"Dad? Why are you here?" Tanong ni Brett saka sumulyap kay Thyra.
Napalunok si Thyra at itinago ang kabang nararamdaman nang mapansin niyang nakasuot siya ng dress. Ipinagdasal na lang niya na hindi iyon mapansin ng ama ni Brett.
"May meeting ako with the owner. Kayo, what are you two doing here? And why do you seem to be hiding?" Kunot-noong tanong ni Benjamin at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dawala.
Hindi naman makapagsalita si Thyra.
"May bibilhin lang kami. At ngayon na lang ulit kami nakalabas. We didn't have bodyguards with us, so we were hiding," sagot ni Brett at inayos ang kaniyang damit.
Tumango-tango naman si Benjamin.
"No need to hide. May mga kasama akong bodyguards. Sumabay na kayong dalawa sa akin."
Nagkatinginan naman sina Thyra at Brett.
"Okay," sagot ni Brett.
Magkatabi namang naglakad ang mag-ama, habang si Thyra ay nasa likod nila. Sinenyasan naman siya ni Brett na tumabi sa kaniya, kaya agad siyang tumabi.
"Hindi bagay ang dress mo para diyan ka sa likod