PATULOG NA SANA si Saskia dahil sa wakas ay napatulog niya na rin si Wesley, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nagtaka pa siya dahil si mommy Diana ang tumatawag.
“Mommy Diana? Malalim na po ang gabi, ah? Bakit pa po kayo napatawag?” nagtatakang tanong niya rito.
Narinig niyang umiiyak ito, kaya mas lalo siyang nagtaka.
“Anak, Saskia. Alam kong magagalit ka sa sasabihin ko, pero hindi ko na kasi iyon mababawi, eh,” umiiyak nitong sambit.
“Bakit? Ano po ba ang nagawa ninyo?”
“Nagkasagutan kami ni Weston pagdating ko rito. At pinapakialaman niya ang araw-araw kong pagpunta at pakikipaglaro kay Wesley, eh, hindi ko naman daw apo si Wesley. Kaya hayon, hindi ako nakapagpigil, nasabi ko sa kanya ang totoo, at nasampal ko rin siya,” paliwanag nito na siyang ikinasinghap niya.
“A-ano? Paano ‘yan? Alam niya na pala na anak niya si Wesley!” hindi mapigilang bulalas niya.
“I’m sorry anak, Saskia. I’m sorry…” paghingi nito ng tawad.
“Kailangan naming makaalis dito ni Wesley, ngayon din!