"Kung sobrang dami mong pakialam, bakit hindi ka nalang magtinda ng pancake sa Market?"
Iyon ang banat ni Luna habang dahan-dahan siyang lumalapit kay Giovanni. Hindi ito sigaw, pero bawat salita’y parang sapak sa pride ng lalaki.
Napatigil ang buong paligid.
Ang kanyang mga mata ay kalmado, ngunit tagos sa buto ang bawat titig parang sinisilip ang konsensiya ng lalaki sa harap niya.
"Sa totoo lang, hindi ko na maintindihan ang ibig mong sabihin, Giovanni."
"Sabi mo, interesado ka sa akin. Pero hindi mo tinulungan ang kaso ko. Sabi mo, wala kang interes pero panay ang lapit mo."
Mabagal siyang lumakad palapit. Walang halong pangigigil, pero may puwersa sa bawat hakbang tila bang bawat yabag ay pagbayad sa lahat ng pagkalito.
"Either wala kang pakialam, o lahat pinapakialaman mo. Pero ‘yang style mo ng pakialam na parang buffet pili lang ng gusto aba, nakakabaliw."
Lumalim ang titig ni Luna, habang ang labi'y bahagyang nakakunot, nilalabanan ang ngiting may halong hinanakit.
"