NATALIE PV
Pagpasok ko sa bahay, napansin ko agad si Pearl na lumalabas mula sa pintuan ng kwarto namin. Nagulat ako nang makita ko siya. Parang biglang bumigat ang dibdib ko at agad na pumasok sa isip ko ang maraming tanong. Ano ba talaga ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa? Agad niyang binati ako nang may ngiti sa labi, na hindi ko alam kung paano tatanggapin.
"Hi, Natalie! Nakauwi ka na pala!" masigla niyang bati, tumigil saglit nang magtapat kami.
"Ah, yes," sagot ko, kahit naguguluhan pa ako kung bakit siya nanggaling sa kwarto namin.
Pinakita pa niya sa akin ang platitong hawak-hawak. "Dinalhan ko nga pala si Haime ng cake sa kwarto niyo. I think you don’t mind? Gusto kasi niya itong kainin habang mainit pa. Pasensya na, pinasok ko na siya sa kwarto niyo. Mitikoloso kasi yung panlasa ni Haime, siya lang ang nakakakuha ng tamang timpla nito. Kaya gusto ko sanang malaman ang opinyon niya—baka magtayo kasi ako ng sarili kong bake shop," paliwanag niya, at parang sinadya pa niya