AT THE OFFICE“Maika, mag-leave ako next week dahil nandito na si Jasmin. Siya na ang hahawak ng finances ng kumpanya kaya mas magiging magaan ang trabaho natin. Plano kong mag-short visit kay Haime at dadaanan ko na rin sila Mommy sa Beverly Hills pagkatapos. Alam kong busy din si Haime sa mga meetings at branch visits niya, kaya halos hindi ko na siya makausap. Ikaw na muna ang bahala sa mga trabaho ko, Maika. Kung talagang importante, mag-email ka sa akin. Palagi ko namang ino-open ang phone ko, kaya kung kailangan mo ako, tumawag ka lang.” pakiusap ko kay sa business partner ko habang nasa conference room kami “and Jasmin, ikaw na ang in-charge sa site visits at budget monitoring mula ngayon. Hayaan ka na namin sa sarili mong diskarte, pero huwag kang mahihiyang humingi ng tulong kun