[BRIA BRIXTON]
Ito na ang simula ng lahat. Sinadya kong papuntahin si Cammie at kung tanggihan man niya ako madaming babae dyan na pwedeng pumalit sa kanya. Bago pa man ang kasal una ng nakalipad si Cammie papunta dito sa Denmark.
Gaya ng inakala ko dadating ito dito mismo sa venue dahil hanggang ngayon patay na patay pa din siya sakin. Ayokong madamay siya sa laro ko pero wala akong choice.
Mas magagampanan niya ang papel ng maayos kung may nararamdaman pa siya sakin.
Hinayaan kong mahanap ako ni Klio kung saan madudurog ng husto ang kalooban niya sa masasaksihan.
Ilan sandali pa nga at naghalikan kami ni Cammie. Ramdam kong nanunuod siya at baka sa mga oras na to ay mabilis na siyang tumakbo.
Malabong sugurin niya kami at kung mangyari man yun mabibigla siya sa maari kong sabihin o gawin sa kanya.
Natapos ang eksena at pinauwi ko din si Cammie. Nayayamot pa tong bitawan ako. Gusto niyang mag sex kami dahil never pa yun nangyari sa amin pero over my dead body.
Hindi ako m