David’s P.O.V.
Mahigpit ko pa ring yakap si Athena kahit tapos ko nang ikuwento sa kanya ang totoong nangyari. Umiiyak siyang nagsalita habang nakayakap din siya sa akin—ang kanyang mukha ay nakasubsob pa rin sa aking matipunong dibdib.
“I—I was willing to let you go by that time, pero hindi ko pala kaya. Sa sobrang sakit no’ng ginawa mo sa‘kin dito mismo sa loob ng unit mo, na kulang na lang ay i-ipagtabuyan mo na ‘ko, I promised myself that I would never bother you again.” Humigpit ang mga yakap niya sa’kin.
Seconds later, Athena shrugged her shoulders as she stared at me straight in the eyes. God knew how I truly loved gazing at her expressive green eyes.
“Pero… pero no’ng naiwan ko ‘tong kuwintas na ‘to sa loob ng Charmed habang nagsisimula na ‘yong sunog? Habang nakikita k