Nanikip ang dibdib ni Thyra at bahagyang nanghina habang humahagulgol. Niyakap niya si Felip at umiling-iling.
"B-Babe! Gumising ka!" Paulit-ulit niyang sambit.
Nag-flashback sa isipan niya ang mga alaala nilang dalawa ni Felip. Kung paano niya ito nakilala, kung paano niya ito naging kaibigan, kung paano siya nito ilang beses iniligtas, kung paano siya nito pinagsabihan, kung paano siya nito inuna kaysa sarili niya, kung paano siya nito hindi iniwan, at kung paano nila minahal ang isa't isa. Ang pinakamasakit para sa kaniya ay maalala kung paano niya nito tinanggap si Thrina na parang tunay niyang anak.
Pati si Thrina ay hindi napigilang yakapin ang katawan ni Felip.
Napatakip naman si Nadia sa kaniyang bibig nang madatnan silang ganoon kasama si Anthony.
"N-No. No. No, F-Felip!" Napaiyak na lang si Nadia at nanginginig na nakatingin sa kaniyang kaibigan. Napasandal siya sa pader at hindi makapaniwala.
Napaupo si Anthony at napayuko. Hindi niya maiwasang maiyak dahil naging malapit s