“Congratulations, Miss Tolentino. You’re two weeks pregnant!”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ni Lyla ang sinabi ng doctor. Ramdam niya ang panay sulyap ni Dominic sa kanya sa passenger’s seat na hindi niya na lang pinapansin. For sure he’s wondering what they talked about and why is her reaction like this.
She’s pregnant. Hindi mag-sink in sa isipan ng dalaga na possibleng mangyari ang bagay na ito. Masyad0 siyang nagtiwala na hindi siya bubuntisin ng lalaking ‘yon. At mukhang nagkamali siya ng pagtitiwalang ginawa. She was wrong to trust that wicked devil!
“Lyla,” tawag pansin ni Dominic.
Wala sa sarili niya itong nilingon at kitang-kita sa mukha ni Dominic na nag-aaalala ito sa kanya. Pilit niya itong nginitian. “Yes?”
“Kanina ka pa tulala. Is there something bothering you?” he asked.
Mabilis pa sa alas kwatro siyang umiling at pilit ngumiti. “W-wala naman. Siguro pagod lang talaga ako.”
Tumango ito sa kanyang sinabi. “I see. Don’t exhaust yourself too much.