KABANATA 15
Mabilis na tinawag ni Magnus ang nurse para asikasuhin ako. Naiwan si Magnus sa labas habang abala sa akin ang nurse. Wala na akong pakialam kung anong kalalabasan ng laro, since it’s just a practicum.
“Sa ngayon ay bawal mo munang basain ang braso mo. Take these meds for you to heal faster,” the nurse gave some ointment and medicines. Tumango na lang ako sa kanya. Hindi naman ako gaanong nag-aalala dahil pwede naman akong magtanong kay daddy ng mga pwedeng gawin para gumaling agad ang aking kamay.
“Is she fine?” nakita kong pumasok na si Magnus sa loob ng clinic at sinalubong ang nurse. Pinagmasdan ko si Magnus na seryosong pinapakinggan ang nurse habang pinapaliwanag nito ang kalagayan ko. Just staring at him looking so worried for me makes my heart pound so fast. Paano niya kaya nagagawang patibukin ng ganito ang puso ko? Paanong ang isang katulad ni Magnus ang nagbigay damdamin na hindi ko man lang naramdaman sa ibang lalaki na dumaan sa buhay ko?
“How do you feel?”