Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a
Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia
Nagulat si Diane nang biglang nahulog ang photo frame ng kanyang yumaong ama. Pinulot niya pinunasan na muna niya ito bago isinabit. Napabuntong-hininga siya. Naalala na naman niya ang pangako niya sa pumanaw na niyang papa. Magiging Civil Engineer siya. Iyon din kasi ang pangarap ng Papa niya na hindi nito nakamit dahil nabuntis nito ang Mama niya at dahil doon, itinakwil sila ng kani-kanilang mga magulang."Kung titigil ka na lang kaya sa pag-aaral, Diane anak?" Iyon ang sabi ng Mama niya sa pagitan ng pag-ubo. "Ikaw ang panganay kaya ikaw ang inaasahan kong makakatulong sa akin. Kung hindi lang ako dinapuan ng sakit, kaya kitang igapang sa pag-aaral mo ngunit sa kalagayan ko ngayon, mukhang hanggang pangarap na lang ang lahat." Paulit-ulit na niyang naririnig na sinasabi iyon ng Mama niya.Huminga siya nang malalim bilang pagtutol. Pinili niyang hindi na lang sumagot. Iniabot niya ang dalawang pirasong tablet na gamoy ng Mama niya. Pagkaabot, mabilis naman iyong itinungga ng Mama n
CHAPTER 2Hindi na siya nagkaroon ng panahon makipagrelasyon pa o mas magandang sabihing ayaw na niyang makipagrelasyon muna. Mas maraming mahahalagang bagay na kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Maraming nagpaparamdam ngunit madalas hindi niya gusto. Madami rin naman siyang gusto ngunit hanggang tingin lang siya. Bata pa naman siya sa edad niyang labinwalo. Saka na niya iisipin ang tungkol sa pakikipagrelasyon kung maayos na ang lahat.Lalong humirap ang buhay nila nang nagkaroon ng TB ang Mama niya at tumigil na nang tuluyan sa pagtatrabaho. Ngunit matapang siya sa lahat ng pagsubok. Hindi siya kailanman pinanghihinaan ng loob. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya ang sumuko o kahit kaawaan ang kaniyang sarili. Maabot niya ang tagumpay. Hinding-hindi siya titigil hangga't di niya makakamit iyon.Pagkatapos niyang maligo ay nagpalit na siya. Naglagay lang siya ng powder sa kanyang mukha at hindi na niya itinali ang kanyang mahabang buhok. Pati ang face poweder na iyon ay kailangan
CHAPTER 3 "Sige. Sasabihin ko kay Mommy na magsisimula ka na sa isang araw ha? Ito nga pala yung hinihiram mong limang daan." iyon ang sinabi ni Zeke pagkatapos ng kanilang klase. "Ang haba na ng listahan ng utang ko sa’yo. Salamat Zeke.” “Huwag kang mag-alala, hindi pa ako naglilista.” “Bawi na lang ako sa'yo sa assignments mo. Bayaran ko 'tong hiniram ko sa'yo sa susunod na buwan ha?” "Ilista mo na lang sa tubig tol. Bulong mo sa hangin baka maniwala siya sa'yo." Sabay tawa ni Zeke. Ilang beses na kasi siyang nakautang dito at hindi tinatanggap ang bayad kaya iyon ang dahilan kung bakit nahihiya na sana siyang umulit. Pero wala e. Kailangan dahil magugutom talaga sila kung hindi niya iyon gagawin. Matalino rin naman si Zeke ngunit tamad lang mag-aral. Siguro dahil may inaasahan siya sa mga mayamang magulang niya. Marami sa mga kaklase niya, may sinasabi sa buhay. Pinalad lang siyang magkaroon ng matalinong utak kaya siya napasama lang sa kanila. Nag-desisyon siyan
Chapter 4"Ehem! Hinahanap mo ba ako?" boses ni Gerald sa kaniyang likod.Nakasilong na rin pala ito sa waiting shed."Ha?" sagot niya. Dinig niya ang sinabing iyon ni Gerald ngunit kasama iyon sa pagkagulat niya na nasa tabi niya uli ito ng di niya napapansin.Dalawang hakbang pa nga lang siya, mukhang natiklo na. Nakangiti siyang bumalik sa tinayuan niya. Pinagpag ang binder dahil sa nabasa ng malakas ng patak ng ulan."Hindi ah. Nag-aabang lang ako ng masasakyan. Sinilip ko lang baka may malapit nang dadaan." Nakakainis! Ang tanga lang ng palusot!"Hinahanap mo ako e. One way 'yan. Walang tangang jeep ang haharang na manggagaling diyan."Sabi ko nga." kibit-balikat niyang sagot. “One way nga pala.”"Ano, payag ka nang ihatid kita sa inyo?""Hindi po kita kilala. Malay ko bang masama ka palang tao.""Sinabi ko na ang pangalan ko, di ba? Ako si Gerald, ikaw si Diane. Magkakilala na tayo. Saka mukha ba akong masamang tao?""Hindi naman. Pero hindi na ngayon basehan ang hitsura kung an
Chapter FiveNang magkaharap na sila sa isang magarbong restaurant na ni kahit sa panaginip ay hindi niya akalaing mapapasok niya ay nakaramdam siya ng pag-aalangan. Tapos na silang kumain ngunit parang di nabawasan ang napakaraming pagkaing inorder ni Gerald. Mga pagkaing natatakam siyang kainin kanina ngunit habang sumusubo siya ay pamilya niya ang patuloy na pumapasok sa kaniyang isipan. “Ano kayang kinakain nila ngayon? Paano ang gamot ni Mama? May pera kaya silang pambili ng uulamin? May bigas pa kaya silang isasaing? Hindi kaya nabaha na ngayon ang loob ng bahay?”"Come on, let's enjoy the food. Kasama kita pero mukhang anlayo ng iniisip mo.""Naisip ko lang kasi ang pamilya ko. Ako lang kasi ang inaasahan nila at alam kong hinihintay na nila akong umuwi. Nandito ako, kasama mong kakain sa mga mukhang di natin mauubos na inorder mo pero sila, hindi ko alam kung may pagsasaluhan sila ngayon o kahit sana bigas lang na maisasaing." Nangilid ang kaniyang luha."Well, let's just enj
Chapter Six Kasunod iyon ng pagtayo ni Gerald.Lumapit sa cashier sa bar.Nagbayad.Bago lumabas, nag-iwan ng isang makahulugang kindat kay Diane. Bihasa siya sa ganito. Alam niya kung makukuha niya o hindi ang babae at sa nakikita niya kay Diane, kagaya rin ng ibang babae. Bibigay at bibigay rin ito sa kanya. Alam niyang sa angkin niyang kagwapuhan at karisma, mahuhulog ito sa kanyang bitag.Naiwan si Diane na nanginginig at nanlalamig. Panay ang kagat niya sa kaniyang labi. Nakakaramdam na siya ng hilo dahil sa tama ng nainom na alak.Pinagsaklob niya ang kanyang mga kamay. Humugot siya ng malalim na hininga. Kinuha niya ang kaniyang bag. Isinabit niya iyon sa kaniyang balikat. Mabilis niyang inipit sa kanyang kili-kili ang kaniyang binder saka niya sinundan ang di pa nakakalayong si Gerald.Binilisan niya ang lakad.Nakita niyang pumasok si Gerald sa elevator.“Hindi. Hindi tama ‘to,” naisip niya.Tinungo niya ang pintuan ng hotel palabas. Uuwi na siya. Hindi siya susunod katulad