Humugot siya ng malalim na hininga at tinanaw si Lyla na busy sa paggawa ng sand castle kasama si Lucky. Na sa isang private property sila kaya panatag ang loob ni Lucifer na hayaan ang dalawa na maglaro.
“They seem to have a good time.”
Napatingin si Lucifer sa nagsalita at nakita si Mr. Nakahara. Ito ang dahilan kung bakit siya nandito sa Siargao in the first place. He’s planning to buy a lot owned by this old man. Pinagkakaguluhan ng mga businessman ang lupa nito kaya nakigulo na rin siya.
“They do,” he said and sighed. “So what now? Are you gonna sell me your property?”
Mahina itong natawa sa kanyang tanong. “Bakit ka ba nagmamadali? Why not enjoy your stay here to know if the lot you’re planning to purchase is worth the money?”
Hindi niya mapigilang mangunot ang noo. Mr. Nakahara is an old soldier from Japan who married a Filipina and settled down here in the Philippines. At sa pagkakaalam niya, namatay sa cancer ang asawa nito kaya ito na lang ang naiwan mag-isa dahil wala silan