Chapter: Chapter 65PAGDATING ni Weston sa bahay ay nagtaka siya dahil hindi niya makita ang kanyang mommy sa buong kabahayan. Nilibot rin niya pati sa labas ng kanyang bahay, ngunit hindi niya talaga ito mahanap.Nasanay kasi siya na sa bawat pagdating niya ay nadadatnan niya itong nasa sa salas na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV o kaya naman ay nagbabasa ng magazine. O kung hindi naman, ay naroroon ito sa kanyang mini garden habang nagmumuni-muni. Minsan naman, ay naroroon ito sa kusina para tumulong sa pagluluto kay nanay Lita.Kaya nakapagtatakang hindi niya ito makita sa buong kabahayan ngayong araw. Hindi na siya nakatiis kaya agad niyang pinuntahan si nanay Lita sa kusina na kasalukuyang nagluluto para sa kanilang dinner upang itanong kung saan naroroon ang kanyang mommy.“Excuse me, nanay Lita. Alam niyo po ba kung saan naroroon si mommy? Hindi ko siya mahanap dito sa buong kabahayan, eh,” magalang na tanong niya rito.“Naroon po siya Sir sa kwarto ninyo ni Ma’am Sas—” hindi na nito natapos ang
Last Updated: 2025-05-03
Chapter: Chapter 64NAPANSIN siguro ng ginang na napasobra yata ito sa kasasalita kaya humingi ito ng paumanhin sa kanya ng saglit siyang tumahimik.“Pasensiya ka na, hija. Kung naging madaldal ako, hindi mo tuloy maipagpatuloy ang pagkukwento mo sa ‘kin.”“Okay lang po ‘yon. Naninibago lng po ako sa inyo, kasi napaka-jolly niyo po pala! Nakakatuwa naman po kayong kausap!” nakangiting sambit niya.Totoo naman kasi iyon. Hindi pa man niya naisasabi ang totoong problema niya ay tila gumaan na ang kanyang pakiramdam. Hindi siya nagkamaling kausapin ito.“Talaga ba? Naku, ‘yan din ang palaging sinasabi sa ‘kin ng mommy mo. Mag-ina talaga kayo! O, siya, nasaan na nga ulit tayo?”Muli niyang ipinagpatuloy ang pagkukwento.“May pinsan po kasi ako, si Vivian. Simula pagkabata ay sa ‘min na siya nakatira, kapatid ng papa ko ang mama niya. Simula nung iniwan siya sa ‘min ng mama niya, hindi na siya nito binalikan pa. Kaya sina mommy at daddy na ang tumayong mga magulang niya. Bata pa lang kami ay may napapansin na
Last Updated: 2025-05-03
Chapter: Chapter 63PAKIRAMDAM ni Saskia ay napakasikip ng kanilang kwarto dahil halos doon lang siya umiikot para mag-isip ng solusyon sa problema niya kay Vivian. Kaya ang ginawa niya ‘y lumabas siya ng silid at dumiretso sa labas ng bahay at umupo sa isang bench na naroroon sa mini garden.Kasalukuyan siyang nakapangalumbaba at matamang nakatitig lang sa isang makulay na bulaklak nang bigla na lang may magsalita sa likuran niya.“May problema ba, hija? Pagpasensiyahan mo sana ang pagiging pakialamera ko dahil inistorbo ko ang pananahimik at pag-iisa mo rito. Pero kasi, sa mga kilos mo ‘y napapansin kong parang may mabigat kang dinadala. At bilang isang ina, gusto kitang tanungin bilang isang anak. Alam kong ilag ka pa rin sa ‘kin, pero malay mo, baka gumaan ang pakiramdam mo kapag nagkwento ka sa ‘kin,” wika ng mommy ni Weston. Bakas sa tono nito ang malumanay na pananalita na para bang inaakit siyang gumaan ang pakiramdam niya rito.Naisip din niyang sa mga sandaling iyon ay kailangan niya ng mapagsa
Last Updated: 2025-05-03
Chapter: Chapter 62KAPANSIN-PANSIN ang pananahimik ni Saskia habang nasa sasakyan sila. Hindi man lang siya nito kinausap hanggang sa makarating na sila sa kanyang bahay.“Oh, bakit parang ang bilis niyo naman yatang makauwi? Hindi ba kayo nag-enjoy sa pinuntahan niyo? Aba ‘y tatlong oras lang yata kayong nawala, ah!” salubong sa kanila ng mommy niya.“Ito po kasing si Saskia, Mom, nagyaya agad na umuwi. Pero okay na rin ‘yon, at least sa kaunting oras ay nakapamasyal na rin kami,” sagot niya.Nakita niyang tiningnan lang ng kanyang asawa ang mommy niya, pansin pa rin ang pagiging ilag nito dito. Pero pasasaan ba ‘t baka dumating din ang araw na magkaayos at magkasundo rin ang mga ito.Nitong mga nakaraang linggo ay napansin niya naman ang tuluyang pagbabago ng kanyang mommy. Wala na rin ang dating magaspang nitong ugali. Kaya naniniwala na siyang nagbago na nga talaga ito.“O, siya, ihatid mo na iyang asawa mo sa kwarto ninyo at mukha pagod, at ng makapagpahinga na rin siya,” utos nito.“Okay, Mom. Hal
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Chapter 61“ABA, ang tapang mo na ngayon, ah?!” nakangising wika nito.“Kailangan kong maging mabangis sa mga ahas na katulad mong pilit na nagrereyna-reynahan sa kalagitnaan ng kagubatan kahit na alam mong para sa Leon lamang ang titulong ‘yon!”“Ang tapang talaga!” tumawa pa ito ng malakas kasabay ng pagpalakpak. “Sige, ganito na lang. May isang kondisyon ako at sa tingin ko ay hindi mo ‘ko mahihindian dito. Gusto kong makipagkita ka kay Gerald dahil isasauli ko na siya sa ‘yo. Sawa na ‘ko sa kanya at gusto ko naman ng ibang putahe, hahaha!” para itong demonyo kung humalakhak.“Ano ako, tangang katulad mo para sumunod sa ‘yo? Kahit sa bangungot mo ay hindi mangyayari ‘yon, baliw!”“Hahaha! Sige, sabihin na lang natin na kasama ako nina tito at tita sa iisang bubong. At dahil malaki ang tiwala nila sa ‘kin, ay hindi nila mapapansin na unti-unti ko silang papatayin sa lason na ilalagay ko sa kanilang mga pagkain. Mag-uumpisa ‘yan bukas, kaya magdesisyon ka na ngayon! At kapag hindi ka sumunod, a
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Chapter 60PAGKALABAS ni Saskia ng cubicle ay nagulat siya nang mapagsino ang taong nasa harapan ng salamin kung saan ay madaraanan niya. Si Vivian, habang sinisipat nito ang sarili sa salamin. Hindi man lang ito nagulat nung makita siya na para bang hinihintay pa nga siya na lumabas mula sa cubicle.Lalagpasan na sana niya ito dahil ayaw na niya itong makausap pa kahit kailan, pero napahinto siya nang magsalita ito.“Hindi mo man lang ba ako kakausapin, Sissy?” wika nito na may lambing sa tinig. Kung sa ibang pagkakataon lang sana, ay baka kinilig na siya lalo na ‘t tinawag siya nito sa endearment nila nung close pa sila bilang magpinsan.“Para ano pa? Para sayangin ang oras ko sa pakikinig sa mga kasinungalingan mo?” nagtitimping wika niya.“Hindi ka pa ba naniniwala sa ‘kin na nagbabago na ‘ko, Sissy?” tila ba ay nagpapaawa ito dahil sinadya pa nitong pahabain ang nguso na siyang nakapagpainis lalo sa kanya. Akala siguro nito ay napakaganda na nito sa ganoong hitsura, hindi lang nito alam na
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Chapter One hundred-ninety-ninePAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagta
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: Chapter One hundred-ninety-eightSIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko
Last Updated: 2025-04-28
Chapter: Chapter One hundred-ninety-sevenPINAGMAMASDAN ni Michaela si Vanessa hindi kalayuan sa selda nito. Kita niya sa mukha nito ang nararamdamang hirap. May katabi itong maliit na palanggana at doon ito sumusuka. Totoo nga pala talagang buntis ito.Napakapit siyang bigla sa kanyang tiyan. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ni Vanessa, makakaya niya kaya ang sitwasyon nito? Lahat naman ng ina ay gustong ingatan ang kanilang mga anak.Hindi niya inaalis ang paningin kay Vanessa habang dahan-dahan siyang lumalapit. Sinuswerte pa rin ito dahil mukhang may mabait itong kasamahan, iyon ang humahaplos sa likod nito kapag nagsusuka at nagpupunas ng butil-butil na pawis na lumalabas sa kabuuan ng mukha nito.Mga ilang minuto rin ang itinagal niya sa pagtayo sa labas ng selda nang sa wakas, ay nagawi ang paningin nito sa kanya. Wala na ang bakas ng kasamaan at katarayan sa mukha nito. Kitang-kita niya ang namumutlang mga labi nito at ang malamlam na mga mata na para bang pagod na pagod at kulang na kulang sa tulog at pahinga.Agad
Last Updated: 2025-04-27
Chapter: Chapter One hundred-ninety-sixKINAGABIHAN ay nakiusap siya kay Michaela kung pwede ba silang magkasama mamaya sa pagtulog dahil sa kagustuhuhan niyang magkatabi sila. Mabuti na lang at nasa good mood ito kaya hindi siya nahirapang kumbinsihin ito."Sweetheart, bukas pala ay pupunta ako ng presinto para mag-follow up sa inihain kong kaso. Baka may gusto kang ipabili sa ‘kin,” malumanay na wika niya habang nakayakap siya sa likod nito. Nakatagilid kasi sila sa paghiga.“Gusto kong sumama, Jacob.”“Sumama? Saan, sa presinto mismo?” gulat na tanong niya.“Oo, bakit, bawal ba ako roon?”“Hindi naman. Kaso, baka mapagod ka lang at saka, maraming tao roon, baka kung ano pang bacteria ang masagap mo ‘t magkasakit ka pa. Dumito ka na lang at magpahinga.”“Gusto kong sumama, gusto kong makita sina tiyo at tiya na nakakulong. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila kapag dinalaw ko sila. Gusto ko ring makita si Vanessa, baka kasi hanggang doon ay naghahasik siya ng kasamaan. Baka pati mga kasamahan niya sa kulu
Last Updated: 2025-04-27
Chapter: Chapter One hundred-ninety-fivePAGOD NA PAGOD at humihingal si Jacob habang nagpapahinga sa kanyang sariling silid. Hindi na muna siya nagtangkang puntahan si Michaela sa inookopang silid nito dahil baka bugahan lamang siya nito ng apoy.Paanong hindi siya mapapagod, eh agaran siyang pinatakbo ni nanay Minerva sa pinakamalapit na botikang alam niya para bilhin ang mga vitamins na reseta ng doctor kay Michaela. Hindi man lang kasi nito iyon nabanggit sa kanya kanina sa loob ng sasakyan dahil abala sila sa pagbabangayan.At isa pa, kahit saang lupalop siya ng mall nakarating para lang mahanap ang gusto nitong kainin. Kahit ang public market na first time lang niyang mapuntahan ay hindi rin niya pinalagpas. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o iyon talaga ang gusto nitong kainin. Paano ba naman, hinahanapan siya nito ng manggang kalahating hinog at kalahating hilaw, pero dapat iyong hindi mahaba.Gusto sana niyang isama si Claire o si nanay Minerva o kahit man lang isa sa mga katulong para mapadali ang
Last Updated: 2025-04-26
Chapter: Chapter One hundred-ninety-fourNAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak
Last Updated: 2025-04-24