Hindi agad nakaimik si Thyra at pakiramdam niya ay nabingi na siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso.
"A-Ano? Ba—Bakit?" Naguguluhang tanong niya.
"Mahal kita, Thyra. Kaya ako nagseselos kasi mahal kita. Matagal na. I just don't know how to say it. I was scared. I was afraid that you might not like me," saad ni Brett. Napalunok pa ito habang nakatingin sa kaniya.
Napaisip naman si Thyra sa mga nagawa niya at ang mga nangyari.
"P-Paano si Laureen?" Tanong niya.
Napakunot-noo naman ito.
"What about her?"
"Nakita ko kasi siya sa kuwarto mo, at nakita kong h-hinal*kan ka niya sa office mo sa building niyo," sabi ni Thyra.
"What? No. Noong nakita mo siya sa office ko, I pushed her. Lasing siya noon. At lasing din siya noong nakita mo siya sa kuwarto ko," sagot ni Brett habang nakakunot-noo.
Napalunok naman siya.
"My sister is with her, dumaan lang sila sa bahay. Pinayagan ko lang na humiga si Laureen doon, because she's wasted. Pero umalis din sila agad," dagdag pa nito.
Napakagat-labi si