9 HOURS AFTER
Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan namin sa Kuwait ay nagtungo na kami sa Sheraton Hotel na matatagpuan lamang sa Centro ng Kuwait, dito ako palaging tumutuloy sa tuwing dadalaw ako ng Kuwait. Kailangan asikasuhin ko na sa lalong madaling panahon ang pakikipag-usap ko kay Kate. Kailangan mapa-oo ko ito para makuha ko na ang property ko sa LA. At para na din manahimik na sila Mommy sa kakakulit saking mag-asawa na ako. Tutal ay apo lang ang gusto nila. Kay Kate pwede kong gawin lahat ng gusto kong gawin kahit pa mag-asawa na kami. Malaya akong makakakilos at lumabas - labas . Ang kailangan lang gawin nito ay ipagpatuloy ang pagiging asawa ko sa mata nila Mommy tutal legally married naman kami.
Nagpahinga muna kami nila Daniel at William, nagliwaliw kami sa mga masasarap na kainan at labuyan sa Kuwait , kinabukasan ko na planong kausapin si Kate. May naisip na akong paraan para hindi siya makatanggi sa akin.Nabalitaan ko kasing bread winner ito sa kanilang pamilya.
Ki