PAGKALABAS ni Saskia ng cubicle ay nagulat siya nang mapagsino ang taong nasa harapan ng salamin kung saan ay madaraanan niya. Si Vivian, habang sinisipat nito ang sarili sa salamin. Hindi man lang ito nagulat nung makita siya na para bang hinihintay pa nga siya na lumabas mula sa cubicle.
Lalagpasan na sana niya ito dahil ayaw na niya itong makausap pa kahit kailan, pero napahinto siya nang magsalita ito.
“Hindi mo man lang ba ako kakausapin, Sissy?” wika nito na may lambing sa tinig. Kung sa ibang pagkakataon lang sana, ay baka kinilig na siya lalo na ‘t tinawag siya nito sa endearment nila nung close pa sila bilang magpinsan.
“Para ano pa? Para sayangin ang oras ko sa pakikinig sa mga kasinungalingan mo?” nagtitimping wika niya.
“Hindi ka pa ba naniniwala sa ‘kin na nagbabago na ‘ko, Sissy?” tila ba ay nagpapaawa ito dahil sinadya pa nitong pahabain ang nguso na siyang nakapagpainis lalo sa kanya. Akala siguro nito ay napakaganda na nito sa ganoong hitsura, hindi lang nito alam na