"Gusto kong pag-isipan mo ang inaalok kong kasal sa 'yo. Hindi kita mamadaliin, pero hindi rin ako tatanggap ng sagot na hindi. Tandaan mo 'yan, Saskia. Una pa lang kitang nakita, alam ko sa sarili kong magiging akin ka pagdating ng araw. Malas lang ng nobyo mo at niloko ka lang niya sa kabila ng pagiging perpekto mong babae," sambit nito sa seryosong tinig. Isang estrangherong gwapong lalaki ang lumapit kay Saskia Magsaysay Santos sa kalagitnaan ng kanyang kalungkutan dulot ng pagtataksil sa kanya ng kaniyang long-time boyfriend na si Gerald at ng pinsan niyang si Vivian. Tinanggap niya ang alok ng lalaki ayon sa idinidikta ng kanyang puso't isipan. Ngunit paano kung matuklasan niyang ang lalaking pinakasalan niya, si Weston Buencamino Del Flores, ay tiyuhin pala ng kanyang ex-boyfriend? Mamahalin pa rin kaya niya si Weston, kahit na kadugo ito ng lalaking nanloko sa kanya? O isasantabi na lang ba niya ang lahat upang patuloy na mahalin ito?
View More“MGA WALANGHIYA kayo! Mga manloloko! Ginawa niyo pa talagang motel itong opisina ko!” sigaw ni Saskia, sa kabila ng galit at panggigigil.
Pagbukas niya ng pinto ng opisina, nabungaran niya ang kanyang nobyong si Gerald, kasalukuyang Chief Financial Officer ng MS Wine Haven, na siyang pag-aari ng kanilang pamilya, at si Vivian, ang kanyang pinsang buo at sekretarya, na nagtatalik.
Dahil sa pagkagulat sa kanyang presensiya, agad-agad na nag-ayos ng kani-kanilang sarili ang dalawa.
“Gerald, isang buwan na lang ay ikakasal na tayo. Pero ano ‘tong ginagawa mo?!” mariing sambit niya, pilit pinipigilan ang sariling huwag maiyak. “At ikaw naman, Vivian, baling niya sa pinsan. “Paano mo nagawa sa ‘kin ito? Lahat ng ganap namin sa buhay, lahat sinasabi ko sa ‘yo! Kaya bakit? Bakit si Gerald pa?” nanggagalaiti niyang tanong sa pinsan.
Gustuhin man niyang manakit, hindi niya magawa dahil hindi siya bayolenteng tao.
“Ba-Babe, magpapali—”
Hindi na niya pinapatapos ang pagsasalita ng kanyang nobyo.
“Ito ang tatandaan mo, Gerald, wala nang kasalang magaganap! At ikaw Vivian,” dinuro niya pa ito. “Itinatakwil na kita bilang kadugo at kamag-anak! Wala kayong kasing sama! Mga taksiiil!” Halos maputol ang litid niya sa leeg sa lakas ng kanyang pagsigaw. Umaalingawngaw sa apat na sulok ng kanyang opisina ang malakas niyang boses.
Mabuti na lang at sila pa lang ang naroroon, dahil alas-siete pa lang ng umaga. Hindi talaga inaasahan ng dalawa na papasok siya sa kompanya, dahil madaling araw kanina ay tinawagan niya si Gerald at sinabing hindi siya makakapasok dahil sa masamang pakiramdam.
Pero dahil siya ang CEO ng kompanya, at the same time, COO, napilitan siyang pumasok kahit na masama ang pakiramdam, dahil malaki ang responsibilidad niya sa kompanya. At mahalaga ang presensiya niya araw-araw.
Pagkatapos niyang sumigaw, walang lingon-likod na iniwan niya ang dalawa. Akala pa naman niya ay masusurpresa si Gerald sa pagpasok niya, ngunit siya pala ang masusurpresa sa madadatnang eksena.
Dahil sa nangyari, umuwi siya sa kanilang bahay upang magsumbong sa mga magulang. Pagkababa niya ng minamanehong sasakyan, patakbo siyang pumasok sa bahay. Pagpasok niya sa pintuan, nakita agad niya ang inang prenteng nakaupo sa sofa, habang nagbabasa ng magazine.
“Mom!” tawag niya rito.
“O, bakit narito ka?” tanong nito nang hindi man lang inaalis ang mga mata sa binabasang magazine.
“Mom, si Gerald at saka si Vivian, nahuli ko silang nagtatalik sa loob mismo ng opisina ko!” sumbong niya sa ina habang umiiyak. Doon pa lang nito ibinaba ang binabasa at tumingin sa kanyang direksyon.
“Pinagsasabi mo riyan, Kia! Huwag na huwag mong ibibintang iyan sa nobyo at sa pinsan mo! Dahil kung hindi dahil sa tulong nila, hindi gagaan ang trabaho mo sa kompanya! Mahiya ka naman!” galit na tugon ng kanyang ina.
Eksaktong lumabas mula sa pintuan ng kusina ang kanyang amang may bitbit na isang tasa ng kape.
“Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ang lalakas ng mga boses ninyo? At ikaw, Kia, bakit naririto ka? Hindi ba dapat nasa kompanya ka sa ganitong oras? Alalahanin mo, bawat minuto, oras, at segundo ay mahalaga para sa kompanya. Kaya anong ginagawa mo rito?” sambit ng strikto niyang ama.
“Iyang magaling mong anak, umuwi lang rito para maghatid ng walang kakwenta-kwentang balita! Pagbintangan ba namang nagtatalik sina Gerald at Vivian sa kanyang opisina? Sa tingin mo, hindi mapapalakas ang boses ko riyan?!" sabat ng kanyang ina.
“Ano ba naman iyan, Kia? Kung sino pa iyong may malaking ambag at naitutulong sa paglago ng ating kompanya, sila pa ang ginagawan mo ng isyu. At saka, hindi ka ba nahihiya? Nagkakalat ka ng maling balita tungkol sa nobyo mo, gayong ikakasal na kayo sa susunod na buwan?” sambit ng kanyang ama.
“But, Dad, I swear, nakita ko at nasaksihan ko ang ginawa nilang pagtataksil sa—”
“Enough, Kia! Alam kong hindi lingid sa ‘yong kaalaman ang paghanga ko sa dalawa, kaya gusto mo silang sirain sa paningin namin ng mommy mo. Ayaw ko nang makarinig pa ng kung anu-ano pang kasinungalingan mula sa ‘yo!” may kalakasang sambit ng kanyang ama.
Kapag ganoon na ang tono ng kanyang ama, alam niyang galit na ito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa kanyang kwarto. Doon niya ipinagpatuloy ang walang katapusang pagluha dulot ng sobrang sakit na nararamdaman ng kanyang puso, dagdagan pa ng hindi siya pinaniwalaan ng kanyang mommy at daddy. Pakiramdam niya‘y nag-iisa siya at walang kakampi.
Maghapon siyang nagmukmok sa loob ng kanyang kwarto. Kahit pa kinakatok siya ng kanyang mommy at daddy upang piliting pumasok sa kompanya, hindi siya nagpatinag. Kinagabihan, habang tulog na ang lahat, nag-impake siya ng ilang damit. Balak niyang lumayo muna upang makapag-isip-isip at pansamantalang makalimutan ang ginawang pagtataksil ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya.
Dinala siya ng kanyang sarili sa isang private resort sa isang malayong probinsiya. Hanggang doon, ay wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.
***
“WESTON, nasaan ka ba? Kanina pa rito naghihintay sa ‘yo si Katrina! Hanggang kailan mo ba siya paaasahin at paghihintayin na pakasalan mo?” tinig iyon ng kanyang ina sa kabilang linya.
“Hanggang sa magsawa siya at kusang layuan ako. Alam niyo naman na wala akong gusto ni katiting sa babaeng iyan, pero ipinagpipilitan niyo pa rin ang gusto niyo. Kahit anong gawin niyo, at kahit anong mangyari, hinding-hindi ko magugustuhan iyan,” seryosong tugon niya sa ina.
“Aba‘t—”
Hindi na niya hinintay pang marinig ang iba pang sasabihin ng ina, kusa niyang pinutol ang tawag. Kabastusan man, pero naririndi na kasi siya sa paulit-ulit na pngungulit nito sa araw-araw.
Hanggang dito ba naman sa resort na gusto niyang mag-unwind, iniistorbo pa rin siya dahil sa bagay na iyon?
Tumayo siya mula sa kinauupuang bangko nang may marinig siyang parang umiiyak. Sinilip niya ang katabing cottage na kinaroroonan niya. Isang babae ang mag-isang nakaupo at umiiyak. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa ilaw, nakilala niya ang babae, hudyat para lapitan ito.
“Anong ginagawa mong mag-isa rito sa ganitong kalagayan, Ms. Santos?”
Iniangat ng babae ang mukha at tumingin sa kanya na nakakunot-noo, marahil nagtataka kung bakit kilala niya ito. Kahit kailan, hindi man lang nabura sa kanyang isipan ang maganda at maamo nitong mukha. Nagdadalaga pa lang ito noong una niyang makita, na alam niyang may espesyal na puwang sa kanyang puso. At masaya siya na muli itong nakita.
“Pasensiya na po, pero hindi ko po kayo kilala. Hindi ko po matandaan kung nagkita na ba tayo dati,” tugon nito habang panaka-nakang nagpupunas ng luha.
Umupo siya sa tabi nito. Pwede ka namang mag-share sa ‘kin ng problema mo kung gusto mo. Ako ma‘y naririto rin dahil may problema rin ako,” sambit niya.
Gulat itong napatingin sa kanya. Sa una‘y nakita niya ang pag-aalangan sa ekspresyon nito, pero sa huli, mas pinili nitong sabihin sa kanya ang kasalukuyang pinagdaraanan.
Nakasilip tuloy siya ng pagkakataon para maangkin ito. At isa pa, makakalaya na siya sa babaeng gustong ipakasal sa kanya ng mga magulang.
“Magpakasal tayo, Saskia,” walang gatol na sambit niya sa babaeng labis-labis ang pagkagulat na nakalarawan sa mukha. Hindi niya alam kung gulat dahil sa alok niyang kasal o gulat dahil sa pagbigkas niya ng buong pangalan nito.
“M-MARIE? P-paano kang nakapasok dito? At ano ang ginagawa mo rito?” nakanunot noo niyang tanong sa dating kaklaseng itinuring niyang matalik na kaibigan, pero ipinagpalit lang nito ang tiwala niyang ibinigay dahil sa perang inialok dito ni Vivian, kapalit ng pag-kidnap sa kanya.“Ah, si Gerald, siya ang nagpapasok sa ‘kin dito. Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag muna bago mo ako itaboy…” nakayuko nitong sambit.“Una sa lahat, gusto kong humingi ng kapatawaran sa ‘yo, dahil nagawa kitang traydurin noon. Pero ang desisyon kong iyon ang nagpanatili sa pamilya ko na mabuhay hanggang ngayon. Sinadya akong puntahan doon ni Vivian para gawing kasabwat sa plano niyang pag-kidnap sa ‘yo. At kapag tumutol ako, buhay ng pamilya kong inosente ang mawawala. Alam mo bang hanggang ngayon, ay hindi ako pinatatahimik ng konsensiya ko sa isiping ikaw naman ang napahamak sa pagpayag ko sa kagustuhan niya?” nanunubig ang mga matang sambit nito.“Naiipit ako between you at sa pamilya ko, dahil pareho k
“M-MOMMY, so-sobra a-ako n-natakot sa k-kanya…” pautal-utal at humihikbing sumbong sa kanya ng anak na ngayon ay wala ng busal sa bibig at wala na rin ang mga tali sa kamay. Mugtong-mugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak.“Sssh! Tahan na, Baby. Hindi ka na niya makukuha o kahit ang masaktan pa…” sambit niya rito sabay haplos sa likod nito.“Kayo na ang bahala sa babaeng iyan!” dinig niyang sambit ni Weston sa mga pulis na kasalukuyang nakahawak nay Vivian habang inaalalayan itong makapasok sa police mobile.“Yes, Sir!” dinig naman niyang sagot ng mga ito.Siya namang pagdating nina Jedrick at Gerald, mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila para kumustahin ang kalagayan nila.“Sas, okay lang ba kayo? Nasaktan ba kayo ni Vivian?” sunud-sunod na tanong sa kanila ni Jedrick.“Si little Bro, bakit miserable ang hitsura niyan? Sinaktan ba ‘yan ni Vivian?” nag-aalalang sambit ni Gerald nang makita ang kalagayan ni Wesley.“Maraming salamat sa tulong ninyo, kuya Jed, Gerald.
“KAHIT KAILAN talaga, ang tanga-tanga mo, my dear, Sissy…” nakangising sagot sa kanya ni Vivian.“Nagawa nga kitang traydurin noon, ‘di ba? So bakit hindi ko kayang gawin iyon sa anak mo ngayon? Common sense naman, Sissy! Naturingan kang matalino at CEO ng MS Wine Haven, pero simpleng mga galawan ko lang hindi mo pa makabisado, hay naku…” dugtong pa nito.“Dahil umaasa ako na baka nagbago ka na lalo na at halos ilang taon din tayong hindi nagkita! Pero nagkamali ako! Hindi nga pala marunong magsisi ang mga alagad ng diyablo!”Dahil sa sinabi niya ay napikon si Vivian. Mabilis nitong itinutok sa kanya ang hawak nitong baril. Pero hindi siya nagpakita ni katiting na pagkatakot.“Sige, iputok mo! Bakit, kapag ba napatay mo ba ako, magiging masaya ba ang magiging buhay mo sa hinaharap? Para sabihin ko sa ‘yo, ang kulungan na ang magiging panghabambuhay mong kanlungan! At baka nga, doon ka pa makakuha ng katapat! Baka roon din matapos ang buhay mo!”“Huwag mong sinasabi sa ‘kin ‘yan dahil
PAGKAHINTONG-PAGKAHINTO ng sasakyan na kinalululanan nila ni Weston ay walang sinayang na sandali si Saskia. Mabilis siyang bumaba mula roon, ganoon din si Weston.Halos gusto na niyang lusubin si Vivian at pagsasabunutan ito, dahil tuwid itong nakatayo at may nakapaskil na malademonyong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Weston. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili alang-alang sa kanilang anak.Alam naman niyang hindi naman ito magtatagumpay sa plano nitong makuha si Weston o ang mapahamak ang kahit na sino sa kanila, dahil bago sila pumunta sa ipinadala nitong address kung saan sila ngayon naroroon, ay nakapaghanda na sila.Pero naninigurado pa rin siya dahil hindi niya kayang basahin ang takbo ng utak ng baliw niyang pinsan, at baka hindi pa umayon sa oras ang takbo ng kanilang mga plano sa pagdakip dito kapag nagpadalos-dalos siya at nagpadala sa emosyon.Bago pa man sila nagpunta roon, ay nakapagtimbre na si Weston sa mga pulis. Nakasunod at nakabantay na
NARIRINDI na si Vivian sa ginagawang pag-iyak at pagsigaw ng anak ng kanyang pinsan, kasabay ng pagpupumiglas nito sa pagnanais na makawala ito sa pagkakatali. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng panyo at binusalan niya ang bibig nito.Pero nakakabilib din naman ang pagpapalaki rito ni Saskia dahil hindi maitatangging matalino itong bata. Hindi niya sana ito makukuha kung hindi siya pumasok mismo sa loob ng living room ng bahay nina Saskia. Dahil may mga tauhan siya, inutusan niya ang mga ito na magmanman sa loob ng bahay kung ano ba ang ginagawa ng mga tao roon mula sa malayo.Parang pumabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil nagkakatipon-tipon ang mga ito sa dining area habang masayang kumakain ng agahan, walang ideya na may isang taong nakapasok na sa pamamahay ng mga ito. Eksakto namang pumunta ang bata sa living room, nakita niyang kinukuha nito ang mga laruan, at iyon ang pagkakataon na sinamantala niya. Kumatok siya sa pintuan, hindi nagtagal ay pinagbuksan naman siya nito.
“HELLO, Vivian! Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko!” sagot niya sa kabilang linya.“Wow, ah! Parang alam na alam mo na talaga na ako ang tumatawag, hahaha!” sambit nito kasabay ng malakas na paghalakhak.Samantalang ang mga kasamahan naman niya ay nakapalibot sa kanya, pinipilit na mapakinggan ang mga sinasabi ni Vivian sa kabilang linya.“Natural, dahil alam kong ikaw lang naman ang taong gustong-gustong sirain ang buhay ko! At idinamay mo pa talaga ang anak ko sa paghihiganti mo?! Nasisiraan ka na talaga ng ulo! Kahit ang inosenteng bata at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay idinadamay mo pa, duwag!” matapang na sagot niya rito.“Huwag mo akong gagalitin, Saskia! At baka tapusin ko ng wala sa oras ang buhay ng pinakamamahal mong anak! At ito ang itatak mo sa kokote mo, huwag na huwag kayong magsusumbong sa mga pulis, dahil kapag ginawa niyo iyon, hinding-hindi niyo na masisilayan kahit bangkay ng anak ninyo!”“Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko, Vivian! Kung talagang matapang ka, ako ang har
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments