Napahawak siya sa kanyang ulo na para bang ano mang oras ay mabibiyak na sa sobrang sakit. Dahan-dahan siyang bumangon at humikab. Tumingin siya sa kanyang nightstand para tignan ang oras at napansing alas sais pa lang.
Masyado yatang naparami ang alak niya kagabi.
Lyla groaned and got off the bed. Pikit mata siyang naglakad patungo sa kanyang banyo at pumasok sa shower area. She opened the faucet and she almost tremble. Ang lamig! Nakalimutan niyang i-on ang heater!
Mariin niyang pinikit ang mga mata at dinama na lang ang lamig ng tubig mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang buong katawan. Pinikit niya ang kanyang mga mata at humugot ng malalim na hininga.
She took a very long shower. Long enough to reach more than half an hour. Inaalis niya kasi ang amoy ng alak sa kanya at para na rin mahimasmasan siya. And after taking a cold shower, agad siyang nagbihis sa kanyang paboritong dress.
Sa gitna ng pagbibihis ay may kumatok sa kanyang pinto. At sino pa nga bang nanggigising sa kanya