Sa araw ng kanyang engagement party ay gumimbal sa madla ang isang video ng isang babae at lalaki na nagtatalik. Ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang fiancee, si Xavier Lopez at ang ex-girlfriend nito. Sa pinaghalong kahihiyan at kalungkutan, umalis si Luna Gray sa nasabing party at natagpuan na lamang niya ang sariling kaniig ang isa sa mga tanyag na abogado sa bansa. Si Giovanni Alexander Cortez. Kilala si Giovanni bilang isang tuso sa larangan ng ligal, bukod sa matalino at mayaman, ubod din ito ng kagwapuhan kahit na suplado. Lahat ng kababaihan ay halos luhuran siya. Except kay Luna Gray, ang babaeng brat at puno ng kapritso. Makakaya kaya niyang paamuhin ang isang babaeng laki sa yaman at nakukuha ang lahat ng gusto?
View MoreSolaire Hotel Suite.
Ang mga halinghing ay tumigil, ang mga kuko ni Luna ay nag-iwan ng mga marka ng dugo sa likod ng lalaki. Ang malakas at nagmamadaling katok na nanggagaling sa labas ng pintuan ay nagpagising sa lasing na lalaki. Napatulala sa kawalan si Luna. Ano ang nangyari kagabi? Sa kanyang engagement party ay dumating ang dating kasintahan ng kanyang fiance at walang hiyang ibinalandra sa lahat ang kababuyan nilang dalawa. Habang siya sinisikap ang sarili maging puro para sa kanyang mapapangasawa subalit ang h*******k pala ay nakikipagtalik pa sa dati nitong nobya! Naging katatawanan siya sa buong kamaynilaan dahil sa ginawa nito. Nilunod niya ang kanyang kalungkutan sa alak at nakatulog kasama ang isang lalaking kilala bilang isang hari ng impiyerno sa larangan ng batas. Ang pinakamahalagang bagay lamang sa kanya ay bata pa siya at ignorante sa maraming aspeto ng buhay. Dumating sa puntong hinabol niya ang lalaki at ginawang nobyo, subalit isang araw lamang iyon at iniwan lang din niya. Si Giovanni Alexander Cortez na matagal ng tinaguriang isang ‘chicks magnet’ ng maynila. Ibig bang sabihin ay dumating ang kanyang ‘ex-boyfriend’ kuno kung ganoon bang matatawag iyon dahil isang araw lang naman—upang maghatid sa kanya ng isang ‘praktikal’ na init pagkatapos ng ginawa sa kanya ng ex-fiance niya? Nararamdaman na ni Luna na ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang inosenteng aktres sa industriya ay malapit ng masira. “Oh, you're awake?” Sumandal ang lalaki sa headboard ng kama at saka nagsindi ng sigarilyo, bahagya pa itong humihingal. “Miss Luna and her fiance are quite interesting, are you playing with each other?” Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Luna sa kanyang isipan. Inilahad ni Giovanni ang kanyang mga daliri upang kunin ang ashtray sa tabi ng kama ni luna. “ Ano ang inisip ng dating kasintahan bago matulog? Upang gumanti sa dating kasintahan?” Inabot ni Giovanni ang ashtray upang itaktak doon ang abo ng kanyang sigarilyo. “Ano ba ang iniisip ng iyong dating kasintahan bago matulog? Pahiyain ang kanyang dating kasintahan?” Nakangiwi nitong sinabi. “Hmm… marahil ay kayong dalawa ay maihahalintulad sa isang grassland, mapatag at maberde. Dalisay at malinis.” Puno na ng sarkasmong sinabi ng lalaki ang huli. Bumangon si Luna sa pagkakahiga, dahan-dahan niyang iniangat ang kumot, inihayag ang hubad niyang katawan. Mula sa gilid ng kama, kinuha niya ang malambot na bathrobe at maingat na isinuot ito, tinatakpan ang kanyang balat. Umikot siya paharap sa kama at bumungad sa kanya ang lalaking tamad na nakasandal sa headboard, ang kalahati ng katawan nito ay natatakpan ng kumot habang ang kanang kamay ay may nakasinding sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri. Hindi maikakailang matikas at guwapo ang lalaki, hindi katulad ng mortal. Ang malalim at madilim na mga mata nito ay nakatuon sa kanya, na para bang hinihintay siya nitong magsalita. Si Giovanni, ang tinaguriang prinsipe sa larangan ng legal ng grupo ng maynila. Kilala ito ng lahat. Ang lalaking ito ay tanyag sa kanyang pagiging mahirap pakitunguhan. “Bakit narito ang abogadong si Giovanni Alexander Cortez sa aking kama?” “Iyon ay akin ding katanungan kay Miss Luna Gray,,” tugon ng lalaki habang kinuha ang room card mula sa telepono sa tabi ng kama at winagayway ito sa harap ni Luna. Ang mukha ni Luna ay nagpapakita ng hindi matukoy na damdamin. Ano ang karaniwang sinasabi ng iba? Kung makikita mo si Giovanni Alexander Cortez sa korte, huwag mo ng asahan pang magsuot ng panty! ‘Luna, naman! Sa dinami-rami ng lalaking pwedeng maka-one night stand, kay Gio pa talaga?! Masyado ng maraming kaganapan sa linggong ito, trending na trending magpahanggang ngayon.’ “Pasensya na, marami lang kasi akong nainom kagabi. Sana ay hindi galit si Atty. Cortez,” wika ni Luna, nagpapanggap na walang pakialam at dumiretso lamang sa gilid ng kama upang kuhanin ang nagkalat niyang damit. Walang pakialam niyang tinanggal ang puting roba na nakatakip sa kanyang katawan dahilan upang lumantad sa harapan ng lalaki ang hubot-hubad nitong mala-porselanang puti at makinis na balat. Nagtagis ang bagang ni Giovanni at nag-iwas ng tingin. “Are you always like this? Basta na lang nakikipagtalik sa kung sinong lalaki kung gugustuhin mo?” Taas ang kilay na tanong ni Gio. Wala sa mood si Luna para magpaliwanag pa. Isa pa, hindi naman ganoon kaganda ang relasyon nila noong magjowa pa sila. “Hmm… Yep, minsan pa nga ay dalawang beses sa isang araw, eh.” Kibitbalikat niyang tugon. Kinuha ni Luna ang kanyang bag at naghalukay roon. Ilang saglit pa ay naglabas siya ng pera at inilagay iyon sa sofa. “Sa pagkakaalam ko ay tatlong libo ang gabi rito sa Solaire Hotel Suite, pero limang libo ito. Sana ay hindi na ito mamasamain ni Mr. Atty.” Nag-isang linya ang mga labi ni Giovanni nang makita ang tig-iisang libo sa ibabaw ng sofa. Anong ibig iparating ng babae? Na madadaan siya nito ng pera? Na isa siyang bayarang lalaki para lapagan siya ng ganoong halaga? “Limang Libo? Ms. Gray, masyado yatang mataas ang tingin mo sa sarili mo.” Walang humor nitong tawa. May naisip si Luna, tumango, tapos may kinuhang barya. “Ito naman yung halaga mo, Mr. Giovanni.” “ HA! HA! HA!” Tumawa si Giovanni sa inis. Hindi lang pala siya tinuring na bayaran, ininsulto pa! “Niloko ka ng fiance mo sa engagement party ninyo, at ang lalaking nanloko sa iyo ay isang hamak lamang na sekretarya. Ang pamilyang Gray at Lopez ay kasalukuyan nagkakagulo ngayon.”Ano kaya ang mapapala mo kung ikakalat ko ang balitang natulog ka kasama ko?” Tumayo si Giovanni, sinambot ang tuwalya sa may bedside table at itinapis iyon sa kalahati ng katawan. “Kung ako sa'yo, hindi ko gagawin ang bagay na alam ko namang makapagpapatalo sa akin sa huli.” Makahulugan nitong sinabi. “Sanay kang mang-alipusta at mangmaliit sa mga anak mayaman katulad ni Xavier Lopez, ngayon ay tinalo ka lang ng isang babaeng hindi naman Kilala sa kahit anong larangan. Kung ako sa'yo, mahihiya akong ipakita kahit anino ko sa mga tao. Imagine, Luna Gray, the princess of Gray Empire, the face of Manila was just being cheated by her fiance?” Lahat ng mga katagang iyon ay tagos kay Luna. Kung sa ibang pagkakataong ay ipaglalaban niya ang kanyang sarili, subalit dahil isang abogado itong kaharap niya ay mas pinili na lamang niyang tatagan ang sarili. Tamad na pinagkrus ni Luna ang kanyang mga braso sa dibdib. “By any chance, may kinalaman ba iyon sayo?” “Hindi na iyon mahalaga, subalit…” kumurba ang labi ng lalaki na para bang natutuwa. “Gusto ko lang makita kung paano ka bumagsak.” Inis na tumawa si Luna. “Ngayon ay masasabi kong si Atty. Cortez ay disente kapag nakasuot ng pormal na damit ngunit isa palang halimaw kapag n*******d.” “Hihintayin ko ang magmamakaawa ka sa akin…” Paos at malamig na sinabi ni Gio, inangat niya ang kanyang kamay upang marahang haplusin ang pisngi ng babae. Tinabig ni Luna ang kamay nito. “Asa ka pa!” Sa kabilang banda, sa bahay ng mga Lopez ay kasalukuyang nakaluhod si Xavier at nanginginig ang mga tuhod na kaharap ang ama.Habang tumatagal, dumarami ang mga nanonood sa eksena. May ilan na kunwaring tumatawa sa tabi, ang iba'y may hawak nang cellphone, tila pipindutin na lang ang “record.”Lalong namutla ang mukha ni Francesca. Parang nauupos na kandila ang yabang niya, unti-unting kinakain ng kahihiyan. Nakatayo siya sa gitna ng kainan, parang batang nahuli sa pandaraya. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang tingin.At sa harap ng buong crowd, wala siyang masabi.Lumingon siya kay Xavier ang huling pag-asang mahila siya palabas sa kahihiyang ito.Ang lalaking minsang pinagpalit ni Luna ay tumikhim, waring sinusubukang buuin ang natitira niyang dignidad. At least, sa sandaling iyon, pinilit niyang kumilos na parang lalaki.Ngunit sa totoo lang?Mas huli pa siya sa dapat. At mas mahina pa kaysa sa inaasahan.Humarap si Xavier kay Luna, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, sinubukan niyang magsalita nang diretso, para bang kaya pa niyang ayusin ang lahat sa pamamagitan ng mahinahong tono.“Totoo nama
“Miss Francesca,” sambit ni Luna habang nakatayo pa rin sa gitna nilang dalawa, ang tono ay mapanuri ngunit may halong mapanuksong ngiti. “Magkano ba ang kinain n’yo ngayong gabi?”Tahimik si Francesca. Nagtama ang mga mata nila, ngunit hindi siya sumagot.“Alam mo,” patuloy ni Luna habang tumuwid ng tayo’t inayos ang laylayan ng kanyang damit, “mula nang mabuntis ka, parang wala man lang matinong alahas sa katawan mo.”Pinagmasdan niya ang babae mula ulo hanggang paa.“Hindi ko na nga babanggitin ang iba pa. Pero ni isang gold na singsing wala? Nakapanganak ka na para sa kaniya, pero nasaan ang kotse? Nasaan ang bahay?”May bahagyang katahimikan. Ngunit ang bawat salita ni Luna ay parang martilyong dahan-dahang ibinabagsak sa dignidad ng babae sa harap niya.Si Francesca, namutla ang mukha.Ang manipis niyang mga labi ay pinipigang huwag manginig. Mariin niyang sinara ang bibig walang salitang lumabas. Hindi dahil hindi siya marunong sumagot, kundi dahil kahit anong sabihin niya, hin
“Ang daming second-generation sa lungsod na ’to,” bulong ng manager, halatang nag-aalangan. “Sino ba talaga ang tinutukoy n’yo, Miss Luna?”Tahimik lang si Luna. Hindi na siya nag-abala pang ipaliwanag.Dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang telepono, mabilis na nag-scroll sa album, at itinapat sa mukha ng manager ang larawan ni Xavier pormal, gwapo, suot ang signature na salaming may manipis na frame, at ang ngiti na minsan niyang minahal.Napatingin ang manager sa larawan, at agad na kumurap ang kanyang mga mata.May munting gulat sa ekspresyon nito hindi dahil hindi niya kilala si Xavier, kundi dahil ngayon lang niya naalala."Ah siya po pala."Tumingin siya sa paligid, saka yumuko ng bahagya.“Nasa compartment number two po siya, doon sa balcony.”Tahimik na tumango si Luna.So he is here after all.Ang dating wala sa mapa ng social scene, heto’t biglang lumitaw sa mismong lugar na dulo ng lahat ng bulung-bulungan.At ngayong alam na ni Luna kung nasaan siya ang tanong pupuntahan
Napaisip si Luna saglit. “Gusto ko pero ayokong mapunta sa hot search na kasama si Abogadong Giovanni.”Tumango si Giovanni, may misteryosong ngiti sa labi. “Ayos.”Napataas ang kilay ni Luna. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ayos’?”Tumagilid si Giovanni, parang may itinatagong lihim na regalo. “Ibig sabihin, bilang paghingi ng tawad bibigyan kita ng isang hot search entry na ikaw lang ang laman.”Napapikit si Luna, parang may sumabit sa lalamunan niyang tawa. ‘Iba talaga ang lasa ng mga kapitalista. Iba kung umasta, iba kung mag-sorry.’Pagpasok nila sa restaurant, agad silang sinalubong ng manager pormal, maayos, parang alam agad kung sino ang importante sa pagitan ng dalawa
“It seems that the next meal is the key,” ani Giovanni, may bahagyang ngiti habang nakatingin kay Luna. Hindi iyon biro. Alam niya kapag sumablay siya sa susunod na hakbang, baka hindi lang pagkain ang hindi niya makuha. Luna, hindi man tumingin agad, ay ngumiti ng bahagya habang sumasagot, “Mabuti naman at alam mo Giovanni.” Sa tono pa lang niya, malinaw: Gusto kong suyuin mo, pero hindi ko sasabihing gusto ko. Habang umaandar ang sasakyan, ini-adjust ni Luna ang kanyang pagkakaupo, naghahanap ng mas kumportableng posisyon. Sa bawat galaw niya, parang sinasadya ang pagiging effortlessly elegant pa
Si Luna ay lumabas na suot ang isang body-hugging na palda, na may malalim na V-shaped back. Wala siyang suot na bra. Ang makinis na balat niya ay lantad mula batok hanggang baywang, hubog na parang hinulmang tula sa liwanag ng boutique. Sa harap, isang simple at eleganteng babae. Sa likod, isang anyayang hindi masambit sa salita. Si Giovanni ay biglang nakaramdam ng pamamanhid sa mga daliri hindi dahil sa lamig ng aircon, kundi sa pananakop ng init na umakyat mula sa dibdib pababa sa tiyan. Putangina. Napatingin si Luna, parang wala lang, pero may mapaglarong sulyap. “Okay ba?” tanong niya, kunwari inosente. “Maganda,” sagot ni Giovanni, halos hindi naririnig ang boses niya. Simple lang ang kanyang sagot, pero ang titig niya’y matalim para bang sinasabi: ‘Maganda’ ang nasabi ko, pero ang gusto kong sabihin ay ‘Delikado ka.’Larong Salamin at T
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments