Share

Chapter 7

Author: elyjindria
last update Last Updated: 2021-02-23 14:27:15

“143? Tatlo lang yan eh, I hate you, I miss you, o kaya I love you.”

Napangiti ako nang maalala ko ang sinabing yan ni Kyla. Ang totoo niyan, hindi ko talaga na-gets yung 143, tinanong ko pa kay Kyla yo'n.

Ang totoo niyan, hindi talaga ako sure kung I love you ang ibig sabihin do'n ni Ice pero gusto ko pa ring sabihin na mahal ko siya.

Matapos kong magbihis ay naghanda na ko para pumunta sa restau, gustong makipagkita nina Kyla eh.

Paglabas ko sa unit, napalingon ako sa gilid ko. Nagulat ako nang kalalabas lang din ni Ice. Napatikhim naman siya at nag-iwas ng tingin sakin. Dire diretso siyang naglakad papuntang elevator, agad naman akong tumakbo at sumunod sa kanya, medyo nahirapan pa ko kasi naka heels ako. Para naman tumangkad ako kahit konti.

Todo iwas ng tingin sakin si Ice habang nasa elevator kami. Nagpigil ako ng tawa nang makita kong namumulaang tainga niya. Hindi pa rin siya nagbabago, pulahin pa rin ang tainga niya. Ang cute cute talaga niya, nakakagigil!

“143.” pagtawag ko sa kanya. Saglit siyang napalingon sakin at napatikhim.

“Babe 143. 143~” sabi ko habang pahuni huni pa. Ang cute kasi ng reaction ni Ice, talagang hiyang hiya siya.

Nang magbukas ang elevator ay dali daling umalis si Ice. Natatawang napailing na lang ako.

Kailan pa naging shy type si Ice?

***

“So ano Shenna? Sasama ka ba?” tanong ni Kyla. Nagyayaya siya sa Batangas dahil magb-birthday na siya. Sinama niya rin si Bullet para daw makasama namin siya. Buti nga daw napapayag nila si Bullet eh, sinabi kasi ni Bullet na sasama lang siya kung sasama rin si Sarah. Eh sakto namang pumayag si Sarah. Napasimangot nga ako dahil do'n eh.

“S-Si Ice? Sasama ba si Ice?” nahihiyang tanong ko.

“Hindi daw, busy daw siya eh, siya nga gumastos do'n eh tapos di siya sasama.” sabi ni Kyla at napairap.

“Ang daya ni Prince. Ipinagpaliban namin ang mga trabaho namin sa loob ng dalawang araw tapos siya. Tss. Ang arte talaga ng yelong yo'n.” nag-e-emote na sabi ni Lion.

Napangiti naman ako dahil bigla akong may naisip.

“Akong bahala kay Ice, sigurado akong papayag siya pag pinilit ko siya.” sabi ko at binigyan sila ng matamis na ngiti.

“Kung ako si Prince, bibigay agad ako kapag nginitian mo ko ng ganyan.” natahimik kaming lahat sa sinabi ni Dragon.

“Huy Dragon, akala ko ba naka move on kana kay Shenna.” sabi pa ni Kyla. Hindi tuloy ako makatingin ng ayos kay Dragon. Natawa naman si Dragon, ang gwapo niya talaga.

“Nilagyan niyo agad ng malisya eh.” napapailing pang sabi ni Dragon. Para naman kaming nakahinga ng maluwag.

“Sir Dragon!” napalingon kami sa babaeng tumatakbo papalapit sa pwesto namin.

Medyo haggard ng tingnan ang babae pero isa lang ang masasabi ko. Maganda siya, sobra. Maganda at matangkad.

Nang makalapit na ang babae sa pwesto namin ay hinihingal na umupo siya sa tabi ko. Medyo nagulat ako pero hinayaan ko na lang siya, magaan yung loob ko sa kanya eh. Hindi ko alam kung bakit.

Kinuha ng babae ang tali niya sa buhok mula sa bulsa niya at sinimulang itali ang mahaba at medyo curly na buhok niya.

Napangiti ako dahil kitang kita ko kung paano natulala si Dragon habang nakatitig sa babae.

“Sir Dragon! Huy!” pumitik pa ang babae sa harap niya. Tila natauhan naman si Dragon. Inayos niya ang neck tie niya at napatikhim.

“Grabe ka naman Sir! Saglit na lang magsisimula na ang meeting mo with the shareholders. Hirap na hirap na kong magpaliwanag tuwing na-l-late ka!” oo, sinigawan niya talaga si Dragon. Pinigil ko ang tawa ko, para siyang hindi secretary kung umasta. Nakakatuwa.

“I like her already. ” bulong ni Kyla sakin. Napangiti ako at tumango.

“Oo na, oo na. By the way guys, this is Nisha, my secretary. ” napalingon samin si Nisha at ngumiti. Mas lalo tuloy siyang gumanda.

Isa isa kaming nagpakilala sa kanya. Mukha siyang mabait, kay Dragon lang talaga siguro siya masungit.

“Sir, hindi niyo naman nasabing puro gwapo pala ang mga kaibigan mo.” sabi ni Nisha at napahagikhik.

“Tss. Tigilan mo nga. Halika na nga!” naiinis na sabi ni Dragon at hinila si Nisha. Nanlaki ang mga mata ni Nisha.

“Grabe Sir, halikan talaga! Sa private place natin yo'n gawin.” natawa ako sa sinabi niya. Ang kulit niya.

Napairap naman si Dragon at hinila na lang si Nisha palabas ng restau.

“In love ang gago.” napapailing na sabi ni Shark.

***

“Hindi po pwedeng papasukin kayo basta basta sa office ni Mr. Farthon.” halatang nagtitimpi na ang babaeng 'to.

“Psh! Bakit si Sarah pwedeng pumasok basta basta?” naiinis na tanong ko. Pero hindi naman pasigaw, hindi naman ako eskandalosa.

Nabalitaan ko kasi kay Kyla na basta basta na lang napasok si Sarah sa office ni Ice. Hindi naman ako makakapayag no'n. Ako ang girlfriend ni Ice eh, wala pa kaya kaming formal break up!

“Iyon po ang sabi ni Mr. Farthon. Pwede po dito si Ma'am Sarah anytime. ” napairap pa ito sakin.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Ice. Hiningi ko kay Kyla ang number ni Ice eh.

Agad niya rin namang sinagot ang tawag ko.

“Who the hell are you?” malamig na tanong nito. Wow lang! Napakagandang bungad!

“Ice, puntahan mo ko dito sa lobby ng IPF. Inaaway ako ng babaeng 'to.” sabi ko at tiningnan ng masama yung babae na di hamak naman na mas matangkad sakin kahit naka-heels pa ko.

“I'm busy. Stop acting like a child. Asikasuhin mo na lang ang restaurant mo.”

“Eh, 143 naman. Please na, bumaba ka na dito. 143~” narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ice sa kabilang linya.

“Just leave. I'm fvcking tired Shenna. I have a lot of things to do, wag ka ng dumagdag.” malamig na sabi nito.

Natahimik naman ako at napahikbi. Wala namang masama kung mag-iinarte ako eh.

“S-Sorry. Si Henry na lang---” napakunot ang noo ko at napatingin sa phone ko nang bigla ako nitong babaan ng tawag.

“Please Ma'am, umalis na lang po kayo.” napatungo na lang ako at walang ganang naglakad. Bwisit 'tong babaeng 'to! Isumbong ko siya sa Danger Zone eh!

“Shenna!” nagliwanag ang mukha ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.

Napalingon ako at napangiti ako nang makita ko si Ice na natakbo papalapit sakin. Napapatingin na sa kanya yung mga empleyado.

Nang nasa tapat ko na si Ice ay saglit aiyang natigilan. Malamig na tumingin siya sa mga empleyadong nakatingin samin. Nataranta naman sila saka nag-iwas ng tingin at nagbusy-busy-han.

“143.” nakangiting sabi ko. Bagong endearment ko na yata yo'n sa kanya.

“M-Mr. Farthon, ang kulit po niya. Sinabi ko na pong busy kayo at hindi kayo natanggap ng bisita pero---” agad na pinutol ni Ice ang sasabihin niya.

“She can go to my office whenever she wants from now on.” natulala naman yung babae at napalunok pero napatango na lang siya.

Nang mapatingin sakin yung babae, binelatan ko siya. Huh! Pahiya ka ngayon girl!

“Sabi ko naman sayo eh, asawa nga ako ni Ice. Kaya wag mong papapasukin basta basta yung Sarah na yo'n okay? Diba asawa kong 143?” lumapit ako kay Ice at niyakap siya sa baywang. Hinawakan ko ang braso niya at inilagay yo'n sa balikat ko para akbayan niya ko.

“Tandaan mo yan ah? No Sarah allowed. Kay Bullet na lang siya.” nakita ko ang pag-irap ni Ice pero hindi naman siya nagsasalita.

Hinila ko na si Ice papasok sa elevator. Nakayakap pa rin ako sa baywang niya at nakaakbay pa rin siya sakin.

“143, nararamdaman ko yung abs mo.” sabi ko at napahagikhik. Agad na tinanggal ni Ice ang pagkakaakbay sakin. Kitang kita ko ang pamumula ng tainga niya. Hay nako Ice!

Nang nasa pinakamataas na floor na kami ay agad kong hinila si Ice palabas ng elevator. Napansin kong iisa lang ang pinto sa floor na 'to.

“Ice, wag mong sabihin sakin na office mo 'tong isang buong floor na 'to?” napatingin ako sa kanya. Napakibit balikat lang siya.

Agad kong binuksan ag pinto at halos mapanganga ako sa laki at ganda ng office niya. Medyo dark lang ang kulay pero maganda naman. Parang kasing laki na ng unit namin itong office niya. Take note, may kusina, library, gym, cr at kung ano ano pa. Kaloka!

Nilagpasan ako ni Ice pumunta na siya sa desk niya. Ako naman ay tulala pa din at umupo na lang sa sofa.

“What brings you here?” tanong nito habang nakatutok ang mata sa laptop niya at may ginagawang kung ano.

“Wala lang, pipilitin lang kita na sumama sa Batangas.” nakangusong sabi ko.

Lumapit ako sa kanya, umupo ako sa desk niya na medyo malapit sa pwesto ng laptop niya. Buti na lang malaki 'tong desk ni Ice.

“Hindi ako pupunta.” malamig na sabi nito. Napanguso na naman ako at kinuha ang phone niya.

Binuksan ko iyon at buti na lang walang password. Gusto kong mapairap dahil plain black ang wallpaper niya. My ghad Ice!

Wala rin masyadong applications sa phone niya, wala ring laman yung gallery niya. Grabehan ka talaga 143!

Dumiretso na lang ako sa camera at nagselfie. Oo, nagselfie ako gamit ang phone ni Ice.

“What are you doing?” napakunot ang noo niya at napatingin sakin.

“Nags-selfie, para naman may maganda ng laman 'tong phone mo. Ay! Wait lang.” umalis ako sa pagkakaupo sa desk niya.

Inilapit ko ang mukha ko kay Ice at tinapat ko ang cellphone niya sa mukha namin. Mga dalawang shots din ang nakuha ko.

Lumayo na ko kay Ice at tiningnan ang pictures namin. Ang cute! Nakangiti ako habang si Ice naman, sakin nakatingin.

Agad kong ginawang wallpaper sa phone ni Ice ang picture namin. Tapos pinasa ko naman sa phone ko ang picture namin. Ginawa ko rin 'yong wallpaper ko. Pinakita ko kay Ice ang phone naming dalawa pagkatapos.

“Oh diba! Ang ganda noh? Hay, nagkabuhay din ang phone mo. Ang ganda ko kasi eh.” napairap na lang si Ice at itinuon ulit ang pansin sa laptop niya.

“Aalis na ko ah. Pag-uwi mo, pupunta ako sa unit mo at pipilitin ulit kitang sumama sa Batangas.” sabi ko habang sinisilid ang phone ko sa bag.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Ice sakin.

“Ano ka ba 143? Miss mo ko agad. Malamang aasikasuhin ko din naman yung restau. Sige bye na yelong 143.” nakangiting sabi ko.

Aalis na sana ako pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya. Napasinghap naman ako.

“143.” sabi nito habang nakatitig sa mukha ko. Nagulat na lang ako nang lumapat ang malambot na labi ni Ice sa labi ko.

Dampi lang 'yon pero pakiramdam ko ay nakuryente ako ng bonggang bongga. Napatitig ako sa kanya.

“Two timer ka, may Sarah na, may Shenna pa.” nakasimangot na sabi ko.

Napaiwas na lang siya ng tingin at napatikhim.

“Nagbabalikan na ba tayo Ice?” sabi ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

“J-Just go.” sabi nito at tinulak ako patayo.

“Hoy! Matapos mo kong i-kiss, bigla mo na lang akong itataboy! Grabe ka, hindi ako easy to get noh!” parang gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko. Nagiging easy to get nga pala ako pagdating kay Ice.

“Grabe ka talaga 143.” nakangusong sabi ko.

“J-Just go.” pabulong na sabi nito.

“Oo na! Bye 143.” gusto ko talagang matawa dahil red na red na yung magkabilang tainga niya.

Sus! Kunwari pa 'to, samantalang dati kung halikan ako parang wala ng bukas. Pabebeng 143!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   LAST

    Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko.Pinilit kong bumangon kahit nahihilo pa ko. Parang gusto kong humiga ulit.“S-Shenna, si Prince... W-Wala na si Prince.”Dali dali akong napatayo nang maalala ko iyon. Si Ice! Nasaan si Ice?!“Anak, a-ayos ka na ba?” napatingin ako kay tatay, kasama niya si nanay na nakapikit at mukhang tulog habang nakayakap kay Ochoy.Napatingin ako sa paligid, mukhang nasa ospital ako.Natigilan ako nang may padabog na pumasok sa pinto. Bumungad sakin si Tita Amy, nasa likod niya si Tito King, si Lololo at ang Danger Zone kasama pa si Kyla.Kitang kita na galing sila sa pag-iyak dahil magang maga ang mga mata nila.“T-Tit

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 30

    “Saan ba tayo pupunta? Bigla ka na lang nanghihila.” nakangusong sabi ko.Nandito kami ngayon ni Ice sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Busy pa man din ako ngayon dahil madaming costumers sa restau.“Just trust me, okay?” tumango na lang ako.“Malayo ba ang pupuntahan natin?” tanong ko pa sa kanya.“No. Malapit lapit lang.” hinawakan niya ang kamay ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin niya.Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Hay! Sana lagi na lang kaming masaya.“Ice.”“Hmm?”“Mahal kita.” kitang kita ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.“Shenna.”“Hmm?”“I can't wait for our wedding day. Magiging akin ka na talaga.” sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.“Grabe ka talaga noh? Lakas mo magpakilig.” sabi ko at hinampas siya sa braso.

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 29

    “Tss. Ang arte mo.” bulong ni Henry sa gilid ko. Tiningnan ko siya ng masama.“Kung makasabi ka ng maarte dyan ah! Ikaw nga todo inom pa nung naghiwalay kayo ni Johanna.” sabi ko habang nagpupunas ng luha.“Iba yo'n, nakipagbalikan rin naman siya sakin eh. Gwapo ko kasi.” sabi pa nito. Napairap na lang ako sa kayabangan niya.“Gwapo ka nga, pero walang wala pa rin kay Ice.” bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.“Eh kung pinapalayas kaya kita dito sa pamamahay ko?” binato niya pa ako ng malaking unan, sapul sa mukha ko.“Heh!”Kumain na lang ako ng ice cream. Pa-epal talaga ang Henry na 'to.“Anong ginagawa mo dito?!” napalingon kami ni Henry kay Johanna. Hay nako! Napakaselosa talaga nito.“Hi babe.” agad na lumapit si Henry kay Johanna at niyakap ito sa baywang.“Bakit nandito ang pandak na yan?” nakataas kilay na tanong ni Johanna. Napairap ako, magkapatid ba sila ni Sarah?! Magkaugali sila eh.“Nagd-

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 28

    “Simple lang naman talaga dapat. Ayoko ng masyadong magara, napag-usapan na namin ni Tita Amy yan.” sabi ko habang nakasalpak ang earphones sa tainga ko. Kausap ko sa phone si Ms. Tejada. Siya ang wedding planner na pinagkakatiwalaan ni Tita Amy.Tumulong ako sa mga waitress sa pags-serve ng pagkain. Marami rin kasing costumers ngayong araw.“Ah okay po Ma'am. Basta po kung may gusto kayong idagdag or baguhin paki-inform niyo lang po ako.” magalang na sabi niya.“Okay. Salamat.” binaba ko na ang tawag.Pagod na umupo ako sa isang sulok pagkatapos. Kailangan ko pa palang mag-ayos dahil pupuntahan ko si Ice sa IPF.Tumayo na ko at pumasok sa office ko. Nagpahinga muna ko saglit pagkat

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 27

    Nakaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa limang taong gulang na bata na kamukhang kamukha ni Lion.“A-Anak niyo ba talaga ni Lion ang batang 'to?” tanong ko pa kay Kyla.“Oo nga, ang kulit.” sabi nito at hinila ang anak niya at pinakandong sa kanya, yumakap naman ang bata sa leeg niya.“A-Ano ulit yung pangalan niya?” tanong ni Sarah. Gaya ko, gulat na gulat din sila ni Ailee.“Leon Scott, Leo na lang.” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Leo.“Bakit parang anak lang ni Lion yan? Walang nakuha sayo eh, halos lahat kay Lion.” sabi ko pa habang nakatitig sa bata. Sumimangot naman si Kyla.“Alam ko yo'n. Nakakainis nga eh, naghirap ako sa panganganak tapos ni mata hindi man lang nakuha sakin.” nakasimangot na sabi niya.“Bakit? Wala namang masama kung si Lion ang kamukha niya eh.” sabi ni Ailee.“Oo nga. Mas maganda nga na si Lion

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 26

    Nakatulala ako ngayon sa glass wall ng restaurant ko. Wala akong gana magtrabaho o kumilos. Hays!“Shenna!” napalingon ako kay na papalapit na sakin. Kasama niya si impakta (Sarah) at si Ailee.Hindi ko sila pinansin, wala akong gana eh. At siguradong magungulit lang ang mga yan.“Anong drama yan?” nakataas kilay na tanong ni Sarah.“Wala kang pake! Panget mo.” maarteng sabi ko at inirapan siya.“Eh kung sipain kaya kita? Arte nito.” hirit pa ng impakta.“Paepal.” bulong ko.“Narinig ko yo'n!” sabi niya at dinuro pa ko.“Kayo bang dalawa magbabangayan na lang lagi?” nakasimangot na tanong ni Kyla.“Ikaw kasi!” sabay na sabi namin ni Sarah sa isa't isa.“Homaygulay! Tama na nga yan! Pag-usapan na lang natin kung anong problema niyo ni Prince, Shenna. Bakit isang linggo ko ng hindi naririnig na nagsalita ang yelong yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status