"ANAKAN mo ako, Kurt," nagmamakaawa na saad ko rito. Kahit sobrang baba na ang tingin ko sa aking sarili, wala na akong pakialam. Kahit durog na durog na ang pagkato ko.
"Anak? You don't deserve my sperm! And hindi ka karapat-dapat na maging ina ng anak ko!"
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Suno-sunod umaagos ang luha ko sa aking pisngi.
Yumuko ako at hinawakan ang aking dibdib. Ramdam ko ang kirot at pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. Narinig ko na lang ang malakas na pagsarado ng pinto.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nasa CR. Wala sa sariling itinapat ko ang aking sarili sa rumaragasang tubig. Pinikit ko ang aking mga mata habang sinalubong ang tubig sa aking mukha.
"Van?"
Napamulat naman ako sa boses ni Manang Rosy.Dali-dali akong nagbanlaw. Nakatapi lang ako ng tuwalya paglabas ng banyo.
"Manang?" paos na boses na saad ko.
Malungkot naman nakatingin si Manang sa akin.
"Okay ka lang ba?"
Pilit naman akong ngumiti rito.
"Bumaba ka na, at kakain na kayo."
Nakakunot