunay–ang kaisa-isang pinanghahawakan ko. Naniniwala ako sa mga sinabi niya. Alam kong hindi lamang dahil sa kabayaran ng aking pagpayag na maging asawa niya sa papel ang lahat ng ginagawa niya. Kung hindi, dahil sa iyon a
Huling Na-update: 2025-10-25
Chapter: Kabanata 33 [Paliwanag]Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko buhat sa kaniya. “Anong pinagsasabi mo? Kailan nangyari ang bagay na iyan?” Lumingon siya sa akin. Ang mga mata niya kaninang may bahid ng pinaghalong tampo at galit ay napalitan ng mahinahong tingin. “I kissed you, but it was a long–long time ago. Of course, hindi mo maaalala dahil hindi mo naman alam. It was the first time in my life that I kissed a girl.” Pigil ang hininga ko habang nakikinig sa paliwanag niya. Saka lamang bumalik sa aking gunita ang noo'y panaginip na tila ba, hinahalikan ako nang kung sino. Masyado nang matagal iyon. Nagsisimula pa lamang akong magdalaga no’ng panahong ‘yon. Iyon ang kauna-unahang nanaginip ako ng ganoon sa tanang buhay ko bilang isang nene. Kunot ang noo ko at nakatitig sa kaniya nang dahan-dahan siyang lumapit sa ‘kin. “Gusto kong aminin noon na gusto na kita pero–iyon rin ang mga araw na lumuwas kami ng Maynila. Iniwan namin ang lugar na iyon kasama si Tiyo Hector. Simula no’n, nagbago na ang b
Huling Na-update: 2025-10-24
Chapter: Kabanata 32 [Business Trip]Pumasok kami sa pribadong lupain. Sumalubong sa amin ang mahalimuyak na bango. Namangha ako sa ganda at lawak ng bahay niya. Mayaman pala talaga ang pamilya Cervantes. Ang pagkakaalam ko’y dalawang ektarya lamang ang bahay niya rito sa Davao. Mali ako sa inaakala ko. Isa pa lang Hacienda meron ang mga Cervantes sa Davao. Kaya pala malaki ang kita nila sa agrikultura. Sila pala ang may malaking sakahan ng brown rice rito sa Davao. Huminto kami at agad kaming sinalubong ng isang caretaker at dalawang katulong. “Magandang tanghali, Sir William..” “Magandang tanghali Mang Jose, kumusta?” “Mabuti naman po, señorito. Narinig namin na patungo kayo rito,” magalang na sagot nito kay William. Maya-maya pa'y sa katulong naman ibinaling nito ang tingin. “Margie, pakiakyat ng gamit nina Ma'am at Sir sa itaas,” utos niya sa isang katulong na babae. Kaagad namang sumunod ang dalawa. “Magandang tanghali po,” magalang kong bati rito. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Ang gan
Huling Na-update: 2025-10-23
Chapter: Kabanata 31 [Distansya]Iba ang pakiramdam ko sa buong maghapon. Tama nga ang hinala ko. Napahalukipkip ako sa pagkadismaya. Kinabukasan, nakaramdam ako ng distansya sa pagitan namin ni William. Pumapasok lamang ako sa opisina niya kapag tinatawag niya ako kung may importante siyang ipinagagawa. Naglaon ay medyo lumayo ang loob ko sa kaniya. Ang pagsibol sana ng palihim na pagkagusto ko kay William ay unti-unting naglaho. Isinantabi ko ang nararamdaman ko sa kaniya dahil alam kong wala rin namang patutunguhan. Madalas silang magkasama ni Annie. Naramdaman ko na hindi na siya nagkainteres pa sa akin mula nang bumalik ang assistant niya. Hindi na rin ako umasa pa. Pinagsikapan ko na lamang na magawa nang maayos ang trabaho ko. Ipinagpasalamat ko na lamang ang ginawa niyang pagtulong sa ‘kin kahit sa kabila niyon ay ang noo'y pagbabanta. Wala naman na akong narinig sa kaniya simula niyon. Iyon lang naman ang mahalaga sa ngayon. Sa sumunod na araw, maaga akong nakipagkita sa boss kong si William para sa
Huling Na-update: 2025-10-23