NATALIE POV
Matapos ang masarap na hapunan, pinili ko ng umakyat kaagad . Nagpaalam ako na maliligo muna, at sumunod si Haime sa akin sa banyo. Pumasok siya sa shower room habang nagsisimula akong maligo. Mabilis niyang sinabunan ang likod ko, pero agad ko siyang pinigilan at hinawakan ang kanyang kamay.
"H-Hon, pagod ako... Gusto ko lang magpahinga saglit," mahinang sabi ko, at matapos akong maligo, inayos ko na ang aking buhok habang patuloy pa rin siya sa paliligo. Pinagmamasdan ko siya mula sa labas ng shower, pero hindi siya tumingin sa akin. Tahimik siya, hindi katulad ng dati na madaldal at masigla si Haime. Napaisip ako kung alam ba niya ang nangyari sa pagitan namin ni Pearl, ngunit nagdesisyon na lang akong huwag nang tanungin. Pinili kong huwag mag-isip ng mga bagay na magpapalungkot sa akin at maghintay na lang kay Haime na magpahinga, baka napagod lang siya sa trabaho.
Habang mabilis na lumilipas ang araw, si Jeff ay makakalabas na mula sa rehab, at maganda naman ang takb