"Anong gusto mo? Tea? Coffee? Milk? Water? Soda? Or—" Aligaga nyang tanong. Tatayo na sana si Carmela mula sa pag kaka upo sa coach nang biglang hawakan ni Jaren ang kanyang kamay.
Napatingin sya sa pag kakahawak duon ni Jaren at napa lunok. Mahigpit yon, pero mararamdaman mo ang pag iingat nang Binata na hindi sya masaktan.
"I'm here to check on you... Hindi ako pumunta rito para mag pa asikaso sayo Carmela. I just want a minute today..."
Tumango sya at umupo sa tabi nang lalaki. Malawak itong ngumiti sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Namawis tuloy ang kanyang kamay. Katulad nya, paniguradong hindi sanay si Jaren na makita syang ganito ang ayos.
"It's been a month since we're a part... And wow! Look at you, you look like a grown woman..." Hindi makapaniwala nitong papuri sa kanya, "Mas lalo kang gumanda..." namula sya sa sinabi nito.
Mahina nyang hinampas ang lalaki, "Ano ka ba! Nag bibiro ka nanaman eh!"
Tumawa sya, "Hanggang ngayon ba iniisip mong nag bibiro ako?