KAPANSIN-PANSIN ang pananahimik ni Saskia habang nasa sasakyan sila. Hindi man lang siya nito kinausap hanggang sa makarating na sila sa kanyang bahay.
“Oh, bakit parang ang bilis niyo naman yatang makauwi? Hindi ba kayo nag-enjoy sa pinuntahan niyo? Aba ‘y tatlong oras lang yata kayong nawala, ah!” salubong sa kanila ng mommy niya.
“Ito po kasing si Saskia, Mom, nagyaya agad na umuwi. Pero okay na rin ‘yon, at least sa kaunting oras ay nakapamasyal na rin kami,” sagot niya.
Nakita niyang tiningnan lang ng kanyang asawa ang mommy niya, pansin pa rin ang pagiging ilag nito dito. Pero pasasaan ba ‘t baka dumating din ang araw na magkaayos at magkasundo rin ang mga ito.
Nitong mga nakaraang linggo ay napansin niya naman ang tuluyang pagbabago ng kanyang mommy. Wala na rin ang dating magaspang nitong ugali. Kaya naniniwala na siyang nagbago na nga talaga ito.
“O, siya, ihatid mo na iyang asawa mo sa kwarto ninyo at mukha pagod, at ng makapagpahinga na rin siya,” utos nito.
“Okay, Mom. Hal