Lahat ay tila nasa ilalim ng kontrol ni Luna mula sa mga salita niyang may dalawang ibig sabihin, hanggang sa pa-cute niyang hikbi na ginagamit na sandata.
"Ikaw at si Vincent ay parehong anak ng iyong ama. Dapat magtulungan kayo sa ganitong panahon, ano sa tingin mo?" ani Ysabel, sa tono na pananalita kunwari'y mapayapa pero ang dila'y parang labaha.
"Oo po," sagot ni Luna, nakangiti at nakatungo na parang mabait, pero sa loob-loob niya'y Kung kakampi ko si Vincent, mamamatay ako ng wala sa oras.
Walang nakuha si Ysabel ni pasaring, ni lakas, ni aliw. At dahil maraming nakatingin, hindi siya puwedeng uminit ang ulo. Kaya iniwan na lang ni Ysabel ang eksena nang may pilit na ngiti.
Paglingon ni Luna, agad niyang natanaw ang isang pamilyar na pigura.
Si Giovanni.
Nakasandal sa haligi, isang kamay ay nasa bulsa, at ang titig diretso sa kanya.
Tumaas ang isang kilay ni Luna.
Tangina. Ang paborito kong tanawin.
Bago pa siya makalapit, may narinig siyang tanong mula sa isang babae