ONE NIGHT STAND WITH A CEO

ONE NIGHT STAND WITH A CEO

last updateLast Updated : 2023-12-07
By:  MissThickCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
138Chapters
13.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Diane ay isang simpleng mahirap na dalaga lamang na lumaki sa isang squatter area ng Metro Manila. Ang tanging gusto niya ay ang maiahon sa kahirapan ang pamilya at maging isang inhinyero. Ngunit naging mapagbiro ang tadhana nang isang gabing kalakasan ng ulan ay nagkrus ang landas nila ni Gerald, isang mayamang CEO. Nagkaroon sila ng one night stand. Nang sumunod na araw na pumasok si Diane sa kanyang trabaho, hindi niya inaasahang magkrus muli ang landas nila. Nagulat siya na ang boss niya ang matagal na pala niyang hinahanap na naka-one night stand niya. Si Gerald ay nagulat din. Ang isang babaeng di niya makalimutan ay siyang magiging Office Assistant niya. Mabubuo kaya ang pag-iibigan sa pagitan ng CEO na hindi naniniwala sa relasyon at sa kagaya ni Diane na isang hopeless romantic? Paano niya mailalaban ang pagmamahal niya sa kanya mismong boss?

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE

Nagulat si Diane nang biglang nahulog ang photo frame ng kanyang yumaong ama. Pinulot niya pinunasan na muna niya ito bago isinabit. Napabuntong-hininga siya. Naalala na naman niya ang pangako niya sa pumanaw na niyang papa. Magiging Civil Engineer siya. Iyon din kasi ang pangarap ng Papa niya na hindi nito nakamit dahil nabuntis nito ang Mama niya at dahil doon, itinakwil sila ng kani-kanilang mga magulang.

"Kung titigil ka na lang kaya sa pag-aaral, Diane anak?" Iyon ang sabi ng Mama niya sa pagitan ng pag-ubo. "Ikaw ang panganay kaya ikaw ang inaasahan kong makakatulong sa akin. Kung hindi lang ako dinapuan ng sakit, kaya kitang igapang sa pag-aaral mo ngunit sa kalagayan ko ngayon, mukhang hanggang pangarap na lang ang lahat." Paulit-ulit na niyang naririnig na sinasabi iyon ng Mama niya.

Huminga siya nang malalim bilang pagtutol. Pinili niyang hindi na lang sumagot. Iniabot niya ang dalawang pirasong tablet na gamoy ng Mama niya. Pagkaabot, mabilis naman iyong itinungga ng Mama niya saka naman niya inabot ang hawak niyang baso ng tubig. Pagkainom ng Mama niya sa gamot niya ay hinarap naman niya ang dalawang kapatid para tulungan silang magpalit ng kanilang school uniform.

Apat silang magkakapatid. Grade 8 pa lang ang sumunod sa kanyang babae at nasa Elementarya pa ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Grade 2 pa lang ang bunso nila. Anim na taon nang patay ang Papa nila at lalong humihirap ang kanilang buhay. Isa sila sa mga iskwater na pinapaalis ng Gobyerno na nakatira sa tabi ng ilog. Kahit umaalingasaw ang puno sa basura at maitim nang tubig ay tinitiis nila. Nasanay na nga rin sila sa masangsang na amoy n'on.

Isa sa pangarap niya ang magkaroon ng magarang bahay para hindi na sila magsisiksikan sa isang barong-barong. Gusto niyang makatapos sa pag-aaral para matulungan ang pamilya. Bilang panganay, siya ang inaasahan ng kaniyang mga kapatid at Mama. Kung hihinto siya, anong matinong trabaho na may mataas na sahod ang papasukan ng kagaya niya? Lalo lang silang igugupo ng kahirapan. Pangarap lang niya ang tangi niyang kinakapitan ngayon. Pinaghirapan niya ang kaniyang scholarship sa isang respetado at kilalang-kilala na Unibersidad. Kung sarili lang niya ang kaniyang iisipin, kakayanin niyang itaguyod ang kaniyang sarili habang nag-aaral ngunit dahil may mga kapatid at Mama siyang may sakit na umaasa kaya siya sobrang nahihirapan ngayon. Ngunit sa gitna ng hirap na kanyang pinagdadaanan, wala siyang balak bumitaw. Hindi siya susuko.

Sumubok siyang pumasok bilang Call Center Agent ngunit full time ang karamihang hinahanap nila. Hindi niya sa ngayon kayang pagsabayin ang full time na maging istudiyante at full time ding maging Call Center Agent. Hindi pa siya nakakahanap ng company na aakma sa kinakailangan niyang schedule maliban sa sinasabi sa kaniya ng kaibigan at kaklase niyang janitorial services agency na pag-aari ng mayaman nitong pamilya. Bilang tulong, bibigyan siya ng maluwang na schedule ayon sa gusto niyang pasok at kung hanggang anong oras lang siya puwede magtrabaho. Iyon ay tulong lang ni Zeke na matalik niyang kaibigan. Mukhang sa kalagayan nila, tatanggapin na muna niya iyon habang wala pa siyang ibang option.

"Ate, baon ko ho saka yung sa ambag ko sa mga kaklase ko para sa project namin." typical na iyon na naririnig niya sa umaga. ATM siya ng kaniyang mga kapatid at Mama. Mabuti pa ang ATM laging may naipapamudmod na cash ngunit siya, said na said na. Allowance niya sa pagiging scholars niya ang ginagamit nila at sa ngayon, paubos na. Pati gamot ng Mama niya na sa akala niya pansamantalang titigil at magpapahinga sa pagtatrabaho ay pinoproblema na niya kung saan huhugutin.

"Baon mo lang ang maibibigay ko ngayon, yung para sa project mo, saka na kasi wala na ako pamasahe papasok.”

“Paano iyon, Ate? Ako na lang hindi nakapapagbibigay.”

Bumuntong-hininga siya. “Makiusap ka muna. Subukan kong umutang muna kay Zeke mamaya." Nakangiti niyang sinabi sa mga kapatid niya habang isa-isa niya silang binibigyan ng pera. Si Zeke ay ang mayaman niyang matalik na kaibigang lalaki. Sa klase nila, siya lang yata ang babaeng nakatagal sa Civil Engineering nilang kurso. Yung mga iba, lumipat sa ibang field ng engineering at yung iba sa ibang Department.

Awang-awa siya sa mga kapatid na suot ang mga luma nilang uniporme at sapatos ngunit saan ba siya kukuha ng pambili ng pamalit? Siya man din ay sumusuko na ang kaniyang mga gamit sa kalumaan pero ni wala nga siyang maibili.

Pagkaalis ng mga kapatid niya ay siya naman ang kailangang magmadaling pumasok. Habang naliligo siya at sinasabon ang mukha at katawan ay napapaisip siya kung bakit di niya kaya gamitin ang katawan at kagandahan niya para magkapera. Ilang beses na nga niya iyong binalak. Tumambay na nga siya ng ilang beses sa Mall ngunit kung kailan nandiyan na ay bigla siyang nandidiri, bigla siyang natatakot. Hindi siya ganoong klaseng babae. Hindi niya masikmurang ipagbenta ang kanyang katawan dahil lang sa pagdarahop ng kanilang pamilya.

 Madalas kasing lumalapit at ngumingiti sa kaniya ay nga matatandang maperang mukhang sadista at manyak. Hindi sa nagmamalinis siya. Pera lang naman ang talagang habol niya ngunit hindi pa ganoon katibay ang kaniyang sikmura. Hindi pa niya kaya.

Kung boyfriend naman ang pag-uusapan. Nagka-boyfriend na rin naman siya. High School pa lang siya noon. Dahil laking Manila at laking iskwater. Hindi na siya magmamalinis. May naging boyfriend na rin naman talaga siya. Isang malaking pagkakamali iyon na pinagsisihan niya.

Paano ba iyon nangyari? Dahil may namumuong kakaiba sa kanila ng nakilala niya lang sa f******k ay nagtiwala siya. Dala na rin siguro ng impluwensiya ng paligid at ng kapusukan, pumayag siyang may mangyari sa kanila pagkakita palang nila. Guwapo, maganda ang katawan at mestiso naman kasi ang gagong pinatulan niya. Mukhang mapera. Mukhang kaya siyang buhayin at ng pamilya niya. Dahil na rin sa matinding kahirapan. Nag-eyeball lang sila sa isang Mall, nilibre siya ng pagkain saka siya niyaya sa isang mumurahing motel. Akala niya mauuwi iyon sa relasyon, akala niya seryoso ito sa mga pangakong tutulungan siya nito financially ngunit nagkamali siya dahil ang college student na guwapong iyon ay sex lang pala ang habol. Ibig sabihin, gagamitin lang siya para mag-explore. Hindi siya pumayag kaya hanggang kiss lang sila at yakap ng lalaking iyon. Kahit nagpumilit, hindi niya isinuko ang kanyang katawan. Kaya lumabas din sila sa hotel nang lumaon.

Hindi naman siya gaanong nasaktan ngunit may kurot ito sa damdamin niya dahil bigla na lang itong hindi sumasagot sa text niya at message niya sa f******k. Nagulat na lang siya nang makatanggap siya ng text na tigilan na daw niya ang pagpapadala ng messages sa f******k at text dahil maayos na sila ng matino at hindi iskawater na girlfriend niya. Maganda rin daw naman siya ngunit ayaw niya sa kasimbata at sa kinalakhan niyang lugar. Ayaw niya pala sa bata ngunit bakit pa siya nakipagkita at ang matindi, tinikman pa siya. Ngunit ayos na sa kaniya 'yun. Dahil doon, nalaman niya kung ano nga ba talaga ang habol ng mga lalaki sa kanya. Ang kabataan at ang kagandahan lang niya. Dahil sa karanasan niyang iyon, alam na niyanng protektahan ang sarili. Hindi na siya pabubulag pa sa kaguwapuhan at pera ng mga lalaking mapagsamantala. Iyon ang karanasang magagamit niya sa pagtahak niya sa mas masalimuot na buhay ng mga kagaya niyang mahirap lang.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
138 Chapters
CHAPTER ONE
Nagulat si Diane nang biglang nahulog ang photo frame ng kanyang yumaong ama. Pinulot niya pinunasan na muna niya ito bago isinabit. Napabuntong-hininga siya. Naalala na naman niya ang pangako niya sa pumanaw na niyang papa. Magiging Civil Engineer siya. Iyon din kasi ang pangarap ng Papa niya na hindi nito nakamit dahil nabuntis nito ang Mama niya at dahil doon, itinakwil sila ng kani-kanilang mga magulang."Kung titigil ka na lang kaya sa pag-aaral, Diane anak?" Iyon ang sabi ng Mama niya sa pagitan ng pag-ubo. "Ikaw ang panganay kaya ikaw ang inaasahan kong makakatulong sa akin. Kung hindi lang ako dinapuan ng sakit, kaya kitang igapang sa pag-aaral mo ngunit sa kalagayan ko ngayon, mukhang hanggang pangarap na lang ang lahat." Paulit-ulit na niyang naririnig na sinasabi iyon ng Mama niya.Huminga siya nang malalim bilang pagtutol. Pinili niyang hindi na lang sumagot. Iniabot niya ang dalawang pirasong tablet na gamoy ng Mama niya. Pagkaabot, mabilis naman iyong itinungga ng Mama n
last updateLast Updated : 2023-10-01
Read more
CHAPTER TWO
CHAPTER 2Hindi na siya nagkaroon ng panahon makipagrelasyon pa o mas magandang sabihing ayaw na niyang makipagrelasyon muna. Mas maraming mahahalagang bagay na kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Maraming nagpaparamdam ngunit madalas hindi niya gusto. Madami rin naman siyang gusto ngunit hanggang tingin lang siya. Bata pa naman siya sa edad niyang labinwalo. Saka na niya iisipin ang tungkol sa pakikipagrelasyon kung maayos na ang lahat.Lalong humirap ang buhay nila nang nagkaroon ng TB ang Mama niya at tumigil na nang tuluyan sa pagtatrabaho. Ngunit matapang siya sa lahat ng pagsubok. Hindi siya kailanman pinanghihinaan ng loob. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya ang sumuko o kahit kaawaan ang kaniyang sarili. Maabot niya ang tagumpay. Hinding-hindi siya titigil hangga't di niya makakamit iyon.Pagkatapos niyang maligo ay nagpalit na siya. Naglagay lang siya ng powder sa kanyang mukha at hindi na niya itinali ang kanyang mahabang buhok. Pati ang face poweder na iyon ay kailangan
last updateLast Updated : 2023-10-01
Read more
CHAPTER THREE
CHAPTER 3 "Sige. Sasabihin ko kay Mommy na magsisimula ka na sa isang araw ha? Ito nga pala yung hinihiram mong limang daan." iyon ang sinabi ni Zeke pagkatapos ng kanilang klase. "Ang haba na ng listahan ng utang ko sa’yo. Salamat Zeke.” “Huwag kang mag-alala, hindi pa ako naglilista.” “Bawi na lang ako sa'yo sa assignments mo. Bayaran ko 'tong hiniram ko sa'yo sa susunod na buwan ha?” "Ilista mo na lang sa tubig tol. Bulong mo sa hangin baka maniwala siya sa'yo." Sabay tawa ni Zeke. Ilang beses na kasi siyang nakautang dito at hindi tinatanggap ang bayad kaya iyon ang dahilan kung bakit nahihiya na sana siyang umulit. Pero wala e. Kailangan dahil magugutom talaga sila kung hindi niya iyon gagawin. Matalino rin naman si Zeke ngunit tamad lang mag-aral. Siguro dahil may inaasahan siya sa mga mayamang magulang niya. Marami sa mga kaklase niya, may sinasabi sa buhay. Pinalad lang siyang magkaroon ng matalinong utak kaya siya napasama lang sa kanila. Nag-desisyon siyan
last updateLast Updated : 2023-10-01
Read more
CHAPTER FOUR
Chapter 4"Ehem! Hinahanap mo ba ako?" boses ni Gerald sa kaniyang likod.Nakasilong na rin pala ito sa waiting shed."Ha?" sagot niya. Dinig niya ang sinabing iyon ni Gerald ngunit kasama iyon sa pagkagulat niya na nasa tabi niya uli ito ng di niya napapansin.Dalawang hakbang pa nga lang siya, mukhang natiklo na. Nakangiti siyang bumalik sa tinayuan niya. Pinagpag ang binder dahil sa nabasa ng malakas ng patak ng ulan."Hindi ah. Nag-aabang lang ako ng masasakyan. Sinilip ko lang baka may malapit nang dadaan." Nakakainis! Ang tanga lang ng palusot!"Hinahanap mo ako e. One way 'yan. Walang tangang jeep ang haharang na manggagaling diyan."Sabi ko nga." kibit-balikat niyang sagot. “One way nga pala.”"Ano, payag ka nang ihatid kita sa inyo?""Hindi po kita kilala. Malay ko bang masama ka palang tao.""Sinabi ko na ang pangalan ko, di ba? Ako si Gerald, ikaw si Diane. Magkakilala na tayo. Saka mukha ba akong masamang tao?""Hindi naman. Pero hindi na ngayon basehan ang hitsura kung an
last updateLast Updated : 2023-10-01
Read more
CHAPTER FIVE
Chapter FiveNang magkaharap na sila sa isang magarbong restaurant na ni kahit sa panaginip ay hindi niya akalaing mapapasok niya ay nakaramdam siya ng pag-aalangan. Tapos na silang kumain ngunit parang di nabawasan ang napakaraming pagkaing inorder ni Gerald. Mga pagkaing natatakam siyang kainin kanina ngunit habang sumusubo siya ay pamilya niya ang patuloy na pumapasok sa kaniyang isipan. “Ano kayang kinakain nila ngayon? Paano ang gamot ni Mama? May pera kaya silang pambili ng uulamin? May bigas pa kaya silang isasaing? Hindi kaya nabaha na ngayon ang loob ng bahay?”"Come on, let's enjoy the food. Kasama kita pero mukhang anlayo ng iniisip mo.""Naisip ko lang kasi ang pamilya ko. Ako lang kasi ang inaasahan nila at alam kong hinihintay na nila akong umuwi. Nandito ako, kasama mong kakain sa mga mukhang di natin mauubos na inorder mo pero sila, hindi ko alam kung may pagsasaluhan sila ngayon o kahit sana bigas lang na maisasaing." Nangilid ang kaniyang luha."Well, let's just enj
last updateLast Updated : 2023-10-01
Read more
CHAPTER SIX
Chapter Six Kasunod iyon ng pagtayo ni Gerald.Lumapit sa cashier sa bar.Nagbayad.Bago lumabas, nag-iwan ng isang makahulugang kindat kay Diane. Bihasa siya sa ganito. Alam niya kung makukuha niya o hindi ang babae at sa nakikita niya kay Diane, kagaya rin ng ibang babae. Bibigay at bibigay rin ito sa kanya. Alam niyang sa angkin niyang kagwapuhan at karisma, mahuhulog ito sa kanyang bitag.Naiwan si Diane na nanginginig at nanlalamig. Panay ang kagat niya sa kaniyang labi. Nakakaramdam na siya ng hilo dahil sa tama ng nainom na alak.Pinagsaklob niya ang kanyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na hininga. Kinuha niya ang kaniyang bag. Isinabit niya iyon sa kaniyang balikat. Mabilis niyang inipit sa kanyang kili-kili ang kaniyang binder saka niya sinundan ang di pa nakakalayong si Gerald.Binilisan niya ang lakad.Nakita niyang pumasok si Gerald sa elevator.“Hindi. Hindi tama ‘to,” naisip niya.Tinungo niya ang pintuan ng hotel palabas. Uuwi na siya. Hindi siya susunod katulad
last updateLast Updated : 2023-10-24
Read more
CHAPTER SEVEN
CHAPTER SEVEN Pagbukas muli ng pintuan ng elevator. Nasa labas si Diane. Halatang medyo nahihiya ngunit nadoon na siya at kailangan na niyang pangatawanan ang pagsama. “You change your mind?” “I did.” “Okey, come on in.” Binasa ni Gerald ang kanyang labi. Nakita ni Diane at lalo siya ngayong nahumaling. Mabilis na pumasok si Diane. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hinintay muna nilang magsara muli ang elevator bago siya nilapitan ni Gerald. Hinawakan niya ang pisngi ni Diane. “Thank you,” bulong ni Gerald. “Thank you for what?” “For accompanying me.” “Okey.” Bumuntong hininga si Diane. Grabeng gwapo ni Gerald. Napakalakas ng dating nito, napakabango pa niya kaya nga nang muling nagtama ang kanilang mga mata ay hindi siya nagpatalo. Bahala na kung anong isipin sa kanya ni Gerald pero nasasakop na siya ng panghihina. Iyon ang ayaw niya sa kanyang
last updateLast Updated : 2023-10-24
Read more
CHAPTER EIGHT
CHAPTER EIGHTHanggang sa naramdaman na lamang niyang bumaba ang labi ni Gerald sa kanyang leeg, sa kanyang tainga pababa sa kanyang malulusog na dibdib. Dinilaan na muna ni Gerald ang maula-mulang nipple niya.Kitang-kita ni Gerald ang pagkagat ni Diane sa labi nito na nagpapatunay na nagugustuhan na nito ang ginagawa niya. Bumaba ang malambot niyang labi sa bahaging tiyan, sa puson hanggang nang naroon na sa harap ng kaselanan ni Diane ay huminga siya nang malalim. Tama lang ang umbok nito at laki. Hindi siya sanay na gawin ito sa ibang babae ngunit sa kagaya ni Diane na fresh meat, bakit hindi? Bakit sasayangin ang kapreskuhan nito?Nagdadalawang isip lang siya kung paanong gawing tama ang bawat ritmo ng paglalaro ng labi at dila niya rito. Hinawakan niya ang maselang bahaging iyon sa pagitan ng hita ni Diane. Maingat at mabusisi. Nang ibinuka niya ang labi para buum-buo niyang angkinin ang perlas nito ay tumingin muna siya sa mukha ng kagat-labing si Diane. Nagtama ang kanilang p
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more
CHAPTER NINE
CHAPTER NINESinadya ni Gerald na tigilan ang kaniyang ginagawa nang maramdaman niya ang sobrang lakas na ng pagmumura at halinghing ni Diane. Hindi dito, hindi pa napapanahon. Kailangan niyang pigilan ang tuluyan pagsambulat ng sarap. Marami ang kagaya ni Diane na kung maabot nila ang rurok ng sarap ay magpupunas at maghuhugas at tapos na. Hindi niya gusto yung ideya na baka kagaya siya ng ibang babae na magdGeraldit, hahalik, magpapalaam at tapos na ang isang gabi. Masyado pang maaga para tapusin ang lahat.Aaaahhh! Bakit ka tumigil?" singhal ng naiiritang si Diane.Tumayo si Gerald. "Yun na nga My Lady! Malapit ka na. Let's do it in bed. Not here. Huwag kang swapang. Huwag yung ikaw lang ang mag-isang masasarapan. Dapat sabay tayo." Bulong niya habang magkGeraldpi ang kanilang mga labi.Tumalikod si Gerald. Kinuha nya ang isang tuwalya at pinunasan niya ang basang katawan. Tinungo niya ang kama.Naiwan si Diane na naiirita sa palaging pambibitin sa kaniya ni Gerald. Galit niyang hi
last updateLast Updated : 2023-10-25
Read more
CHAPTER TEN
CHAPTER TEN"Napasaya ba kita?" Hinagod ni Gerald ang buhok ni Diane."Sobra. Ikaw nasarapan ka ba?” tanong ni Diane kahit nahihiya."Puwede na." Sarkastikong tugon ni Gerald."Puwede na? Wow ha? Ang taas naman ng standard?”"Pahinga ka na muna," bulong ni Gerald."Gusto kitang makilala pa sana ng husto. Puwede ba tayong mag-usap?"Nilingon siya ni Gerald. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Huminga siya nang malalim. Hindi ito sumagot.Gamit ang isang kamay ay inabot ni Gerald ang remote control ng TV."Ayaw mo bang kilalanin ako?" muling tanong ni Diane."Pahinga ka na muna.""Bakit ba ayaw mo?""Ang kulit naman.""Bakit nga eh!"Huminga ng malalim si Gerald. Alam niyang likas ang ugaling iyon sa mga kaedad ni Diane. Kailangan niyang sumagot para matigil lang ito."It will set hurdles. I hate tricky situation. I never wanted to complicate simple things.""How a good gesture complicate things between us? I don't understand why an uncomplicated conversation of getting to know each oth
last updateLast Updated : 2023-10-26
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status