“Gio?”
Her head is about to burst. Hindi pa nga siya nakaka-get over sa katotohanang may anak ni Kevin Tolentino si Britanny, tapos ngayon ay masasaksihan niya pa ito. What in the world is happening right now? Pinaglalaruan ba siya ng tadhana.
Sasagot pa sana ang binata nang may tumawag dito at ang pangalan na itinawag nito ay napakamilyar sa kanyang tenga. Sabay silang napalingon sa nagsalita at muling nangunot ang kanyang noo.
“Gael,” the woman greeted and turned to her. “Oh, Lyla?”
Gael?
“Anong ginagawa niyo rito?” wala sa sariling sambit niya.
Tipid na ngumiti si Gael sa kanya. “Wedding anniversary ng mga magulang namin bukas. Hindi ka ba dadalo? Golden anniversary.”
Agad siyang umiling. “Hindi na. I don't want to ruin such a good event.”
Unti-unting humupa ang kanyang kaba sa dibdib. She looked at his eyes and noticed it was way darker than Gio’s. Tama nga siya, nagha-hallucinate lamang siya. Kung ano-ano na ang ang nakikita niya.
“Oh, were you crying?” biglang usal ni Ga