Chapter: Chapter 144: Cold Hearted
Nag-ngalangit-ngit na ata sa galit ang buong katawan ni Carmela ng lumabas sya sa elevator. Mabilis syang nag lalakad para hindi na sya maabutan ni Axcel na naiwan sa loob. Nanlulumo ito habang pinapanood si Carmela na mawala sa kanyang paningin. Gusto nya mang habulin ang Babae pero napag uunahan sya sa kirot na kanyang nararamdaman sa puso. Tinignan nya ang kanyang reflection sa elevator. Kailan nya ba huling nakita na ganito ang kanyang itsura? Not so long ago, nang magising sya sa ilang taon na pag kaka coma. At ngayon heto nanaman sya, mukha nanamang miserable, pinag babayaran ang lahat ng kasalanang nagawa nya kay Carmela.Nanginginig ang kanyang kamay. Gusto nyang umiyak, gusto nyang lumuhod, gusto nyang mag makaawa sa harapan ni Carmela upang bumalik ito sa kanya, pero kada nag a-attempt syang gawin 'yon, nauudlot dahil sa uri ng tingin sa kanya na iginagawad ng Babae. Puno ng pagka muhi, kinakasuklaman sya. Napahilamos sya sa kanyang mukha at napasabunot sa kanyang buhok d
Terakhir Diperbarui: 2025-11-03
Chapter: Chapter 143: Bare it allIsang lingo na ang nakaka lipas ng huli nyang nakita si Axcel. Wala syang balita sa lalaki at kahit sino man sa mga Promises. Sa kanyang isipan ay tiyak na walang mukhang maihaharap ang mga 'yon sa kanya dahil sa pag tataksil nila. Anong nangyari sa kanilang mga pangako noon sa kanya? Ganoon nalang ba 'yon? Bigla biglang mapapako? Tama nga ang sinabi noon ni Axcel, kaya Promises ang pangalan ng grupo nila dahil ni isa sa kanilang mga Promise, walang natutupad. Sa ilang araw na nag daan, handa na ba sya ulit na harapin ang lalaki? Kinuha nya ang kanyang sling bag na gagamitin sa pag pasok sa trabaho. Naka suot sya ng all black na para bang namatayan sya. "Kaya mo na ba Carmela?" Tanong nya sa harap ng salamin habang binabagay ang kanyang puting bag. Sinuot nya ang kanyang shades kahit na nasa loob pa naman sya ng kanilang apartment building na bago. Kumuyom ang kanyang kamao ng maalala nanaman kung paano sya gagōhin ng bwîsit na Axcel na 'yon, "Pwes kung hindi mo kaya, kayanin mo!"
Terakhir Diperbarui: 2025-10-28
Chapter: Chapter 142: LaptopUmupo si Jaren sa kama sa kanyang narinig. He sighed out of relief. Hinaplos nya ang nuo ni Carmela, inayos ang ibang hibla ng buhok na kumakapit sa kanyang pawis. Inayos rin nito ang kumot ng Babae upang hindi sya lamigin. Malambot syang ngumiti, "You can always come back home... to me."Tumulo ang nag babadyang luha ni Carmela na kaagad namang pinunasan ni Jaren gamit ang kanyang thumb. Marahan 'yon, puno ng pag iingat na para bang isang klase ng papel ang balat ni Carmela na sa isang maling punas lang dahil sa pagkabasa ay kaagad na mapupunit. Nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa mga namumuong luha na pinipilit nyang hindi tumulo. Sa kanyang isip, nababaliw na ba sya? Sapagkat hindi si Jaren ang kanyang nakikita ngayon, kundi si Axcel na marahan syang hinahaplos. Mas lalo pang idinikit ni Carmela ang kanyang mukha sa palad ni Jaren. Feeling every moment on his hand, as if Axcel was the one caring her. Lalo pang tumataas ang kanyang lagnat kung kaya naman nag ha hallucinate n
Terakhir Diperbarui: 2025-10-28
Chapter: Chapter 141: Coming BackHindi alintana ni Carmela ang pag bigat ng patak ng ulan na tumatama sa kanyang katawan dahil sa pagka lunod nya sa kanyang mga iniisip. Buti nalang ay tumigil na sya sa pag iyak. Walang wala sya ngayon. Ni hindi nya rin alam kung saan sya dinadala ng kanyang paa. Kanina pa sya palakad lakad pero kahit ganoon ay hindi nya maramdaman ang kanyang pagod. Wala syang cellphone, pera, o kung ano pa man. Gusto nya lang mapag isa at solohin ang kanyang mga naiisip. Umihip ang malamig na hangin na yumayakap sa kanya. Nararamdaman nya ang pagka manhid dahil hindi man lang nagsi tayuan ang kanyang mga balahibo. "Pago-d na ako..." Bulong nya, hindi sa pag lalakad, kundi sa kanyang mga nararamdaman. Mistulang bumagal pa ang oras ngayong gabi at isa na rin siguro ito sa pinaka mahabang gabi na kanyang naranasan. Nanginginig na ang kanyang kalamnaman kasabay ng pag ngatog ng kanyang mga tuhod. Pagiba na ang kanyang katawan dahilan ng pagka hulog nya sa maputik na kalsada. Gusto nyang sumigaw...
Terakhir Diperbarui: 2025-10-02
Chapter: Chapter 140: Part 2- Ten Steps"Mahal mo pa ba ako? May espasyo pa ba ako sa puso mo?..." Hindi naka imik si Carmela. Nakatingin lang sya kay Axcel. Bumagsak ang kanyang tingin sa mariin na nakatiklop na kamao ng lalaki. Alam nyang sinusubukan nanamang maging matatag ni Axcel. Masasagot nya ba ang tanong na 'yon? Oo, may espasyo, napakalaki, pero ung espasyo na yon. Nasaan na ngayon? Napuno na ng hinagpis na galit at kalungkutan. Oo Axcel. Mahal na mahal kita. Sa kabila ng lahat na ipinaranas mo sa akin, nagawa muli kitang mahaling muli! Higit pa sa kung ano ang naramdaman ko dati! "Carmela..." Paos na tawag sa kanya, "Sagutin mo naman ako ohhh... Meron pa ba? Ako pa ba?" Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi upang hindi na muling mapa hikbi. Sinusuri ni Axcel ang kanyang ekspresyon, nag babakasakaling makaka kuha sya duon ng sagot sa kanyang tanong. Ngunit ni isang bahid ng pag mamahal na kanyang nakikita sa mga nag daang buwan—bigla nalang nawala. Ang tila ba kagubatan noon na minsang nakalbo at naging
Terakhir Diperbarui: 2025-10-02
Chapter: Chapter 140: Part 1- NalamanMas lalong nangilid ang mga luha ni Axcel. Nanginginig syang nilapitan si Carmela. Ang isang hakbang ay katumbas ng pag atras ni Carmela. Napansin 'yon ni Axcel. Ito na ang kanyang kinakatakutan, dumating na. Ang masaklap ay sa araw pa na ngayon. Nawala na rin sa isipan ni Carmela na kaarawan ngayon ni Axcel. Wala syang ibang maisip kundi kung paano sya nito pag taksilan. Hindi lang sya ang pinag taksilan ng lalaki, pati ang kanilang anak at higit sa lahat ay si Gramps. "Mahal..." May pag mamaka awa sa tono nito. "Ano pa ang kailangan kong malaman?" Pilit nyang tinatatagan ang kanyang boses, "Bukod sa ikaw ang nag pagaan ng kaso at... nakaka alala kana, naaalala mo na ang lahat. Ano pa?" "Carmela.... please..." Hindi nag tangka pang lumapit si Axcel dahil malinaw naman ng lalayo at lalayo lang si Carmela sa kanya. Palabas kasi ng Mansion ang pag atras ni Carmela, baka kapag pumunta sila sa labas at mabasa si Carmela ng ulan ay maging dahilan pa ito upang maka kuha sya ng sakit. "
Terakhir Diperbarui: 2025-09-09
Chapter: Chapter 54: PakasalanTatawagan na sana ni Cheska si Nico upang sabihin kung nasaan si Chelsea nang biglang may nag text sa kanya. (Unregistered number: If you want to see Chelsea alive and breathing so fine you should come to this address *** **********. I'll be waiting for you, but not so patient. I only have two rules. 1st don't tell to Nico and 2nd once you call a police or pulling some strings to call the intelligence security. Hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin ang bungo nang so long lost daughter mo.)Nanginginig ang kamay ni Cheska na nahulog ang kanyang cellphone. Walang ibang pumapasok sa kanyang utak kundi ang iligtas ang kanyang anak. Nag uunahang tumulo ang mga luha ni Cheska at patakbong pumunta sa parking lot at pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa address na sinend ni Karina.Sa kalagitnaan nang kalsada ay patuloy pa rin ang panginginig nang kanyang kamay sa pag mamanneho. Ilang beses na rin syang kamuntikang mabangga at panay ang kanyang busina. Kulang nalang ay paliparin n
Terakhir Diperbarui: 2024-09-16
Chapter: Chapter 53: Abduct Napalunok si Nico nang mariin, "Pero paano naman ako?..." Pagak na tumawa si Cheska, "Noon ba inisip mo ako? Inisip mo ba kung paano ako noon o kung paano ba ang ginawa mong sariling pamilya?""That's why I'm here to repent for my sins... Alam ko nag kamali ako Cheska. Madami akong nagawang pag kakamali na mismong ako hindi ko alam kung anong pamamaraan ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pag kakamali. Cheska..." Nag mamakaawang tawag ni Nico sa kanyang pangalan. "Tao rin ako nag kakamali ako-" "Oo, nag kamali ka Nico pero ang mga ginawa mo sa'kin kahit kailan ay hindi yon naging maka tao! Para akong basura na anytime pwede mong itapon at pwede mong pulutin kung kailangan mo pa!"Pinipiga ang puso ni Nico sa kanyang naririnig mula kay Cheska. Kahit hindi naman nya naging intention na makasakit ay grabe ngang nasaktan ang kanyang asawa. Ngunit ngayon gagawin nya na ang lahat para maka bawi at mabuo ang kanilang pamilya. Haharapin nya na ang lahat at hindi nya
Terakhir Diperbarui: 2024-09-16
Chapter: Chapter 52: Reunion "What's your favorite color Chelse-a" Utal na tanong ni Cheska sa kanyang anak. Kasalukuyang naka kandong sa kanya ang panganay na anak. Hindi pa rin ito makapaniwala na buhay sya at hard copy pa nga nya ito. Isang mini Cheska kung tatawagin kaya hindi maipag kakaila na anak nya ang kasama ngayon. Matapos nga nang iyakan nila kanina ay ganon din ang pag iyak ni Aden nang makita na ang kanyang Ate na inaakalang matagal nang patay. Kahit sino naman ay ganoon ang magiging reaksyon. "I love color pink Mommy!" Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag syang Mommy nang kanyang anak. "So, we have the same color Baby... How about your favorite food?" Ngayong kapiling nya na ang anak ay kikilalanin nya ito nang mabuti at pinapangako nyang babawi sya sa mga pag kukulang nya. "I don't have an exact favorite food Mommy, but I like eating ice cream when I'm sad so I think an Ice cream will do po". Maligayang sagot ni Chelsea sa kanya. Sa Isang sulok ay si Nico na pinag mamasdan ang kanyang mag Ina
Terakhir Diperbarui: 2024-09-14
Chapter: Chapter 51: Family. May mga bagay talaga na dumadating sa ating Buhay na mahirap paniwalaan ngunit may mga bagay din na mahirap tangapin kung ito ay totoo. Minsan kung sinu swerte ay mga bagay na nakakapag pasaya sa atin, ngunit karamihan ay mga masasamang Balita na hindi natin kaya tanggapin. Buhay si Chelsea? Buhay ang anak namin? Ilang taon na ang nakalilipas na hindi nya pinaniniwala ang kanyang sarili na patay si Chelsea ngunit bakit kung kailan tanggap nya na ay sasabihin naman ni Nico na buhay sya?Anong scenario ang gustong ipalabas ni Nico ngayon? Binunot ni Nico ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ito. Nag text sya sa Isang katulong na nag babantay kay Chelsea upang dalhin si Chelsea sa kanilang location ngayon ni Cheska sa rooftop ng Condo. Hindi pa nakakabawi si Cheska sa parang panaginip na pangyayari ng may pinakita si Nico na litrato ng isang Batang Babae. Babaeng mala anghel ang mukha sa ganda na kamukhang kamukha nya. Tumulo ang luha ni Cheska habang nanginginig na kinuha ang c
Terakhir Diperbarui: 2024-08-22
Chapter: Chapter 50: Revelation Part 2Mag gagabi na ng maka uwi si Cheska. Kaninang mga alas tres ng hapon ay naka uwi na sya para mag prepare ng simple celebration nila sa Condo, ngunit muli nanaman syang umalis upang bisitahin ang puntod ni Chelsea at makapag paalam na aalis na muna sila ni Aden sa Pilipinas. Kung pwede lang dalhin ang mga labi ng anak ay gagawin nya ito. Si Chelsea lang naman ang dahilan kung bakit parang may pumipigil sa kanila na umalis. Pag bukas ng elevator ay para syang tinakasan ng sariling dugo ng makita si Nico na nanlulumo. Namumula ang mga mata nito na alam nyang dahil sa pag iyak. Ano kaya ang dahilan ng pag iyak nya?Hindi nya alam kung papasok sya sa loob ng elevator o mag papakain sa lupa. Paano nya nga ba haharapin si Nico na walang sinasabing masakit na salita sa lalaki? Paano nga ba harapin ang Isang lalaki na kahit mahal mo pa ay mahirap mahalin? At para kayong laging inalalayo ng Tadhana sa isa't isa at mayat mayang pinag tatagpo. "Cheska." Utal na tawag nito sa pangalan nya. Masy
Terakhir Diperbarui: 2024-08-22
Chapter: Chapter 49: Alive, not dead.
Ilang linggo nang naka kulong si Cheska sa kanyang kwarto para mag mukmok at harapin lahat ang kanyang nararamdaman. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan at karamihan doon ay ang tanong na Bakit? Bakit sa lahat ng tao na pwedeng pumatay sa kanyang ama ay ang pamilya pa ni Nico? At bakit lahat nalang ay may kinalaman kay Nico? Talaga bang ganito makipag laro ang Tadhana na kalalabanin sya sa pamamagitan ng ganitong pamaraan? O dahil sa ilang taon ng kanilang pag sasama ay matagal ng umayaw ang Tadhana sa kanila? Masakit isipin, pero kailangan kayanin. "May mga tao na para lang sa isa't isa sa Isang relasyon bilang mag girlfriend at boyfriend pero hindi sila para sa isa't isa kapag ikinasal na, kumbaga hindi na pwede ang relasyon nila bilang mag asawa...." Wala sa sariling wika ni Cheska habang naka tingin sya sa harap ng salamin. Ngayong araw nya lang nagawang ibangon ang kanyang sarili muli. Hindi naman pu pwedeng mag papa tangay sya sa agos ng buhay. Minsan kailang
Terakhir Diperbarui: 2024-07-30
Chapter: Chapter 11: 3rd person. Hindi maalis sa isipan ni Solen ang mga sinabi sa kanya ni Jericho. Ilang araw na ang lumipas simula nang huli silang mag kausap. Ngayong araw ay ang family day na sinabi ni Erwin kay Solen. Kasalukuyan silang nasa parke at pinapanood ang kanilang anak na abala sa pakikipag laro. "Sa susunod hindi na natin kailangan pumunta nang Parke para makapag laro anak natin" Nagtatakang napa tingin si Solen kay Erwin. "Gusto kong magkaroon tayo nang malaking bahay para maranasan nang anak natin ang komportableng Buhay. Malawak din para may pag lalaruan si Shielo at ang kanyang mga kaibigan" Napa ngiti sya sa sinabi ni Erwin. Lahat nang mga sinasabi nang lalaki ay na i-imagine nya. Tiyak na matutuwa si Shielo kapag nagkatotoo ang mga sinasabi ni Erwin. Ngunit alam ni Solen na mag kaka totoo ang mga ito dahil hindi ito mahirap para sa lalaki. Resort nga ay kaya na nitong mag patayo, bahay pa kaya na malaki at malawak. "Gusto kitang iharap sa simbahan. Ayoko sa munisipyo. Gusto kong may basb
Terakhir Diperbarui: 2024-03-11
Chapter: Chapter 10: Promise Matapos nang mga nangyaring eksena kanina sa pelengke ay mas minabuti nalang ni Solen na pumunta sa Dalampasigan. Naiwan sa palengke si Erwin kasama ang kanyang Ina. Kaya naman pala nauubos ang kanilang mga paninda ay dahil nandoon si Erwin, tuwang tuwa naman ang kanyang Ina, imbes na suwayin nya ang mga kababaihan sa pag papansin kay Erwin dahil may asawa na ang lalaki at si Solen yon. "Asawa ba talaga, Solen? O asawa nang iba?" Sinubukan nyang mag search sa Internet kung may asawa ba si Erwin. Akala nya ay magiging madali lang dahil ang lalaki ay public figure ngunit ni isang article ay walang lumabas. Ni hindi nila hinahanap ang lalaki dahil tinignan din ni Solen kung may nag hahanap ba sa kanya. Ngunit ni isa sa pamilya nang mga Tovias ay wala. Si Erwin ang taga pagmana nang kanilang kompanya at multi billionaire pero bakit ni isa sa kanyang mga pamilya ay walang nag hahanap sa kanya? Mabuti na 'ring hindi hinahanap si Erwin dahil tiyak na kapag hinanap nila ito at bumalik si
Terakhir Diperbarui: 2024-03-10
Chapter: Chapter 9: TahongNagising si Solen nang maamoy ang nilulutong sinangag na kanin. Isa kasi 'yon sa mga paborito nyang kainin sa umaga. Pag bangon nya at agad nyang naramdaman ang pananakit nang gitnang parte nang kanyang katawan. Napa ngiwi sya nang maalala ang nangyari kagabi. Ilang years ba naman syang walang dilig, kaya ngayon ay nakakaramdam pa rin sya nang sakit na para bang ito ang unang beses na may mangyayari sa kanila ni Erwin. Namula sya nang may maalala, kagabi ay sinabi ni Erwin na gusto pa nito nang Isang baby. Ibig ba sabihin nito ay gusto ulit syang buntisin nang lalaki. "Hindi pwede Solen! Ikalma mo ang perlas mo at kapag naka alala ang lalaki ay siguradong babalik sya sa pinang galingan nya." Suway nya sa kanyang sarili habang nag aayos bago lumabas nang silid. "Mag pasalamat ka na lang na hindi mo ovulation kagabi at tiyak na hindi ka mabubuntis . Hindi gaya nang nangyari sa inyo noon" dagdag nya. Tumango tango sya sa harap nang salamin dahil pumapasok na sa kanyang isipan ang ka
Terakhir Diperbarui: 2024-03-09
Chapter: Chapter 8: (SPG) SisidIlang minuto na ang lumipas at kinakabahan si Erwin dahil hindi pa sumasagot si Solen. Nakatingin lang si Solen sa kanya at pinag mamasdan sya. Hindi inaakala ni Solen na sa isang iglap lang ay gugustuhin na ni Erwin na mag Isang dibdib sila. Paano kapag nalaman nya ang totoo? Magiging ganito pa kaya ang lalaki sa kanya? Hindi nya alam. Ni hindi nya nga alam sino ang pamilya nang lalaki at kung pamilyadong tao na ba ito? "Solen?" Rinig ni Solen na tawag sa kanya nang Ina. "Ye-s". A words that escape from her mouth. From now on, tatanggalin nya muna sa kanyang isipan ang lahat nang pangamba. At bago matapos ang gabi na 'to mamahalin nya ang lalaki nang walang pangamba at takot na pwedeng idulot nang mga susunod pang araw. Saktong 12 nya sinagot si Erwin. "Yesss!!" Tumayo si Erwin at tumalon talon sa saya. Natawa sya. Ito ang unang araw na makikita nya rin si Erwin na ganito kasaya. Nag palakpakan ang kanyang mga magulang. Niyakap sya ni Erwin at bumulong ito. "I will love you un
Terakhir Diperbarui: 2024-03-02
Chapter: Chapter 7: Will you marry me Again?Pinapakiramdaman ni Erwin ang kalagayan nang dagat. Hindi ito kagaya kaninang hapon na malalakas ang alon. Ngayon ay tahimik lang ang dagat. Tumingin sya sa ginagawa nang matandang lalaki na nag aayos nang lambat upang itapon ito ulit. "Gusto mo bang masubukan?"Tila ba nahulaan nang tinatawag nyang 'ama' ang gusto nyang gawin. Gusto nyang subukan na sya rin ang mag tapon nang lambat. Ginawa ito kanina nang ama pero bilang lang ang nahuling isda. Hindi pa ata aabot nang Isang kilo ang mga isdang nasa timba. Inabot sa kanya ang naayos na fish net para sya naman ang mag tapon. "Dapat maayos ang pagkaka tapon para mas madami kang mahuling isda" payo sa kanya na tinanguan nya. Tumayo sya sa gilid nang bangka. Pagkaraan nang isang mahinang alon ay itinapon nya na ito. Pinapanood sya nang ama ni Solen. Gusto nyang tanungin ang lalaki na kung sakali bang malaman nito ang totoo ay tatanggapin pa ba nito ang kanyang anak? Tatayo pa rin ba syang ama sa kanyang apo? Ayaw nyang masaktan ang
Terakhir Diperbarui: 2024-03-02
Chapter: Chapter 6: SanaNaiilang na tumingin ang Ina ni Solen sa kanya. Paano ba naman kasing hindi maiilang eh kanina pa tinatawag ni Erwin na 'mama' at 'Itay' ang kanyang magulang. Bahaw na ngumiti si Solen. Kasalukuyan silang magkakaharap ngayon sa lamesa upang mag gabihan. Sa gitna nilang dalawa ay si Shielo na abot tenga ang mga ngiti. Walang nag sasalita at ang tanging tunog lang ng kubyertos at ang kanilang mabibigat na pag hinga ang naririnig. "Itay," napa tigil silang lahat ng mag salita si Erwin, pinanood nila ang magiging reaksyon ng kanyang ama. Uminom ang matanda ng tubig at binalingan si Erwin. Humigpit ang hawak ni Solen sa kubyertos. "Kailangan mo po ba ng katulong sa pang huhuli ng isda mamaya?" inosenteng tanong nya. Kadalasan kasi ay gabi nanghuhuli nang mga isda ang kanyang ama. Ang matigas na reaksyon ng ama kanina ay napalitan ng malambot. Umingay ang baritonong tawa ng matanda. Napa ngiti si Erwin. "Marunong kaba hijo?" tanong nito sa kanya. Kumunot ang nuo ni Erwin. "Hindi
Terakhir Diperbarui: 2024-03-02