“I wonder how will you sound like when you’re moaning my name?”
Namilog ang mga mata ng dalaga sa narinig at magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pinto sa backseat at pumasok sa loob ng sasakyan ang kanyang mommy. Mariing tinikom ni Lyla ang kanyang bibig para pigilan ang sarili sa kung ano mang masamang salita ang nais niyang sambitin.
“Pasensya na kung natagalan. Kinausap ko pa kasi ang designer para magpasukat ka, anak.”
Nangunot ang kanyang noo at nilingon ang kanyang mommy sa likuran. “What do you mean magpapasukat? Saan?”
“For your Tito Hades’ company anniversary celebration. Kailangan nandoon ka kaya magpapagawa tayo ng dress mo,” saad nito.
Agad siyang umiling. “No need, Mom. I can just buy a gown. Kailan ba?”
“Sa sabado,” nakangiting wika nito. “How are you guys here? I hope walang bangayan na naganap sa inyong dalawa. Matatanda na kayo. Hindi na dapat kayo umaktong parang teenagers.”
Walang ibang nagawa si Lyla kundi ang umirap sa hangin at hindi na umimik. She’s