Kinabukasan ay naghanda na sila para sa mga water activities . Medyo tanghali na sila nagising. Ramdam ni Natalie ang pananakit ng kanyang katawan pati ang paghapdi ng kanyang perlas. Pakiramdam niya ay namamaga ito sa paulit-ulit na pag angkin sa kanya ng kaniyang asawa kagabi. Pero dahil ayaw niyang may palampasin ang oras, kahit na anong sama ng kaniyang pakiramdam ay kumilos pa rin siya.
Pagkarating sa restaurant, naisip nilang mag-light breakfast na lamang dahil naghahanda sila para sa mabibigat na activities na kanilang napili para sa araw na iyon. Sunod-sunod ang kanilang water adventures: snorkeling sa malinaw na tubig, scuba diving para masilayan ang mga coral reefs at mga isda sa ilalim, underwater walking experience na para bang naglalakad sa ilalim ng dagat, parasailing na nagbigay sa kanila ng aerial view ng malawak na karagatan, at kayaking na nagpalakas sa kanilang teamwork. Sa gabi naman, iba ang kanilang energy – walang gabi na hindi sila nagtalik, hindi alintana ang