Kinuha ni Lucifer ang bagahe na nasa kanyang kamay dahilan para mapatingin siya rito. Iisipin niya na sanang gentleman ito ngunit inabot naman ito ni Lucifer isa sa mga tauhan nito. Mahina siyang napailing at bumuntong hininga.
“Napakatamad mo talaga,” hindi niya mapigilang sambitin.
Inirapan lang siya ni Lucifer at hindi ito nagsalita. Kakalapag pa lang ng chopper in Lucifer sa Sayak Airport and sa totoo lang, excited na siya. Excited na siyang magtampisaw sa tubig kasama si Lucky na ngayon ay panay ang palilibot ng tingin, mukhang naninibago pa lang ang bata.
“Come here,” saad ni Lucifer at nauunang maglakad.
Hinawakan niya ang pulso ni Lucky at sabay silang naglakad palabas ng airport. Mabuti na lang at alas nuwebe na ng gabi, hindi na masyadong marami ang taong nandito. Hindi na masyadong nakakahiyang lumabas na kasama sina Lucifer.
After the court hearing, pumutok ang bali-balita na mas pinapaboran ni Lucifer ang kanyang stepsister kaysa sa kaibigan. Some of them are even say