LOGINSa ika-18th Birthday ni Carmela ay na set-up sya nang kanyang Nobyo at hindi tunay na kapatid na si Pearlyn upang makipag one night stand sa inaakalang matandang lalaki. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay si Axcel Mostrales ang kanyang nakasalo sa isang mainit na gabi. Ang pinaka batang bilyonaryo sa buong Asya. Nalaman nang kanyang fosters parents na politician ang nangyari at sa galit nila ay itinakwil nila si Carmela. Sa takot na malaman ng mga itong buntis sya ay nagawa nya itong itago at magpunta nang ibang bansa. Hanggang sa makalipas ang ilang taon ay bumalik sila ng Pilipinas kasama ang kanyang anak at inalok sya ni Pearlyn na si Carmela ang dumalo sa blind date na gusto nang kanilang magulang. Walang ibang nagawa si Carmela kundi makipag sundo kapalit ng malaking halaga ng pera. Ang tanging gagawin lang naman ni Carmela ay magpanggap bilang si Pearlyn at gumawa ng paraan para hindi sya pakasalan nang lalaki. Ngunit tila ba mapag laro ang Tadhana at gusto syang pakasalan nang lalaki na walang iba kundi si Axcel Mostrales, ang ama nang kanyang anak.
View MoreNag-ngalangit-ngit na ata sa galit ang buong katawan ni Carmela ng lumabas sya sa elevator. Mabilis syang nag lalakad para hindi na sya maabutan ni Axcel na naiwan sa loob. Nanlulumo ito habang pinapanood si Carmela na mawala sa kanyang paningin. Gusto nya mang habulin ang Babae pero napag uunahan sya sa kirot na kanyang nararamdaman sa puso. Tinignan nya ang kanyang reflection sa elevator. Kailan nya ba huling nakita na ganito ang kanyang itsura? Not so long ago, nang magising sya sa ilang taon na pag kaka coma. At ngayon heto nanaman sya, mukha nanamang miserable, pinag babayaran ang lahat ng kasalanang nagawa nya kay Carmela.Nanginginig ang kanyang kamay. Gusto nyang umiyak, gusto nyang lumuhod, gusto nyang mag makaawa sa harapan ni Carmela upang bumalik ito sa kanya, pero kada nag a-attempt syang gawin 'yon, nauudlot dahil sa uri ng tingin sa kanya na iginagawad ng Babae. Puno ng pagka muhi, kinakasuklaman sya. Napahilamos sya sa kanyang mukha at napasabunot sa kanyang buhok d
Isang lingo na ang nakaka lipas ng huli nyang nakita si Axcel. Wala syang balita sa lalaki at kahit sino man sa mga Promises. Sa kanyang isipan ay tiyak na walang mukhang maihaharap ang mga 'yon sa kanya dahil sa pag tataksil nila. Anong nangyari sa kanilang mga pangako noon sa kanya? Ganoon nalang ba 'yon? Bigla biglang mapapako? Tama nga ang sinabi noon ni Axcel, kaya Promises ang pangalan ng grupo nila dahil ni isa sa kanilang mga Promise, walang natutupad. Sa ilang araw na nag daan, handa na ba sya ulit na harapin ang lalaki? Kinuha nya ang kanyang sling bag na gagamitin sa pag pasok sa trabaho. Naka suot sya ng all black na para bang namatayan sya. "Kaya mo na ba Carmela?" Tanong nya sa harap ng salamin habang binabagay ang kanyang puting bag. Sinuot nya ang kanyang shades kahit na nasa loob pa naman sya ng kanilang apartment building na bago. Kumuyom ang kanyang kamao ng maalala nanaman kung paano sya gagōhin ng bwîsit na Axcel na 'yon, "Pwes kung hindi mo kaya, kayanin mo!"
Umupo si Jaren sa kama sa kanyang narinig. He sighed out of relief. Hinaplos nya ang nuo ni Carmela, inayos ang ibang hibla ng buhok na kumakapit sa kanyang pawis. Inayos rin nito ang kumot ng Babae upang hindi sya lamigin. Malambot syang ngumiti, "You can always come back home... to me."Tumulo ang nag babadyang luha ni Carmela na kaagad namang pinunasan ni Jaren gamit ang kanyang thumb. Marahan 'yon, puno ng pag iingat na para bang isang klase ng papel ang balat ni Carmela na sa isang maling punas lang dahil sa pagkabasa ay kaagad na mapupunit. Nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa mga namumuong luha na pinipilit nyang hindi tumulo. Sa kanyang isip, nababaliw na ba sya? Sapagkat hindi si Jaren ang kanyang nakikita ngayon, kundi si Axcel na marahan syang hinahaplos. Mas lalo pang idinikit ni Carmela ang kanyang mukha sa palad ni Jaren. Feeling every moment on his hand, as if Axcel was the one caring her. Lalo pang tumataas ang kanyang lagnat kung kaya naman nag ha hallucinate n
Hindi alintana ni Carmela ang pag bigat ng patak ng ulan na tumatama sa kanyang katawan dahil sa pagka lunod nya sa kanyang mga iniisip. Buti nalang ay tumigil na sya sa pag iyak. Walang wala sya ngayon. Ni hindi nya rin alam kung saan sya dinadala ng kanyang paa. Kanina pa sya palakad lakad pero kahit ganoon ay hindi nya maramdaman ang kanyang pagod. Wala syang cellphone, pera, o kung ano pa man. Gusto nya lang mapag isa at solohin ang kanyang mga naiisip. Umihip ang malamig na hangin na yumayakap sa kanya. Nararamdaman nya ang pagka manhid dahil hindi man lang nagsi tayuan ang kanyang mga balahibo. "Pago-d na ako..." Bulong nya, hindi sa pag lalakad, kundi sa kanyang mga nararamdaman. Mistulang bumagal pa ang oras ngayong gabi at isa na rin siguro ito sa pinaka mahabang gabi na kanyang naranasan. Nanginginig na ang kanyang kalamnaman kasabay ng pag ngatog ng kanyang mga tuhod. Pagiba na ang kanyang katawan dahilan ng pagka hulog nya sa maputik na kalsada. Gusto nyang sumigaw...






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore