Nakita kong nilapitan kaagad ni Annie ang babaeng kasama ng lalaking pumasok. Nakita ko ang malaking pag ngiti ng babaeng kasama nito kay Haime. Hinila din ito ni Julia at excited na tumabi sa kaniya. Nagtataka ang utak ko kung sino nga ba talaga ang tila mag couple na ito. Napatingin pa si Tito Joseph kay Tita Carmi. Pilit akong ngumingiti kahit na ang totoo ay nagtataka ang isip ko , nacu-curious ako kung sino ang mga ito. Kakaiba ang pag-uusap ng kanilang mga mata. Hindi man nagsasalita si Tito pero tinuro ng kaniyang mata at kilay sa mga ito na animo'y inuutusan niya ang mga itong lumapit sa amin.
Pinaghila muna niya ng upuan ang babaeng kasama bago siya lumapit sa amin.
“Congratulations Bro!” nakangiti niyang bati sa amin
kinamayan din siya ni Haime, at ako naman ay nagpasalamat din sa kaniya. “Thank you !" Ngumiti lang ito sa amin. Hindi din siya nagtagal sa pakikipagkamustahan sa amin at agad na din siyang bumalik sa kaniyang assigned seat. Bagama't may ideya na ako kung