Napatakip si Nadia sa kaniyang bibig nang tanungin iyon ni Thrina.
Nag-peace sign siya kay Thyra, ngunit hindi iyon pinansin ni Thyra dahil sa kabang nararamdaman.
"G-Guest kasi namin siya kanina, anak," wika ni Thyra.
Napalunok naman si Brett nang makitang masama ang tingin ni Thrina sa kaniya.
Humakbang palapit si Brett sa kaniyang anak, ngunit tumakbo itong lumapit kay Thyra.
"Mommy, siya ang nagsabi sa aking bad si Papa. I hate him," sambit ni Thrina saka nag-angat ng tingin sa kaniyang ina.
Agad namang napalingon si Thyra kay Brett.
"I-I'm sorry. Nagsinungaling lang ako sa'yo. F-Friends kami ni Felip—"
"You should not hurt a friend," pamumutol ni Thrina sa sasabihin nito.
Natahimik naman si Brett at napatingin kay Thyra.
"Mommy, siya ba 'yong sinasabi niyong friend na hindi niyo na nakakasama kasi bad siya?" Tanong ni Thrina.
Tumango naman si Thyra habang nakatingin kay Brett.
"Siya nga, anak. Pero labas ka rito. Hindi ka puwedeng sumali sa away ng mga matatanda."
Ibinaling ni Thy