Sortitus POV
Nakita ko ang kulay asul niyang mga mata na nagpapaalala sa akin sa babaeng hindi mawala-wala sa isip ko. Babaeng nakasiping ko sa ilalim ng bagong buwan. Ang kanyang mga haplos at halik ay nag dulot ng kakaibang sensasyon sa buong sistema ko na minsan hindi ko pa nakukuha sa dinami-daming babaeng nakasiping ko sa kama, kasama na ang asawa ko sa mga ito. Sa gabing 'yon ay biglang sumagip sa isipan ko ang babaeng nagbigay ng satispaksyon sa akin sa kama at ito si Clavem, ang babaeng itinanggi ko na matagal ng panahong ang nakalipas. Pero bago pa ang gabing ito ay naging ganito rin ang pakiramdam ko na parang halos sumabog na ako sa tuwa at pagkasabik ng una ko siyang naramdaman at maamoy ang kanyang mabangong aroma noong nasa loob ako ng pulisya at nagsalubungan ang aming mga anino sa isa't isa. Kung saan ako kaagad na dumiretso matapos nang aksidenteng pagkahiwa ng palad ko dahil sa nabasag na mug sa opisina ko mismo. At sa labis na pagkairita at pagkapoot sa loob ko, bun