David’s P.O.V.
“Athena? Athena?” nag-aalalang bigkas ko sa pangalan niya, habang dahan-dahang tinatapik ang maganda niyang mukha kahit ito’y may ilang alikabok at dumi na. Ang mga mata ko naman ay naluluha na rin sa tindi ng aking kaba.
I instantly checked her pulse and breathing, maayos naman. Pero kahit gano’n, I would not risk the safety of Athena. Kahit nasa alanganin kaming sitwasyon ay mabilis ko pa rin siyang binigyan ng *CPR. Ngunit, lalo lang akong nanghina nang hindi pa rin niya iminulat ang kanyang mga mata.
May maliit siyang sugat sa ulo na tila naging dahilan nang pagkawala ng malay niya. Ilang patak din ng luha ang hindi ko namalayang pinakawalan na pala ng aking mga mata habang patuloy kong iniisip na—sa puwesto kung saan ko siya nakita ay sinikap niyang gumapang para lang makalabas.
&