Napakuyom ang mga palad ni Brett at hindi mapigilang mamuo ang kaniyang luha.
Tumingin siya kina Thyra at marahas na binuksan ang kaniyang sasakyan saka siya bumaba.
"W-What did you say?" Agad niyang sambit.
Nanlaki ang mga mata nina Thyra at napatakip pa si Nadia sa kaniyang bibig dahil sa pagkagulat.
"T-Tara na, Nads," aya ni Thyra saka bumaling kay Nadia at agad siyang tumayo.
"No! You stay here!" Wika ni Brett at hinawakan ang kaliwang braso ni Thyra.
Napatingin naman si Thyra at marahas na binawi ang kaniyang kamay.
"Huwag mo akong hawakan," may diin niyang sabi.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Nadia sa kanilang dalawa.
"Tell me the truth. I want you to tell me now in front of me what I heard earlier," seryosong wika ni Brett na parang nagmamakaawa.
Hindi naman umimik si Thyra at nakatingin lang sa kaniya.
"Tell me, please," sinserong dagdag pa nito habang naluluha.
"Wala ka nang dapat malaman," mahinang sabi ni Thyra.
"But I heard you say Thrina is my daughter," saad nito.
"