Search
Library
Home / Romance / OFW Wife of a Billionaire / Kabanata 003

Kabanata 003

Author: Roxxy Nakpil
2024-06-18 12:07:03

“Alam mo, huwag kang feeling, okay?! Ang grupo n’yo lang ang pinaka-maingay dito, kaya natural lang na mapatingin ang mga tao sa inyo.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Ngumiti lang siya at sinagot ako, “Okay, Miss, sabi mo eh! By the way, ako nga pala si James. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

Napairap ako at tumungga ng tequila bago sumagot. “Alam mo, gusto ko lang mapag-isa, kaya pwede ba, huwag mo na akong idamay sa trip n’yo magkakaibigan? Quota na ako sa sakit ngayong araw. Kaya kung pwede lang, ibang babae na lang ang pagpustahan n’yo. Wala kang mapapala sa’kin.”

Tumawa siya nang bahagya bago sumagot. “Miss, hindi ka namin pinagpupustahan. Kita mo namang umalis na ang mga kaibigan ko, ‘di ba? Oh, sige, ganito na lang hayaan mo lang akong umupo dito sa tabi mo at makipag-inuman sa’yo. Pero may kasunduan tayo kung sino sa atin ang unang gumawa ng hindi magandang kilos, siya ang magbabayad ng lahat.”

Agad niyang tinawag ang waiter, na mabilis namang lumapit.

 “Ikaw ang saksi, ha. Kung may gagawin akong masama sa magandang babaeng ito, tumawag ka agad ng pulis at sa’kin mo i-charge lahat ng iinumin namin ngayong gabi. Heto ang card at ID ko.” Inabot niya ang buong wallet niya sa waiter, na natatawa na lang sa ginagawa niya. Sa itsura nila, mukhang matagal na silang magkakilala.

Napailing ako sa pagiging OA niya sa sitwasyon at hindi ko napigilang matawa. “Oo na, sige na! Basta no attachment. Kailangan ko lang ng makakasamang uminom. At tandaan mo, kung sino ang gumawa ng kalokohan, siya ang magbabayad ng lahat.” Inabot ko rin ang wallet ko sa waiter bilang tanda ng patas na laro.

Tinawag ng waiter ang kanyang manager upang ipaalam ang aming kasunduan. Pumayag naman ito at ngumiti sa amin. Mukhang may impluwensya si James sa lugar na iyon, dahil kahit bawal mag-iwan ng personal belongings, pinayagan siyang gawin ito nang walang pag-aalinlangan.

Habang lumalalim ang gabi, patuloy lang kaming nag-uusap, kasabay ng malulutong na halakhakan. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, sa ilang oras naming pag-uusap ni James, gumaan ang loob ko sa kanya. Unti-unti ko ring nabawi ang maling impresyon ko sa kanya. Kung kanina ay naiinis ako sa pagiging presko niya, ngayon, parang ayaw ko nang matapos ang aming kwentuhan.

Muli kaming umorder ng alak, at hindi namin namalayang napaparami na pala ang naiinom namin. Sa gitna ng aming kulitan, napasabak na rin kami sa pagsayaw sa saliw ng malalakas na disco music. Ang buong bar ay puno ng sigawan at kasiyahan—hanggang sa biglang baguhin ng DJ ang musika.

Mula sa masiglang tugtugin, naging isang mabagal at malambing na love song ang pumailanglang. Biglang nag-iba ang atmospera, at napatingin ako kay James nang iabot niya ang kanyang kamay, nag-aanyaya na sabayan siya sa sayaw. May saglit akong pag-aalinlangan, pero sa huli, pinaunlakan ko siya.

Habang dahan-dahan kaming sumasayaw, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang, habang ang braso ko naman ay napayakap sa kanyang likod. Napasandal ako sa kanyang dibdib, at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay tumulo na ang aking mga luha.

Hindi ko inaasahang babalik ang bigat ng sakit na pilit kong tinatakasan dahil ang musikang iyon ay siyang tugtog na dapat sana ay maririnig sa kasal namin ni Michael.

Bigla akong natigilan, bumitaw mula sa pagsa-sayaw, at pilit na pinahid ang luha sa aking pisngi.

“Tara na, James. Maupo na lang tayo. Ayoko ng ganitong music, ang panget! Napaka panget!,” mahina kong sabi, pilit na nginitian siya bago lumakad pabalik sa aming mesa.

Tinawag ko ang waiter at sunod sunod ang naging pag order ko ng alak, kada hatid nito ay mabilis kong nauubos ang alak na nilalapag niya sa aking harapan, kaya naman humingi na ako ng isang buong bote ng whisky, Nakatingin lang sakin si James sa akin hindi niya ako kinulit na magtanong, nag-abot lang siya ng tissue sa akin at sabay na tumungga ng kanyang iniinom .

Kahit hindi pa siya nagtatanong ay ako na mismo ang nagkwento sa kanya ng ngyari sa akin ng umaga iyon dala na din siguro ng matindi kong kalasingan naging makwento na ako.

“Alam mo kayong mga lalaki ang sasama talaga ng ugali niyo. Huhuhu. Hindi ko kayo maintindihan, wala kayong kakuntentuhan.” Panimula kong sabi sa kanya habang walang tigil ang paglagok ko sa alak at pagtulo ng aking luha.

Tahimik lang siyang nakikinig habang patuloy kong inilalabas ang sama ng loob ko. Panay din ang lagok niya ng alak, pero hindi siya umimik kahit isang beses.

“Alam mo ba, James? Yung putng in*ng fiancé ko?” bulol kong sabi dahil sa kalasingan. “Yung magaling na yun, binuntis lang naman ang kapatid ko! Ang galing-galing, ’di ba? Hahaha!” Natatawa akong nagsalita habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko.

“At ang mas malala? Alam pala ng Mama at Papa ko. Sa bahay pa nila pinatira! Hinayaan nilang ipagpatuloy ng mga gag na yun ang katarantaduhan nila! Limang buwan na pala silang nagsasama, habang ako, limang taon ang  inaksaya ko sa piling ng isang lalaking traydor!”*

Tumungga ako ng alak bago muling nagsalita. “Alam mo kung bakit pumayag sila Mama?”

Hindi pa rin siya sumasagot, nakatingin lang sa akin, sinasabayan ang bawat paglagok ko ng inumin. Naiinis ako sa katahimikan niya.

“Nakakainis ka naman! Kinukwentuhan kita, pero ni hindi ka man lang umiimik!” reklamo ko sa kanya.

Sa wakas, nagsalita rin siya.

 “Bakit nga ba?”

“Kasi ako lang ang bumubuhay sa pamilya ko! Yung kapatid ko, dapat gagraduate na, pero tanga hindi niya raw sinasadya! Put*ng ina!”* Natawa ako sa gitna ng paghagulgol. “Hindi nila alam na uuwi ako ng Pilipinas ngayon. Gusto ko sanang sorpresahin sila, pero ako ang nasorpresa sa kababuyan nila!”

Pinunasan ko ang mga luhang hindi na yata nauubos. Ayoko nang umiyak. Kailangan kong baguhin ang mood.

“Ay, shocks! Tama na ang drama, Kate!” sabi ko sa sarili ko. “Cheers na lang tayo, James!” Inangat ko ang baso ko, at nag-toast kami.

Ngumiti siya at nagsabi, “Ayan! Mag-enjoy ka lang. Kalimutan mo muna yang problema mo. ’Di ba sabi mo, kaya ka nagbakasyon para magsaya? Kaya gawin mo ’yon!”

Nakangiti akong tumango. “Oo nga, tama ka! Wooooooh! Cheers para sa lahat ng single na niloko!” sigaw ko pa.

Habang lumalalim ang gabi, naramdaman na naming lumalamig ang hangin sa pwesto namin.

“Lipat tayo?” tanong ni James. Medyo nag-aalangan pa siya kaya tinanong niya ulit, “Kate, tama ba?”

“Oo haha! Oo nga pala ako si Kate” binigay ko ang aking kamay upang magpakilala ng formal, kanina pa kami magkasama ngunit hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa kanya. ”ayoko na din sa bar , mejo malamig na din” hinubad naman ni James ang kanyang polo shirt at isinuot iyon sa akin, napangiti naman ako sa kanyang ginawa  ”oi ikaw aah baka na-i-inlove ka na sakin bawal yun!” tumatawa kong sabi ko sa kanya.

“Hay Kate iba ka talaga sa lahat” mahina niyang sabi sakin  ”so saan na nga tayo pupwesto?!” Tanong niya sakin.

“Kahit saan James!” Sagot ko sa kanya. Tawanan naman kami ng tawanan ng ilang beses kaming muntik madapa sa paglalakad dahil sa kalasingan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP