Dinama ni Lyla ang ihip ng hangin habang nakasakay sa ibabaw ng kabayong pagmamay-ari ni Fletcher. Isa-isa nang nagsilitawan ang mga bituin kahit na hindi pa tuluyang lumulubog ang araw. Ang kahel na kulay ng kalangitan ay tila ba’y nagbibigay buhay sa buong paligid.
“For once, lower down your pride.”
Napatingin siya kay Fletcher at napansing nakatitig din ito sa kanya. “Paano kung ayaw ko? Ano ‘yun? Ako na lang palagi ang magpapakumbaba?”
“Ikaw ang mas nangangailangan,” he said. “Unless you don't want to visit your ex’s grave.”
That silenced her. May punto naman ito sa kanayang sinabi. Pero paano na lang kung hindi pumayag si Lucifer? Or maybe… like… ano. Uhm, ano ba? Hindi naman siya sigurado kung papayag si Lucifer kung makikipag-deal siya rito.
“There’s nothing wrong with trying,” he said.
She looked at his eyes and her heart tightened. Parang gusto niya tuloy magpunta agad sa Italy at nang makita niya na si Gio. Fletcher’s eyes will always remind her of the love she wasn’t a