Hindi maiguhit ang hitsura ni Lyla habang nakaupo sa kanyang upuan sa loob ng private jet ni Lucifer. Yes, they’re not riding in a public plane. May sariling eroplano si Lucifer at kasalukuyan silang nandito patungong Pilipinas.
Lucifer is reading some magazine and that keeps him busy. Habang siya ay iniisip kung bakit nagpauto siya sa binata. Obviously, hindi naman ito gagawin ni Lucifer, kapag magsusumbong ito, hindi siya ang masisira, pati rin ito.
But still, she can’t risk it. Ayaw niyang marumihan ang kanyang pangalan. Because unlike Lucifer, kapag may issue tungkol sa mga scandal, it’s always the woman to take the blame. Ang babae palagi ang nakikitang mali. And then they would praise the man for what he did.
That’s how fucked up out society is.
Tumayo na siya at naglibot ng paningin sa paligid. Walang imik siyang pumasok sa kanyang cabin at umupo sa kama. Sobrang tahimik ng paligid at sobrang ganda matulog. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na humiga sa kama.
Pinikit niya