HAIME POV
Pinanood ko nang buo ang video na pinadala sa akin ni Mommy. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaki sa video.
“D*MN IT!” Kilalang-kilala ko kung sino ang kasama ng asawa ko. Sabi ko na nga ba, may binabalak talaga ang hayop na si Mark. Bigla akong napaisip simula nang umalis ako, bihira ko nang makausap ang asawa ko. Ngayon lang ba sila lumabas o matagal na nila akong niloloko?! Tuwing gabi, halos hindi ko na siya matawagan. Ang daming dahilan naka-off ang phone o kunwari naka-silent kaya hindi nasasagot.
Lalo akong nainis nang marinig ko ang audio recording ng pag-uusap nila ni Annie.
“FVCK, NATALIE! Kung wala kang ginagawang masama, bakit kailangan mong magsinungaling kay Annie kung sino ang kasama mo at nasaan ka?!” Gusto ko nang ibato ang cellphone ko sa galit. Tinawagan ko si Natalie, pero puro “cannot be reached” ang lumalabas. Hindi ko na siya ma-contact. Ano ba, naglalaro ba ng apoy ang mga hay*p na ’to? Mapapatay talaga kita, Mark! At bakit nakapatay ang cel