"Nadia, pakibantayan naman si Thrina. Kukunin ko lang 'yong mga ibang pagkain sa loob," sambit ni Thyra.
Agad namang lumapit si Nadia kay Thrina at nakipaglaro sa kaniya.
Nakasalubong naman niya sa loob si Felip.
"Nakuha ko na lahat ng food, babe," saad nito.
"Sige, babe. Nakapag-set up na rin naman ako."
Naglabas ng panyo si Felip at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ni Thyra.
Napangiti naman siya.
"Thank you, babe."
Nagtungo sila sa garden ng kanilang bahay kung saan nandoon ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.
Kasama nila sa iisang bahay ang ama ni Thyra, at umuuwi naman si Felip tuwing weekends sa family house nila upang samahan ang kaniyang ina.
Nakapagpundar sila ni Thyra ng sarili nilang bahay.
Naabutan nilang pinapanuod ng lahat si Thrina habang sumasayaw sa gitna kasama si Nadia.
"Papagurin mo ang Tita Nadia mo, anak. Mahina na ang mga tuhod niyan," komento ni Felip.
Natawa naman sila.
Nag-make face naman si Nadia at tumigil sa pagsasayaw.
"Hello? You are one year ol