Sortitus POV
Sa pagtapak ko sa laylayan ng Gown nito ay mabilis ko ring hinagot ang braso niya't inilapat ang aking kanang kamay sa kaniyang pisngi, sabay ang pagsiil ko rito ng halik sa kanyang mapupulang mga labi. Parang nawala ako sa sarili kong wisyo na gawin ito. Hindi ko narinig na kinausap ako ng lobo kong si Fenrir.
"How dare you to kiss me!"
Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Wala pang limang menuto ng inihiwalay nito ang kanyang labi sa 'kin.
Napangisi ako at tinitigan siya ng puno ng panunukso. "Now young lady, do you now remember me? Our night together?"
Napangiwi siya at kinuyom ang kamao.
"You look nervous, young lady?"
"I am not shivering. Ang kapal mo para halikan ako, at igiit ang kabaliwan mong may nangyari sa atin!?"
Mas lalong lumakas ang loob ko nang masilayan siyang napipikon sa mga kinikilos ko at sinasabi ko sa kanya.
Napansin ko rin ang biglaang pananahimik niya at unti-unting paghakbang. "You're now in silence? Why?" sambit ko sa maangas na tono,