Hindi mapakali.
‘Yan ang kasalukuyang nararamdaman ng dalaga habang pabalik-balik ang lakad sa loob ng aircraft. One more hour left, at muli na naman siyang makakaapak sa lupa ng Pilipinas. And to be honest, she’s getting anxious.
Pammy was so polite to book a room somewhere in Loyola Heights for her to stay. Kasi kahit ang kanyang tutuluyan sa Pinas ay hindi na niya halos maalala. Laking pasalamat niya talaga at may mabait at responsible siyang sekretarya.
“Can you sit the hell down? You’re making me dizzy.”
“Then stop looking at me,” sikmat niya ito at sinamaan ito ng tingin. “Ano na lang ang sasabihin ni Fletcher? Bakit mo naman kasi sinagot ang tawag? Nakakapikon ka na!”
Nalaman niya kasi na sinagot ni Lucifer ang tawag ni Fletcher sa kanyang phone nang ibigay na nito ang kanyang purse at nakita niya ang message ni Fletcher na pinagbabantaan si Lucifer na h’wag pakialaman ang mga gamit niya.
“You were sleeping and it seems urgent,” bagot nitong saad.
Umirap siya rito. “Ang s