Naiwan si Bryan at Nathalie na nakatayo sa city hall ng bigla ay nagsalita si Bryan
" Pwede bang itaas mo yang mukha mo? kanina ka pa nakayuko, hindi ka ba nangangalay" Nahiya naman si Nathalie kaya iniangat na lamang nya ang kanyang mukha " Pasensya na po sir Bryan" kagat labi nyang sagot ng hindi man lang nakatingin sa mata ng lalaki Napatitig naman si Bryan sa mukha at labi nitong kinakagat kagat pa ni Nathalie. Napalunok laway si Bryan dahil sa ginawang pakagat labi ni Nathalie na para bang nang aakit. pero hindi ganun ang intensyon ni Nathalie. Sanay lang syang ganun kapag hindi sya comportable sa taong kaharap nya. Gandang ganda si Bryan sa mukha ni Nathalie lalo na sa labi nitong mala kulay rosas at kahit nakasimpleng lipstick lang ito ay halata mong malambot ito. Parang naakit si Bryan na halikan ito. Napa-iling iling na lang si Bryan sa isiping iyon at inakit na si Nathalie na umalis sa lugar na iyon " Okay lets go, ihahatid na kita sa mansion dahil malalate na ako sa office. And while I am driving, please listen because I will discuss my rules" matikas na sabi nito "Okay po sir Bryan" pag sang ayon na lamang ni Nathalie dito "Good. Sumakay kana sa sasakyan" itinuro ang dala nitong sasakyan Binuksan naman ni Nathalie ang pinto ng sasakyan sa hulihan at akmang sasakay na sa back seat, ngunit muling nagsalita si Bryan "Gagawin mo ba akong Driver?" galit na sabi nito na hindi naman naintindihan ni Nathalie dahil nakakunot ang noo nito "I said, gagawin mo ba akong Driver mo? dito ka sa Unahan . Sa tabi ko" madiing sabi nito na ikinapahiya naman ni Nathalie kaya sa unahan nga sya naupo. "so-sorry po sir" paghingi nya ng paumanhin dito "okay no worries, lets go" ***sa sasakyan*** Habang nasa byahe ay nagsimulang idiscuss ni Bryan kay Nathalie ang rules nya sa mansion"Okay, tulad ng sinabi ko kanina makinig ka dahil ididiscuss ko ang rules ko sa mansion bilang amo mo at ikaw bilang maninilbihan ko. Ayoko ng Paulit ulit, kaya magnotes ka para hindi mo makalimutan. Well lima lang naman ang rukes ko sa bahay" Panimula ni Bryan at nagbigay ng notebook at ballpen kay Nathalie.
"And because you are paid for 20 years, lahat ng gusto ko at iuutos ko ay susundin mo. No buts. And wag na wag mo akong susuwayin dahil pag nangyare yun you're dead" sabi pa nito na ikinatakot naman ni Nathalie
Tinaggap naman ni nathalie ang ibinigay nitong notebook at ballpen kahit natatakot sya sa sinabi ni Bryan. Wala naman syang balak tumakas. Kaya nagsimula na lang syang magsulat.
"So First rule, ikaw ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay. Siguro naman ay alam mo kung anu-ano ang mga yun. Maglinis ng bahay, maglaba, mamalantsa, magluto, maggrocery and so on. Lahat ng kailangan mo meron ako kaya hindi kana mahihirapan pa, gagawa ka na lang. And sa grocery naman kapag naubos ay magpasama ka kay manong Richard. Syempre bago mo gawin yun ay ipapaalam mo muna sa akin" sabi nito kay Nathalie na tumungo tungo at agad naman nyang isinulat sa notebook
Marunong naman si Nathalie sa lahat ng iyon kaya madali na lang ito para sa kanya.
"2nd rule, Ayoko ng tatamad tamad. Ayokong madumi ang pamamahay ko kaya dapat araw araw kang maglilinis."
Naintindihan naman iyon ni Nathalie, dahil kahit sya ay ayaw nya ng maduming paligid at hindi naman sya tamad. Kaya tumango tango sya senyales na agree sya sa rule na iyon.
Sa isip ni Nathalie ay masyadong madali ang mga rules ng magiging amo nya, kaya basic lang ito.
"3rd, Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay except kailangang mag grocery. Bawal ang maglakwatsa" mariing sabi nito.
Ikinalungkot naman iyon ni Nathalie dahil para pala syang nakakulong, makakalabas lang sya pag maggogrocery. "Paano kung isang beses lang yun sa isang buwan? Hindi naman siguro sya magpapagrocery ng kakaunti. Natural na marami iyon" tanong nya sa kanyang isip pero wala syang magagawa dahil yun ang rule ng kanyang amo kaya susundin na lamang niya.
"4th, since makakalabas ka lang pag maggogrocery, Bawal na bawal kang makipag-usap na kahit kanino lalo na sa mga lalaki. except kay manong Richard"
"Paano po ako makakapagbayad sa cashier kung bawal ako makipag-usap?"
"What did you just say? Pilosopo ka ba?" Sagot ni Bryan na ikinagulat naman ni Nathalie
Akala nya ay sa isip nya lamang ang mga salitang yun ngunit nailabas pala nya.
"Hala pasensya na po sir Bryan, ibig ko pong sabihin ay kung pwede po sa cashier" nakayukong sagot nya dito
Napailing na lamang si Bryan sa narinig dahil para itong bata.
"Natural pwede sa cashier, paano ka nga magbabayad kung di mo kakausapin. What I mean is sa ibang tao na wala kang mahalagang transaction. Gets?" Inis na sabi ni Bryan dito.
Napakagat labi na lamang si Nathalie sa kahihiyan na agad namang nakita ni Bryan.
"Can you stop doing that ?" Tanong nito na naiinis dahil naaakit sya sa ginagawa nito
Hindi naman maintindihan ni Nathalie kung anong sinasabi nito dahil wala naman syang ginagawa para mainis ito
"Ano pong ibig mong sabihin sir?" May pagtatakang tanong nya
"That" turo nito sa labi ni Nathalie pero nakakunot pa rin ang noo ni Nathalie kaya nainis si Bryan
"Are you stupid? Ang sabi ko yang pagkagat labi mo tuwing nahihiya ka" galit na sabi nito
A-ahh okay po sir pasensya na po" nakatungong sagot ni Nathalie
Sa isip ni Bryan ay parang inosenteng babae si Nathalie kung umasta. Pero inisip nya ding baka inaakit lang talaga sya kaya hindi sya magpapadala.
"Okay lets move on. The 5th rule ay mamaya ko na sasabihin sa bahay dahil malapit na tayo"
Tumungo tungo na lamang si Nathalie at akmang ilalagay ang notebook at ballpen sa kung saan. Ngunit nasapo nya ang kanyang noo ng mapagtantong wala nga pala syang dalang gamit na kahit ano, kahit damit ay wala. Napansin naman ito ni Bryan kaya tinanong sya nito
"Why? Are you looking for something?"
"Ah o-opo sir, akala ko po kase may dala akong bag. Wala po pala kase biglaan. Wala din po akong mga damit" nahihiyang sagot nya dito
"Yun lang ba, may mga gamit doon sa bahay kaya wala ka dapat ipag alala kahit damit pambabae ay meron doon. Kung may kailangan ka sabihin mo lang at bibilihin ko."
Natuwa naman si Nathalie sa narinig " mukhang mabait naman pala si sir, akalain mong bibilhan pa ako kung anong gusto ko" nakangiting sabi ni nathalie sa kanyang isip, pero napansin naman ito ni Bryan.
"Maganda ang babaeng ito napakaamo ng mukha kahit nakangiti, pero hindi dapat ako magpadala sa angking kagandahan nito dahil ang mga babaeng katulad nya ay dapat pinaglalaruan lang. Malay ko ba kung palabas nya lang to" sa isip isip lamang ito ni Bryan kaya muli syang nagsalita
"Don't expect too much from me Nathalie, hindi ako mabait kung yun ang iniisip mo. Tuso akong tao kaya wag kang magalak, ngayon lang to dahil wala kang dalang gamit na kahit ano. Kaya ang dapat mo lang gawin ay maging tagasilbi ko" aroganteng sabi nito na ikinawala ng ngiti ni Nathalie
"O-o-opo sir" utal utal na sagot ni Nathalie dito
"Very good" sabi nito na tinigil na ang sasakyan at bumaba
"We're here, bumaba ka na dyan at sumunod ka sa akin"
Bumaba naman si Nathalie at sumunod gaya ng sabi nito. Nang makita nya ang bahay ay namangha sya dahil napakaganda at napakalaki nito. Hindi maipagkakaila na mayaman talaga ang amo nya.
"Labas pa lang ng bahay ay maganda na, paano pa kaya sa loob?" Tanong ni Nathalie sa kanyang sarili
Si Bryan naman ay patuloy pa rin sa pag lalakad. Nang makarating sa pintuan ng bahay ay pinagbuksan ito ng isang matandang lalaki.
"Good morning po sir Bryan" magalang na bati nito sa kanyang amo
"Good morning din po manong Richard" magalang na sagot ni Bryan dito "Sya nga po pala si Nathalie" pag papakilala pa nito kay Nathalie
"Girlfriend nyo po sir? Ang ganda nya sir magaling po kayo pumili. Hello Ma'am welcome po" nakangiting sunod sunod na sabi ni manong na walang kaalam alam kung ano si Nathalie dito.
Natawa si Bryan sa sinabi nito habang si Nathalie ay nagtataka.
"No manong, Nathalie is our new maid."
"Ay sorry sir akala ko po ay nobya nyo" nahihiyang sagot nito
"It's okay manong. Pwede nyo po syang maging katu-katulong dito sa bahay."
Tumango tango naman si manong at binati si Nathalie
"Hello Nathalie, welcome dito sa bahay ni sir Bryan. Pasensya ka na kung napagkamalan kitang nobya ni sir Bryan. Pag may kailangan ka ay tawagin mo lang ako" sabi nito at inilahad ang kamay para mag shake hands. Tinanggap naman ito ni Nathalie
"Hello po manong Richard, okay lang po salamat po" Nakangiting pagbati rin nya dito at inabot ang kamay ni manong Richard para magshake hands.
"okay lets go, pumasok na tayo sa loob at ididiscuss ko ang huling rule ko." Pagbasag ni Bryan sa usapan "Manong Richard makikisara na lang po ng gate, Thank you" Dagdag na sabi ni Bryan.