Napabalikwas ako mula sa kinahihigaan. Totoo ba 'yun? Kasal na si Morris kay Haven? Kaagad na pumatak ang mga luha ko.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon saka pumasok si Mommy.
"Oh, ba't ka umiiyak?"nag-aalalang tanong niya.
Lumapit siya sa kama ko at umupo sa gilid 'non. Umiñing ako sa tanong ni Mommy saka pinahid ang luhang umaagos sa pisngi ko. I want to know the truth! Gusto kung malaman kung natuloy ba ang kasal nilang dalawa?
Hinawakan ni Mommy ang noo pagkuwa'y bumuntong hininga.
"Mabuti naman, wala kanang lagnat. Saan kaba pumunta kagabi bakit naglalakad kang mag-isa at basang-basa ng ulan? Iyan tuloy nagkasakit ka"saad ni Mommy.
Napaawang ang mga labi ko. Di'ba nasa kasal ako ni Morris nang bumagsak ako at nawalan ng malay?
"M-Mom. Natuloy po 'ba ang kasal ni Morris?"nakayuko ang ulong tanong ko sa kanya.
"Oo. Matutuloy 'yun, panigurado. Engagement party na nila mamayang gabi"tugon niya. Nag-angat naman ako ng mukha sa'kanya dahil sa narinig.
"E-Engagement party? Mama