Share

CHAPTER SIX

Penulis: MissThick
last update Terakhir Diperbarui: 2023-10-24 19:08:41

Chapter Six

Kasunod iyon ng pagtayo ni Gerald.

Lumapit sa cashier sa bar.

Nagbayad.

Bago lumabas, nag-iwan ng isang makahulugang kindat kay Diane. Bihasa siya sa ganito. Alam niya kung makukuha niya o hindi ang babae at sa nakikita niya kay Diane, kagaya rin ng ibang babae. Bibigay at bibigay rin ito sa kanya. Alam niyang sa angkin niyang kagwapuhan at karisma, mahuhulog ito sa kanyang bitag.

Naiwan si Diane na nanginginig at nanlalamig. Panay ang kagat niya sa kaniyang labi. Nakakaramdam na siya ng hilo dahil sa tama ng nainom na alak.

Pinagsaklob niya ang kanyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na hininga. Kinuha niya ang kaniyang bag. Isinabit niya iyon sa kaniyang balikat. Mabilis niyang inipit sa kanyang kili-kili ang kaniyang binder saka niya sinundan ang di pa nakakalayong si Gerald.

Binilisan niya ang lakad.

Nakita niyang pumasok si Gerald sa elevator.

“Hindi. Hindi tama ‘to,” naisip niya.

Tinungo niya ang pintuan ng hotel palabas. Uuwi na siya. Hindi siya susunod katulad ng inaasahan ni Gerald. Hindi siya ganoong babae at gusto niyang patunayan iyon.

Kunot ang noo ni Gerald nang nakita niyang hindi sumunod si Diane sa kanya. Ilang beses na niyang ginawa ang ganoong panunukso at lahat ng babaeng ginawan niya ng ganoon ay hindi siya mahindian. Nasunod sila sa kanya pero bakit itong isang ito ay lantarang tinanggihan siya?

Bago tuluyang magsara ang elevator ay naipasok na niya ang kaniyang braso. Muling bumukas ang elevator. Lumabas siya sa elevator. Sinundan niya si Diane sa labas. Mukhang kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan para mapasakanya ang nagustuhan niya. Baka hindi lang ito sanay sa ganoon. Baka kailangan pang kunin na muna niya ang tiwala nito.

Nang nakalabas na si Diane ay medyo ramdam na niya ang kalasingan. Konti lang naman ang kanyang nainom pero bakit parang nahihilo siya. Sinalubong siya ng malakas na hangin at ulan. Parang bumabagyo na sa labas. Lalong tumaas ang tubig. Wala siyang makitang tumatakbo na sasakyan sa lansangan. Lahat nakahinto. Huminga siya nang malalim. Saan siya magpapalipas ngayon ng gabi? Paano siya ngayon makauuwi? Naisip na naman niya ang mga kapatid at ang Mama niya. Kumusta na kaya sila ngayon? Niyakap niya ang kanyang binder. Pilit niyang inayos ang kanyang pagkakatayo dahil parang matutumba siya. Lasing na talaga siya.

“Diane! My Lady!”

Boses iyon ng lalaking gusto ganoon kababa na lang ang tingin sa kanya. Nilingon niya si Gerald. Tinignan niya ito ng masama.

                Tinabihan siya ni Gerald.

“Anong ginagawa mo rito?”

                “Nagpapatila ng ulan. Naghihintay na bababa ang baha nang makauwi na.”

                “Hindi pa ‘yan. Paano kung hanggang bukas pa ito at tataas pa ang tubig?”

                ‘E di dito lang ako.”

                “Talaga? Kahit pwede ka namang magpahinga sa loob?”

                “Magpahinga o gusto mo lang akong makuha.”

                “Magpahinga. Hindi naman ibig sabihin na kung sasama ka sa akin sa kuwarto e may mangyayari. Nasa sa’yo pa rin naman iyon.”

                “Grabe no? Ambaba talaga ng tingin mo sa akin.”

                “Saan nanggagaling iyon?”

                “Ramdam ko, sine-seduce mo ako.”

                “It’s my nature. I am a flirt but it doesn’t mean na mababa ang tingin ko sa’yo. Tulad ng sabi ko, nasa sa’yo pa rin naman kung may mangyari sa atin o wala. Pero kung may mangyari man sa pagitan natin, it doesn’t mean na mababa ang tingin ko sa’yo. Gusto kita, maaring gusto mo rin ako at kung may mangyari dahil ginusto nating dalawa, hindi ko roon makita kung paanong mababa ang tingin ko sa’yo. Kababaan ba ng tingin na may mangyari sa nagkagustuhan?”

                “Magaling ka lang mangumbinsi at magsalita.”

                “Bakit? Umeepekto na ba?”

                Sinimangutan ni Diane si Gerald.

                “Tara sa loob, mukhang pasama ng pasama ang panahon. Huwag kang mag-alala kapag bumaba ang alak ng nainom mo, siguro, tumila na rin ang ulan. Maihahatid na rin kita sa inyo.”

                “Huwag na, maghihintay na lang ako rito.”

                “Please? Responsibilidad kita. Ako ang nagyaya sa’yo rito. Hindi kaya ng konsensiya ko na ako, nagpapahinga sa malambot na kama samantalang ikaw ay nandito, nakatayo at nauulanan.”

                “Okey lang ‘yon. Salamat sa dinner.”

                “Ano ka ba? Tara na. Nababasa ka na ng ulan oh? Baka ka magkasakit.”

                “Magkaliwanagan nga tayo, bakit mo ako dinala rito?”

                “Dahil sa sungit ng panahon.”

                “Bakit gusto mong mag-check in?”

                “Dahil gusto kong magpahinga. Gusto kong hintaying tumila ang ulan at bumaba ang baha habang nagpapahinga. Nakainom ako. Nakainom ka. Hindi safe na magmamaneho ako ng lasing at ganyan pa ang panahon. Be considerate. Nandito na tayo e. Kung ayaw mong may mangyari sa atin, hindi ako ganoong tao na pilitin ka. Hindi ako rapist.”

“Tingin mo ba sa akin pick up girl, p****k, puta?”

                “No, hindi ko minsan inisip ‘yan.”

                “Pero ganoon mo ako ituring kanina.”

                “I’m sorry. I didn’t mean to offend you. Here’s my ID, kung sakaling may gagawin ako sa’yo, you can sue me.” Binunot ni Gerald ang pitaka niya. Inilabas niya ang ID niya at ipinakita niya iyon sa kay Diane.

Tinignan at binasa ni Diane ang nasa ID. Tama ang pangalan na ibinigay sa kanya. Hindi nga siya nagsisinungaling sa pagkakakilanlan niya.

“Look, hindi ako kagaya ng iniisip mo. Hindi rin kita pwedeng patayin o gawan ng masama dahil kilalang hotel ito at lahat ng details ko nasa kanila. Kung may masamang mangyari sa’yo, ako ang madidiin, ako ang huhuliin. Please, try to trust me.”

                Kumulog. Kumidlat. Lalong nagalit ang kalangitan. Mukhang magtatagal pa nga bago titila ang ulan at bababa ang baha.

                “Okey,” Tumango si Gerald, naglabas siya ng limang libo sa kanyang pitaka, “Kung ayaw mo, kung hindi ako katiwa-tiwala sa’yo, here’s something you can use to go home alone.”

                Tinignan lang ni Diane ang ibinibigay sa kanyang pera. Sandali siyang nag-isip kung kukunin niya iyon.

                “Kunin mo na nang hindi naman ako makokonsensiya na natutulog habang ikaw ay nahihirapan dito.”

                “Okey na. Hayaan mo na lang ako rito.”

                “Hindi mo tatanggapin?”

                “Hindi.”

                “Okey, bahala ka. Sorry ha? Hindi ko talaga sinasadyang mabastos ka. Tuloy na ako. Tanungin mo lang sa front desk ang room number ko kung magbago ang isip mo. Bye and nice meeting you.” Inilahad ni Gerald ang kanyang palad ngunit hindi iyon tinanggap ni Diane.

                “Okey, alright. Thank you.” Tumango-tango uli si Gerald. Tumalikod.

                Naglakad na si Gerald patungo sa elevator. Nakita pa ni Diane na lumapit siya sa mga nasa front desk. Tinignan siya ng nasa front desk. Kinawayan siya ni Gerald bago tuluyang tinungon ang elevator.

                Nang malapit na si Gerald sa elevator ay mabilis na sumunod si Diane. “Bahala na,” naisip niya. “Tinamaan ako, lalong lumalakas ang pag-ulan, hindi nakabubuting nandito lang ako.”

                Pumasok na si Gerald sa elevator. Magsasara na ito ngunit may kamay na pumasok. Napangiti si Gerald. Ito na nga.  Hindi na niya iyon ikinabigla. Mukhang nakuha niya rin sa wakas ang kanyang ginusto. Lahat naman talaga ng gusto niya nakukuha niya. Napangisi siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   FINAL CHAPTER

    Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX

    Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE

    Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR

    “Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TREE

    Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO

    Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status