"What? Tell me! Why are you doing all this?" Tanong ni Brett at hindi naiwasang magtaas siya ng boses.
Napakuyom naman ang mga palad ni Thyra.
"Maraming ginawang masama si Bettina sa akin. Hindi mo ako masisisi kung bakit ko ginagawa 'to!" Kunot-noong sagot niya.
Napalunok naman si Nadia at hindi alam kung paano sila aawatin.
"Pero humantong ka sa gagamitin mo si Thrina para maghiganti? Why? Because you know we will be happy with her? Will you use us too?" Kunot-noong tanong ni Brett at itinuro pa ang kaniyang sarili.
Hindi naman nakaimik si Thyra at unti-unting namumuo ang kaniyang luha.
"Itigil mo na 'to, Thyra. I know we did a lot of bad things to you, but don't use Thrina. And you can talk to my sister—"
"Pinatay niya si Felip! Paano ako makikipag-usap nang maayos sa pumatay sa boyfriend ko?" Pamumutol ni Thyra sa sasabihin nito.
Napatigil naman si Brett at tila nagulat sa narinig.
"Siya ang pumatay kay Felip. Felip did nothing wrong to her. Maybe Bettina just found out about what