PAGDATING nila sa bahay ay agad silang sinalubong ng nag-aalalang si Mommy Diana.
“Hoy, kayong dalawa, saan kayo galing, ha? Ni hindi man lang kayo sa ‘kin nagpaalam? O, kaya naman kahit kay Lita, hindi? Paano kung nadisgrasya kayo, ha? Pinag-alala ninyo akong dalawa! Kanina pa kami kahihintay sa inyo para mag-dinner!” sambit nito sa kanila na para bang pinagagalitan silang dalawa.
Nagkatinginan muna silang dalawa ni Weston, pagkatapos ay ito na rin ang nagpaliwanag sa ina.
“Mommy, nagmamadali po kasi kami kanina ni Saskia. Nagkaroon po kasi ng emergency ang Daddy niya, nasa ospital ito at kasalukuyang naka-confine. Sa pagkataranta namin at pagmamadali, ay nakalimutan na namin ang magpaalam,” paliwanag ni Weston.
“Hala, ano raw ba ang nangyari sa Daddy mo, hija?” bigla ang pag-aalalang rumehistro sa mukha nito.
“Hayun po, nagpapalakas ng katawan. Nawalan daw po kasi ng malay sabi ni Mommy, kaya agad niyang itinakbo sa ospital” sagot niya.
“Eh, kumusta naman daw siya ngayon?” muling ta